-Krystal-Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.Inalis ko ang kamay ni Dean mula sa pagkakayakap sa'kin at agad tumakbo papuntang banyo dahil nasusuka ako
"You okay?" Hindi ko napansin si Dean na sinundan pala ko papuntang banyo.Hinawakan niya ang buhok ko at hinagod ang likod ko.
"I think s-" hindi na natuloy ang sinasabi ko nang maramdaman kong nasusuka ako ulit
Fvck! Dapat talaga hindi na'ko uminom kagabi!
"You look sleepy hubby" I pointed his face
"Of course I am.Hindi mo'ko pinatulog kagabi" sabi niya at dumaretso sa kama para matulog.
Oh my! Nagkalat ata ako kagabi!
Sumunod ako papuntang kama para ituloy yung tulog ko.7:00 na siguro pero masakit pa rin yung ulo ko kaya itutulog ko nalang.
"Let's eat breakfast" Bulong ni Dean kaya nagising ako.Nanatili muna akong nakahiga dahil masyado pa kong tamad tumayo
"I'll wait for you downstairs" he said and kissed the top of my head before leaving the room.
Naghilamos muna ako bago ako bumaba
Wtf?!
"Napano sila?" Tanong ko.Tinutukoy ko sina Sab at Wade na natutulog sa sahig
"Wasted" maikling sagot ni Ace
"Nasaan si Sandra? Buti nalang hindi siya nagkalat" natatawang sabi ko.Umiling lang si Ace at pinagpatuloy ang paghihiwa niya.
"Anong hindi? Pinaka makalat 'yon" sagot ni Dean
"Buti nalang hindi siya sa sahig natulog?" Sabi ko at tinignan ang dalawang makalat na natutulog sa sahig
"Priority first" tugon ni Ace.
Kawawa naman yung dalawa,si Sandra lang inasikaso
"Anong breakfast?" tanong ko nang makalapit sakanila.
Sina Ace at Dean kase ang nagluluto kaya for sure masarap yung kakainin namin.Ang sarap kaya nilang magluto!
"Ngayon na namin lulutuin yung sinigang,hanap nalang tayong kakainin mamayang lunch" sagot ni Dean
"Yeah they need hot soup" pagsang ayon ko at tumingin sa mga nakahiga sa sahig
"You too" Ace chuckled
Mukha paba akong lasing?Okay medyo nahihilo pa'ko kaya kailangan ko ng sabaw
Napatingin ako sa direksyon nina Sab nang makita ko siyang tumayo at tumakbo papuntang banyo.
Na curious tuloy ako anong nangyari kagabi
Sinundan ko siya sa banyo para tulungan.Hinawakan ko ang buhok niya at hinagod ang likod niya.Inabot ko yung tissue after niyang magbasa ng mukha