Chapter Five

0 0 0
                                    

Christmas party. At dahil tipikal na estudyante si Janine, excited sya nang araw na yun. Bagong damit, bagong sapatos, bagong regalo. Nasisiguro nyang espesyal ang regalo nya dahil manggagaling iyon kay Miss Salvador. Napangiti sya. Mas lalo tuloy syang na-excite.

As usual ay simple lang ang ayos nya nang araw na yun. She donned a blue T-shirt, dark denim jeans and flat shoes. Dahil Christmas party, branded ang suot nyang T-shirt—Paddocks na sale sa mall. Ang pantalon at ang sapatos nya ay mumurahin lang, iyong may tatak na intsik na hindi naman nya maintindihan. Ang rason ng nanay nya, hindi naman daw makikita ang tatak ng dalawa kaya pwedeng hindi na branded.

"Ang ganda talaga ng best friend ko ngayon!"

Inirapan nya ang katabing si Alex. Katatapos lang ng mga parlor games at kasalukuyan na silang kumakain ng lunch. "Umayos ka dyan Alexander Joaquin. Ayokong iniistorbo kapag kumakain."

Inakbayan sya nito. "Sus, party na party, nagsusungit." Hinagod-hagod nito ang kanyang likod. "Dahan-dahan lang at baka mabulunan ka. Teka, kukuha lang ako ng maiinom."

Papasang modelo naman ng isang sikat na clothing line ang ayos nito. Nakasuot ito ng long sleeves shirt na itinupi hanggang siko, washout jeans, at isang pares ng converse. Wet look naman ang buhok nito na bahagya pang nakatayo sa harapan. Ang pinakanagustuhan nya ay ang amoy bench nito. Kung pagtatabihin silang dalawa kakabugin pa nila ang title na "The Prince and the Pauper."

It was the best christmas party she had experienced. Malamang dahil hindi sya ang nag-organize nun. Thanks to keith, her gay classmate who planned everything. Sumali sya sa mga parlor games at sya ang tinanghal na grand champion ng pinoy henyo nang mahulaan nya ng sunod-sunod ang mga salitang parabola, Pythagorean theorem, Islamabad, monocot, angiosperms at hyperbole.

At syempre pa, wala nang mas masaya sa christmas party na madaming pagkain at busog ang lahat. Maraming nag-donate—voluntarily at involuntarily. Kasama sya sa "involuntarily." Class officer sya kaya napilitan syang mag-donate ng sapin-sapin.

Bumalik si Alex dala ang isang baso ng iced tea. Alam kasi nitong bihira lang syang uminom ng soft drinks gayong wala naman syang urinary tract infection. May dala din itong dalawang platito ng macaroni. "For dessert."

Inilapag nito ang dala. "Salamat."

"Welcome." Nakakailang nguya pa lang ito ng pagkain nang magsalita ulit ito. "Ah, Janine, may nakalimutan pala akong sabihin sayo."

Tumigil sya sa pagkain at nag-angat ng tingin dito. "Ano yun? Sige, sabihin mo na."

"Kami na pala ni Christine."

Dahil hindi nya lubusang nalunok ang kinakain ay muntik na syang mabulunan sa sinabi nito. Pinilit nyang ngumiti. "T-talaga? Kailan lang?" Naihiling nya nang mga sandaling yun na sana ay sinama nya sa paglunok ng pagkain ang sakit na nararamdaman.

"Kahapon lang. Sinagot nya ako sa text."

Tumango-tango sya. "Ahm... Err... Ano ba? Best wishes na lang!"

"Iyon lang ang sasabihin mo?"

Pumeke sya ng ngiti. "Bakit? May dapat pa ba akong sabihin?"

Umiling ito. "Wala naman, salamat."

Hindi nito natagalan si Olivia dahil nasasakal daw ito sa babae. Masaya sana sya, kung hindi lang kasimbilis ng pagpapalit ng damit ang ginawang pagpapalit ng babae ni Alex. Junior student si Christine, isang ramp, print and image teen model. Pangalan pa lang wala na syang kalaban-laban.

Crazy In Love Where stories live. Discover now