Kiara POV
Walang gana kong kinusot ang aking mga mata at nag-inat. Tamad tamad akong naglakad papunta sa kusina at nagsaing.
"Good morning myself. Another miserable day nanaman." Malungkot kong sabi at nagprito ng sausages.
" It's ok Kia... Nandito naman ako."
"Ay nyeta! Sino yan?!" Napatalon kong sabi. Nanginginig kong nilingon kung sino mang multo ang nasa likod ko. Hindi naman posible na sina Kuya ito kasi hindi naman sila nagising ng maaga.
"Ano ba ginagawa mo Kiara?" Tanong nanaman nung multo.
"Nyeta ka, Multo ka! Don't come near me. Kundi you want sapak ha? I will sapak sapak you once I lingon lingon sa you." Nanginginig kong sabi at mabilis na nilingon yun ng nakapikit at sinapak.
"Ouch!"Inis na sabi ni Kuya Kian.
" Ay nakuu sorry kuya!!! Kala ko kasi multo!!" Sabi ko tiningnan si Kuya kung ayos lang ba sya.
" Ang sakit nun Kia ha. Mapanakit ka na. " Inis na sabi ni Kuya. Si Kuya Kian... Si Kuya Kian lamang yung kuya kong malapit sakin. Since 1 year apart lang kami. Music lover sya at magaling syang kumanta at sumayaw. Pang-apat sya habang ako pang lima. Ako ang pinakabunso habang si Kuya bunsong lalaki. Sakin lang sya showy kasi sa school laging walang emosyon ang mukha nya. Na halos lahat ng bumati sa kanya ay dedma nya lang maliban syempre kina Kuya at sa akin. Wala parin syang nagiging jowa kasi hihintayin nya daw ang tamang panahon para don. Hindi nya gagayanin sina Kuya Kai na nagjowa Grade 8 palang.
"Tulungan na kita." Nakangiting sabi ni Kuya Kian. Magkamukha si Kuya Kian at Kuya Keiffer pag nakangiti. Younger version lang si Kuya Kian.
"Tulungan? Seriously Kuya?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
"Bakit? Ano masama dun?" Nakangiting tanong nya.
"Kuya once na tinulungan mo ako nun magluto nasunog ang ating ulam. Umalis lang ako para magcr sunog na lahat." Dare daretso kong sabi.
"Ok ok hindi na." Natatawa nyang sabi at pinanuod nalang ako magluto.
"Gusto ko sa babae marunong magluto." Nakangiting sabi nya. Inis ko syang nilingon.
"Kuya kapatid mo ako. Nyeta ka... Maghanap ka nalang dun sa mga fans mo." Inis kong sabi at tumawa naman sya.
"Gusto ko nga sa babae yung marunong at magaling magluto... Hindi ko naman sinabing ikaw yun." Natatawa nyang sabi. Nakahinga ako ng maluwag. Nyeta ka talaga kuya akala ko crush mo ko eh.
"Alam ko na kuya! Magpacooking contest ka tas kung sino ang pinakamasarap ayun jowain mo." Natatawa kong sabi.
"Haha wag na Kia... Yun lang kasi yung gusto ko-." Hindi nya natuloy ang sinasabi kasi sumabat agad ako..
"Yun lang kasi ang gusto mo kasi hindi ka marunong magluto. Kasi pag hindi kayo marunong magluto pareho paktay puro sunog kakainin nyo." Taas noo kong sabi. Pinitik nya naman noo ko. Nyeta ka kuya ah masakit yun.
"Hindi... Ang dami mo naman iniisip Kia.. Sabi ko... yun ay gusto ko lamang pero kapag yung the one ko ay hindi marunong magluto tatatanggapin ko sya kung sino sya. Pwede naman mag order ng food diba?" Nakangiting sabi nya.
"Naku ewan ko sa iyo Kuya." Sabi ko at pinatay ang gasul.
"Oh ayan kumain ka na Kuya. Maliligo lang ako." Nakangiting sabi ko at dumaretso sa aking banyo at naligo na. Malamig ang panahon ngayon kasi malapit ng mag disyembre. Kakatapos lang kasi ng sembreak.
Matapos maligo ay nagbihis na ako. Kinuha ko ang bag ko at umupo sa harap ng salamin.
" Ano naman pake nila kung ganito itsura ko. Tss sila nga mukhang nga payaso." Sabi ko at sinuot ang aking salamin. Near sighted kasi ako pero di naman ganun kalabo. Nag salamin ako para hindi maging malala yung mata ko. Lumabas na ako ng kwarto at natagpuan sina Kuya na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. Tapos na ataa sila kumain. Dumaretso ako sa kusina at kumain.
"Kia nandyan yung juice sa ref. Kunin mo nalang kung gusto mo." Sabi ni Kuya Kai. Tumango ako at kinuha yung juice. Matapos kumain ay dumaretso narin ako sa salas.
"Una na ako." Sabi ko at lalabas na sana ng pinto.
"Maaga pa mamaya na tayo pumasok. Sabay sabay na tayo. " Sabi ni Kuya Kurt.
"Seriously Kuya? Pag kasama ko kayo kung ano nanaman iisipin nung mga fans nyo." Seryoso kong sabi.
"Hayy bakit kasi ang pogi pogi natin." Pagmamayabang na sabi ni Kuya Kieffer. Nyeta ang kayabangan neto ah. Saan naman namana neto.
"Sige umuna ka na." Sabi ni Kuya Kurt at tinutok na ang atensyon sa TV. Nakangiti akong lumabas ng pinto.
"Teka!" Sigaw ni Kuya Kurt. Nagatataka akong nilingon sya. May dala syang jacket.
"Eto oh! Malamig ngayon lalo na mamaya baka umulan. Sige na umalis ka na." Sabi ni kuya at tinapon sakin yung jacket. Nakangiti kong sinuot yung jacket. Minsan minsan lang yan gawin ng kuya mo Kia tanggapin ko na. Nakangiti akong naglakad papunta sa school.
YOU ARE READING
My Life being with my 4 handsome brothers
RandomAng magkameron ng apat na gwapong kuya ay masaya hindi ba? Pero hindi tulad ng iniisip nyo ang sitwasyon ni Kiara. Hinihiling nya nasana hindi nalamang sya pinanganak kasama ang apat nyang gwapong kapatid. Para sa kanya ay mahirap... Sobrang hirap...