"Oh hi my dear cousin! Can you fetch me here?" Sabi ko sa pinsan ko sa kabilang linya. Alam kong may ginagawa sya, pero wala na akong magawa sa mansion 'no!
"San ka na naman ba pupunta? Diba grounded ka nila tito? At saka may shooting ako maya- sir liam magiistart na po- ah sige saglit lang. Bye, Derie mamaya ka na lang tumawag." Sabi ng pinsan kong artista, eh mukha namang paa. Duh, buti na lang nagmana ako sa kagandahan ni mommy.
"Liam ano ba! Mamaya na ya--- arrghh bwisit! Wala syang karapatan patayan ako ng tawag!" Singhal ko sabay hanap ng number nya. Subukan nya lang hindi ako sagutin, masasabunutan ko sya.
"Hello po Miss Derie." Napatingin ako sa phone ko kung tama ba ang natawagan ko o hindi. Pero tama naman, yung bruhilda naman yung tinatawagan ko.
"Eh? Sino ka? Bakit hawak mo phone ni Nica?" Tanong ko habang namimili kung anong bag ang gagamitin ko ngayon. Feeling ko mas bagay itong Prada kesa sa Chanel.
"Ako po yung PA ni Ma'am Nica, kasalukuyan po syang nasa interview kaya ako po may hawak ng phone nya." Nabitawan ko yung brand new na Gucci na hawak ko, pero agad ko din itong pinulot dahil kakabili ko lang nito nung isang araw. My gosh! Ang mahal kaya nito dapat hindi ito nilalaglag lang 'no.
"What?! Nasa interview si gaga?!"
"Opo Miss Derie. Sasabihin ko na lang po kay Ma'am Nica ma----" Agad kong pinutol ang sasabihin nya dahil naiirita ako sa boses nya.
"Whatever. Sabihin mo na lang sa kanya bruhilda sya!" At pinatay ko na ang tawag. Hinagis ko ang iPhone 11 pro max ko sa kama ko dahil sa inis. Bakit ba naman kasi sila artista at model diba??
"Bwisit! Sinong sasama sa akin ngayon?? Kahit ihatid na lang nila ako sa mall?? Wala din?? Oh my god! Mababaliw na ako dito sa mansion!" Sigaw ko at nagpagulong gulong sa kama. Wala naman kasi akong ginawang iba this past few days so bakit ako grounded huh?
Naglakad lakad ako sa kwarto ko at nagisip kung sino ang pwede maglabas sa akin dito sa mansion na ito. Napatingin ako sa dingding ng kwarto kung na saan ang mga picture frame. Nakita ko ang mukha ng huling pagasa ko na ngingiti ngiti sa akin ngayon. Na parang sinasabi 'ako ang tawagan mo Derie, ilalabas kita dyan, promise'
Dali dali kong dinayal ang number nya at makailang ring lang ay sumagot na agad ito.
"Derie, apo! Napatawag ka?" Masiglang bati sa akin ng nagiisang lolo ko. Agad akong ngumisi dahil good mood sya ngayon.
"Omg lolo! I miss you! Can we meet? I just want to talk about something eh. Please!" Pag makaawa ko sa kanya. Ang nagiisa nyang magandang apo, titiisin nya? No way!
"Nasa mansion kaba? Sige papunta nako---"
"No, lolo! Gusto ko sa mall! Ang init init dito sa mansion eh!" Pagpupumilit ko pa kay lolo. Please lolo pumayag kana!
"Sige susunduin kita dyan. Mukhang mabigat ang usapan natin apo ah." Sabi nya at napatalon ako sa tuwa dahil pumayag at susunduin pa ako ni lolo.
"OMG! Thank you lolo! I love you po!" Natawa naman sa akin si lolo at nagpaalam na.
〰️〰️〰️〰️〰️
"Apo, kanina pa tayo paikot ikot dito sa mall. Ano ba iyong paguusapan natin?" Napangiwi ako dahil akala ko nakalimutan nya yung alibi ko kanina. Ngumiti na lang agad ako sa kanya.
"Ay oo nga po pala. Tara kain muna tayo lo." Saka ko sya dinala sa mamahaling restaurant at humanap ng table. Nagorder na din kami at hinihintay na lang ito.
