PROLOGUE

2.8K 253 154
                                    

PROLOGUE

ELLA

"TAPOS KA na sa assignment n'yo?" salubong na tanong sa akin ni Samantha, my best friend, pagkalabas ko palang ng classroom.

Inayos ko ang bagpack ko sa pagkakasabit sa aking balikat bago ko siya tanguan. Gumilid muna kami sa classroom dahil nagsisilabasan na rin ng classroom ang iba pang estudyante dahil uwian na.

"Oo," maikli kong sagot habang isinusukbit naman sa aking kabilang balikat ang drawing tube ko.

Para namang nagningning ang mga mata niya pagkatapos marinig ang sagot ko. "Wala ka nang ibang gagawin this weekend?"

Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa sunod niyang tanong. Ha, kahit na hindi pa niya ako tinatanong ng gusto niyang itanong, alam ko na agad sagot ko. Panigurado aayain na naman niya ako sa kung saan.

"Saan ka ba gagala na naman?" Nakangisi kong tanong sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

She giggled awkwardly. "Alam mo ba na may bagong gawang bar and mag-o-open iyon tonight? Balita ko rin libre lahat doon ngayon! Tonight lang, s'yempre, hehe."

Kinuha ko naman ang shoulder bag ko at isinukbit iyon sa isa ko pang balikat bago tumayo ng tuwid at tumingin sa kanya ng diretso. "Give me 3 reasons why I should come with you," wika ko at nagsimula na maglakad. Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga bago bumulong ng kung ano-ano sa sarili.

"Number one, you should come with me because you're my best friend. Number two, you should come with me because you need to relax and chill. Look at yourself nga, mukha kang sampayan sa sobrang dami ng nakasukbit sa balikat mo. Hindi ba sumasakit batok or likod mo? Fun fact, do you know that alcoholic drinks can reduce body pain? Pain killer kaya 'yon! Last. Number three, you should come with me because I need your support! Kakanta kaya ako ro'n. There. Three reasons why."

Nilingon ko muna siya saglit sa gilid ko at mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang proud niyang ngiti habang parang inuulit pa isipan ang tatlong rason na sinabi niya sa akin.

"Meh... Persuade me. Ayusin mo!" Pang-aasar ko sa kanya na kinahaba ng kanyang nguso.

"Come on! Kumakaway na sa atin ang second semester, oh. Saka, hindi tayo nakapag-bonding no'ng first week nang January dahil tinapos mo ang assignment mo. May two weeks break pa tayo na dapat nating sulitin!"

"Yeah, kaya nga dapat nagre-review na ako dahil malapit na ang finals namin."

She smirked. "Sasama ka sa akin o you're going with me?"

"I'm going home," sagot ko at binilisan ang pagbaba sa hagdan. Mabilis naman niya akong hinabol at humawak sa braso ko. Tingnan mo 'to. Parang kanina lang iniinsulto ako na mukha akong sampayan dahil ang daming nakasabit sa akin na bag tapos isa rin pala siya sa sasabit sa akin.

"Hindi mo ba susuportahan ang best friend mo?" bulong niya sa akin gamit ang pinaka nakakaawang boses at ekspresyon.

Bumuntong-hininga ako. "Oo na. Sasama na ako. Para namang may iba pa akong choice, e baka nga pati sa panaginip ko ay lumabas ka!"

Tumawa kaming dalawa at naglakad na papalabas ng University habang nagku-kwentuhan ng kung ano-ano. Nang makalabas na kami ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumiretso siya sa kotse niya at ako naman ay naglakad lang dahil nais kong dumaan muna sa isang bookstore.

Pagkapasok ko sa loob ng bookstore, tumambad sa aking libo-libong mga libro at school supplies. Mabilis akong nagtungo sa art materials section at kumuha ng mga kailangan ko para sa second semester namin this February.

MISSION: Break The Bad Boy's Heart (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon