chapter 4

46 7 0
                                    

Phoebe's POV

"Oh erick, ikaw pala yan? Galing naman nang proposal mo ang ganda oh" -sarcastic kong tanong.


"Anong ginagawa mo dito?" -tanong nya.


"Ano bang ginagawa sa mall? Duh are you blind or you're just stupid? Pang shopping yung mall hindi proposal place. Ang cheap mo ha" -ani ko.


"Eto lang nakayanan ko eh hihi, eto nga pala si Nikka future ko." -pakilala nya sa biktima nya.


"Hi nikka it's nice to meet you, ikaw pala yung future ni erick. Naman ang sweet oh, future daw. Future ano erick? Future sugar mommy mo? Mayaman ba 'to? Anong business nang family nyo?" -baling ko kay nikka sa huling tanong ko.

 nahihiya na si ate, well it's not my intention to make her feel embarassed but dapat nyang malaman yung totoong ugali ni erick.

"Ahm business man ang dad ko at teacher naman ang mommy ko." -nahihiyang sagot nong nikka.


"Aahh kaya naman pala niligawan ka ni erick eh. For sure marami syang makukuha sayo. Ang galing mong mamili nang biktima erick no? " -sabay tingin kay erick.


"Ano bang pinagsasabi mo phoeb? Please wag kang mag iskandalo dito oh, may importante kaming ginagawa." -kinakabahang aniya


"Patawa ka talaga erick, hindi naman ako nag iiskandalo ah? Sinasabi ko lang yung totoong dahilan kung bakit mo sya niligawan. Kasi mayaman sya, gawain mo yan dati nong tayo pa diba? tsaka itong preparation mo sa proposal mo sino gumastos nito eh wala ka namang pera? For sure galing rin sa kanya yung perang ginamit mo?" -sabay turo kay nikka.


"Miss kung sino ka man at kung ano man iyang sinasabi mo tungkol kay erick wala akong paki, pwede bang bigyan mo kami nang privacy, importante samin to eh" -sabi nikka. (Aba aba aba wala daw'ng paki oh sige nga)


"Talaga? Wala kang paki kahit pineperahan ka lang nya? Kahit hindi ka nya totoong gusto? Kahit ginagamit ka lang nya? Ang tanga mo miss, sasabihin ko sayo, magsisisi ka pag sinagot mo yan dahil mauubos lang yung pera mo. Yan kaya ginawa nya sakin dati, ang kapal nang mukha. Tapos ngayon ikaw na naman yung biktima nya? Well goodluck sayo, its okay kung hindi ka maniwala sakin it's your choice being stupid, basta binalaan na kita. 

Tsaka privacy? Bobo! gusto nyo nang privacy tapos dito sa mall nyo yan ginawa? Anong klaseng utak meron kayo? At ikaw erick, wag na wag kang magpa kampanti dyan dahil sisingilin pa kita sa lahat nang ginawa mo sakin. Mukhang pera at manggagamit! "
-malakas na sigaw ko sabay walk out. Wala akong paki sa naka tingin sakin. Mamatay na mahiya.


"Pang award winning ka sa pagiging kontra bida mo alam mo yon? " -ani jane.


"Oh buhay ka pa pala? Sorry ha nalimutan kong nageexist ka" -sarcastic kong sagot


"Sorry naman hindi ako maka singit kanina eh, ako yung nahiya sa part nong nikka, tsaka ang lakas nang bunganga mo kaya for sure wala na sila doon sa sobrang kahihiyan." -Aniya


"Ayan kasi eh, dahil sayo ako yung napasabak sa gyera" -sabi ko.


"Bat sakin na punta yung sisihan? Diba si erick lang?" -tanong nya


"Eh kung hindi ka lang dakilang chismosa hindi tayo mapa padpad doon, sana marami na tayong na bili diba? Bwesit" -sigaw ko


"Sa susunod nalang tayo mamili, kain nalang tayo nang dinner bago umuwi hihihi" -pa cute nyang sagot sabay hatak sakin papuntang restaurant.


Pakatapos naming kumain diretso uwi na kami dahil wala na akong gana mag shopping, pag dating ko sa bahay and as usual, mga kasambahay at driver lang ang tanging kasama ko.


''manang pakitawagan naman si kuya please, masama pakiramdam ko eh, sabihin mo puntahan ako dito.'' pakiusap ko sa katulong sa bahay, pag ako yung tumawag kay kuya hindi naman pupunta yun.


''okay po, gusto mo bang tawagan ko rin yung doctor nyo para ma tingnan yung kalagayan mo?''


NO WAY. wala naman talaga akong sakit hihi.


''si kuya lang ang gusto ko manang, alam mo namang ayoko sa doctor eh, tsaka konting trangkaso lang po 'to.'' pagpapaawa ko. 


''sige, magpahinga ka muna sa kwarto mo at ipaghahanda kita ng gamot at pagkain.'' aniya.


''salamat manang.'' ngiti ko at umakyat sa kwarto ko. 


Busy pareho si mom at dad kaya kadalasan ako lang mag isa dito. Yung kuya ko naman sa condo umuuwi, minsan lang yun pupunta dito pag may kelangan. Since kaming dalawa lang naman yung anak close kami nag-aaway lang minsan pag nangaasar yun. Pero napaka protective non sakin. kaya ngayon iistorbohin ko sya, baka may babae na namang nilalandi yun. mabuti na yung andito sya sa bahay diba? 


Pagkatapos kong mag bihis natulog na ako dahil maaga pa klase ko bukas. Letche plan may dapat pala kaming gawin sa school na diko alam (ayan kasi phoeb oras nang klase daydream ka nang daydream buset)

Taking ChancesWhere stories live. Discover now