"Lolo, gusto ko nga po pala sa birthday ko punta tayo sa Maldives." Sabi ko dahil sawa nako sa mga dagat at resort dito sa pilipinas at gusto ko naman itry sa ibang bansa, at napili ko ang maldives hehehe.
"Ano apo? Pakiulit nga?" Nako, mukang nabingi pa si lolo.
"Gusto ko po sa birthday ko pupunta tayo sa---OH MY GOD! ANO BA YAN! ANG TANGA TANGA NAMAN!!" Sigaw ko sa waiter na natapunan ako ng soup, buti na lang hindi mainit. Pero oh my god! Ang lagkit na ng braso ko. Agad ko naman itong pinunasan ng tissue.
"Sorry po ma'am. Hindi ko po sinas---"
"Just shut up. Okay?? Ang tanga tanga kasi. Hindi magdahandahan." Sabi ko habang pinupunasan ang braso kong malagkit. Mygod! Sayang ang lotion ko huhuhu!
"Apo tama na. Humingi na sya ng tawad." Sabi ni lolo habang nagpapaumanhin din sa waiter.
"Kahit na lo. Dapat magdahandahan sya. Asan ba ang manager mo? Gusto ko syang makausap." Sabi ko habang nakatayo. Pinagtitinginan na din ako ng mga ibang tao na kumakain dito. Wala akong pake sa kanila 'no.
"Apo tama na--"
"Ilabas nyo ang manager nyo! Bakit kasi may tatanga tanga kayong empleyado!" Sigaw ko pero wala ni isa sa mga waiter ang gumagalaw para tawagin ang manager nila. "Mga bingi ba ka---"
"Umuwi na tayo Derie. Hindi na ako natutuwa sa inaasal mo. Pasensya na ulit sa apo ko." Sabi ni lolo at hinatak na ako palabas ng restaurant. No way! I need to talk to their manager.
"Pero lolo kailangan ko makausap ang manager para----"
"Para ano? Para sigawan din ang manager nila? Hindi mo ba narinig ang sabi ng waiter kanina? Hindi nya sinasadya." Sabi ni lolo at dumiretso na kami sa parking lot. Pinagbuksan naman kami ng driver ni lolo.
Nang makasakay at makarating ng mansion hindi ko pinapansin si lolo. Hindi kami bati ano. Hindi nya ako kinampihan.
〰️〰️〰️〰️〰️〰️
Sya ang nagiisang babaeng apo ng Cross. At dahil nga nagiisa lang sya, nakukuha nya ang mga gusto nya. At dahil minsan lang sya matutukan ng mga magulang nya, gumagawa sya ng mga kalokohan, binabastos lahat ng kinaiinisan, maski matatanda. Lumaki syang ganito at dahil napupuno na ang mga magulang nya.
Naisipan itong patirahin magisa sa probinsya nila, tumira sa maliit na bahay na walang katulong, at magaral sa pampublikong paaralan. Walang mamahaling materyales, kumain ng mumurahing pagkain, at higit sa lahat rumespeto at gumalang sa lahat.
Pero alam ng mga magulang nya na hindi nya ito magagawa ng magisa, humanap sila ng makakatulong sa anak nila. Ngunit, lahat ito tumanggi na tulungan ang anak nila. Kesyo daw malaki na at dalaga na pero walang galang at respeto.
Samantalang si Windmill Cross, o si Mill, ang lolo nila ay may kilala at pinagkakatiwalaan na pwedeng makakatulong sa apo nya.
Matutulungan nya kaya si Derie na magbago?
O mas lalong lala ang ugali ni Derie?
Makakayanan kaya ni Derie ito?
Tunghayan natin ang buhay ni Derie.
〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️
A/N: Hey guys, i think this is my second story here in wattpad and i hope you will support me until i finish my story or hanggang sa maging successful writer ako hehehe.
This story is about love, family and friendship. Although wala pa akong masyadong alam sa love dahil alam nyo na, tineger pa lang akets, but i'll try my best sa family at friendship.
So i hope you support my stories hehehe. Loveyahhh.
YOU ARE READING
Save Me From This Mess
RomanceDerie's life was so perfect, lahat ng tao ay naiingit sa kanya, dahil sa yaman at ganda ng buhay nito. Pero lahat ng iyon ay sinasayang nya. Paano kaya kung mawala itong lahat sa kanya? Makukuha nya pa kaya ang lahat ng sa kanya? Pati ang natitira...