"Aalis ka pa rin ba?" mahina, pabulong niyang tanong habang magkadikit pa din ang noo namin.
"Pipigilan mo ba 'ko?" ngiti ko.
"Magpapapigil ka ba?"
"Sinong sasagot?" natatawang tanong ko.
"Sasagutin mo ba ako kapag tinanong kita?" hindi na nawala ang ngiti sa labi ko kahit nagpapalitan lang kami ng tanong.
"Anong sagot ba ang gusto mo?" tanong ko rin.
"Na...mahal mo rin ako." tawa lang ang isinagot ko sa kaniya at napayakap nalang ako at ibinaon ang mukha ko sa balikat niya dahil hindi ko na maintindihan ang kakaibang saya na meron ako ngayon.
Sa pag-angat ko ng ulo ko dahil niyakap niya ako pabalik ay doon ko lang napagtanto na halos lahat pala ng tao sa paligid namin ay nakangiti at nagpapalakpakan pa.
Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan niya na ang kamay ko at iginaya papalabas. Nakatitig lang ako sa kamay naming magkahawak. Ganito pala ang pakiramdam ng may humawak ulit sa kamay ko na parang tinanggap ako ng buo, bilang ako.
Nang makarating kami sa labas dala ang maleta ko ay huminto siya sa tapat ng isang taxi.
"Madie..." napalingon ako dahil bago sa pandinig ko ang pagtawag niya sa akin ng pangalang 'yon.
"Hmmm?" nakangiting sagot ko. Nagkamot siya ng kilay niya kaya nagtaka na ako. "Ano 'yon?" tanong ko.
"Kasi...ano.." hinintay ko siyang ituloy ang sasabihin niya. "Nagmamadali kasi ako kanina kaya..."
"Kaya?" kunot noong tanong ko na.
"H-hindi ako nakapagdala ng pera."
"Hmm? Tapos?"
"Yung t-taxi hindi ko pa nababayaran." natawa nalang ako sa kaniya bago kumuha ng pera at binayaran ang taxi.
Hawak kamay pa din kaming naglakad matapos kong bayaran ang taxi. Para kaming ewan na naglalakad habang dala dala niya ang maleta ko, nakasabit din sa balikat niya ang maliit na sling bag ko.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya.
"Umuwi muna kaya tayo sa condo ko? Hindi ka ba nahihirapan sa dala mo?" nag-aalala kong tanong pero umiling lang siya.
"Alam ko na kung saan tayo pupunta." nakangiting sabi niya.
"Eh paano? Wala naman tayong sasakyan na dala?"
"Hiniram kasi ni Bella 'yong kotse ko kahapon kaya wala akong sasakyan na dala ngayon," napabuntong hininga pa siya. Natahimik ako ng marinig ang pangalan niya.
Gusto kong magtanong. Gusto kong linawin ang lahat pero sapat na sigurong nandito siya sa tabi ko para masagot lahat ng tanong ko.
"Magco-commute nalang tayo," dagdag niya kaya hinila niya na agad ako. Dinala niya ako sa isang bus stop at doon kami naghintay ng masasakyan.
Nang sumakay kami sa bus ay halos lahat ng pasahero ay nasa amin ang atensyon at sa mga dala ni Matthew na maleta. Para siyang asawa na sinundo ako matapos maglayas!
"I told you to go home-"
"Hayaan mo sila, hindi naman nila alam kung gaano kita na-miss." pabulong niyang sinabi sa akin kaya natahimik na ako nang ilagay niya ang kamay niya sa balikat ko para hapitin ako palapit sa kanya.
Ako ang pina-upo niya sa tabi ng bintana. Hindi pa ako ganoon ka komportable mag commute lalo na at hindi akma ang suot ko ngayon.
I was wearing a denim button skirt and a pair of turtle neck white sleeveless with a denim jacket matching my skirt.
BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasyMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...