CHAPTER 4

17 3 1
                                    

Chase your dream by glydelantonio.



ATHENA'S POV

Maaga ako nagising dahil PE namin ngayon at paniguradong may exercise kami tss every Wednesday ang pe namin kaya naman ay tumayo na ako at kumilos pumunta na ako sa cr at naligo, matapos kong maligo ay kinuha ko ang phone ng bigla itong mag notif

*ting*

From: KURT
Good morning <3

To: KURT
Good morning din:)

Reply Sent.

Matapos kong mag asikaso ay bumaba na ako para kumain

"Good morning" nakangiting bati ko nakaupo na si mama, kuya at manang  na nag kekwentuhan naman at nilingon ako
"Oh sakto, kumain na tayo inaantay ka lang namin" at umupo sa tabi ni manang

Wala ng nagsalita pa sa amin at agad na natapos kumain.

"Alis na po ako" paalam ko sa kanila nauna na sa akin si kuya na umalis

Paglabas ko ng gate namin ay kinuha ko ang phone ko sa bag at nag chat kay Kurt

From: KURT
Asan ka na?

To: KURT
On the way

Reply Sent.

Agad na inoff ko ang phone ko at nilagay sa bag ko. At tinuloy na ang paglalakad.



KURT'S POV

Wednesday ngayon kaya napaaga ako ng gising naligo at kumain na ako at nag asikaso kaya naman ng mareceive ko ang chat ni Athena ay umalis na ako. Naglalakad na ako para salubungin siya, mas madalas kaming mag sabay sa kanto. Iisang kanto lang ng pinaka highway kami. Maya maya lang ay nakita ko na siya. Ngumiti naman ako ng makalapit na siya sa akin.

"Tara" bati ko sa kanya at ngiti naman ang sinukli niya sa akin
"Hmm may exercise daw ngayon" si Athena
"Oo nga eh bakit ba kasi kelangan non?" nanlulumo kong tanong

Daming alam

"Haha ganon talaga ok lang yan" wala na nag salita sa amin kaya ng makarating sa school ay pinauna ko siyang makapasok ganon lagi ang routine namin sa twing makakapasok lalo na pag may mga tao na nagkakasabay na lang kami pagdating sa building, kaya naman ng paakyat na sa building ay agad na lumapit ako sa kanya at ng makarating na kami sa 2nd floor ay nagpaalam na ako

"Una na ako" paalam ko
"Sige bye" nakangiting paalam niya at agad na tinalikuran ako tinignan ko pa siyang maglakad at saka umakyat.



ATHENA'S POV

Nang makapasok sa classroom ay kakaonti pa lang ang tao kaya naman ay naupo na ako at kinuha ang phone ko

Scroll scroll scroll

*school bell long ring*

Nang marinig ang bell sa court ay in-off ko na ang phone ko at tinago sa bag napansin ko ding dumami na ang classmates ko pero wala pa din sila Payne

Hays late na naman siguro

Kaya naman ay bumaba na ako at nakita si Quennie lumapit ako sa kanya na malapit sa unahan ng pila. Wala pa ang mga grade 11 at pababa pa lang kaya naman umayos na ako ng tayo.

"Uy Athenaaa" agad na niyakap ako ni Quennie ng maramdaman niya ang presensiya ko
"Miss mo na naman ako ah" natatawang sabi ko at niyakap din siya at napansin ko din si Clarisse ngumiti naman 'to at niyakap ako matapos umalis sa yakap ko si Quennie
"Wieeee" pag ka akap sa akin ni Clarisse
"Miss niyo ako lage ah" natatawang sabi ko matapos niya sa akin yumakap
"Oo naman haha kahit tuwing abm lang tayo mag kaklase" malungkot na sabi ni Quennie
"Ok lang yan" natatawang sabi ko at ngumiti naman silang dalawa sa akin maya maya pa ay nagsimula na ang flag ceremony at ng matapos ito ay alam na namin ang kasunod

CHASE YOUR DREAMWhere stories live. Discover now