The Secret Affair

42 2 0
                                    

May magkakaibigan na nakatambay sa isang eatery. Uwian na kasi. Nagusap-usap sila tungkol sa kanilang mga LOVELIFE.

Ang table nila ay pahaba na kasya silang lahat rito. Sina Jen, Dianna, Gracia, Kelly, Mira, Caroline kasama yong best friend niya na si Jacob.

     "Jen ? Dinig ko kay Mira may bago ka na raw boyfriend?" Tanong ni Dianna

     "Ang chismosa mo talaga Dianna!"- pointing Dianna "At ikaw Mira... ang bunganga mo 'di matigil-tigil!" Inis na sumbat ni Jen sa dalawa

     "Aba maka chismosa sa akin?! Parang 'di ka naman  chismosa"

     "Hep-hep-hep!" Tigil ni Kelly sa dalawa

     "Baka mag-away pa kayong dalawa sa sumbatan na yan ha! Pareho lang naman kayong chismosa!"

     "Oo nga naman" sang-ayon na sagot ni Gracia

     "Hindi no!.. pero totoo ?! May boyfriend ka na naman?" Nakataas na kilay na tanong nito.. gusto niya kasing malaman kong totoo yong sinasabi ng babaeng iyon.

      "Oo na.. hindi naman kasi ako makakalihim sa inyo!"

      "Andami mo pang arte aamin ka rin pala!!!!"

      "Eh bakit ba ako yong tinatanong niyo .. si Caroline kaya yung tanungin niyo.."turo ni Jen

       "Bakit ako?!!!!"gulat na sagot ni Caroline.

Sa lahat kasi sa kanila si Caroline lang ang walang boyfriend at HINDI pa nagkaka-boyfriend since pinanganak siya ng kanyang ina..

        "Kailan ka ba kasi mag bo-boyfriend?" Curious na tanong ni Gracia.

         "Ewan ko?" Sabay kabit-balikat niya

         "Ewan ko?!!!! Binato kaya kita ng cellphone na to!"-si Jen, ano kaya ang problema nito sa mga NBSB?

         "Hoy.. Jacob ?! Hindi pa ba talaga ito nagkakaboyfriend si Caroline?"tanong ni Kelly

         "Hindi pa?? siguro.?."agad naman niyang sinagot si Kelly

         "Hindi pa siguro!!!!!! Wala kang alam sa buhay ni Caroline? Wow!!!"-si Jen ulit .... ano yung problema mo girl!

         "Hindi naman kasi siya katulad mo Jen na isang chismosa at mahilig sa makipag-boyfriend"sabat ni Dianna kay Jen.

         "Hindi ikaw ang kinakausap ko Dianna!"medyong supladang tono.

         "Ayan na naman kayo.. tigil na nga kayo, pabayaan na natin si Caroline kong may boyfriend siya o wala.."depensa ni Kelly kay Caroline

         "Oo nga... kayo kasi eh!" Sang ayon ni Mira

Siguro taon-taon ay pa iba-iba sila ng jowa. 'di lang siguro  nila nakikita si Caroline na may kasama itong lalake

Si Jacob lang kasi yong kasama nito na may lihim pa  na pag-ibig kay Caroline. Pero 'di niya ito nasabi-sabi... may girlfriend na kasi siya. Bakit pa kasi naggirlfriend-girlfriend na alam naman niya na  mahal niya yong kaibigan niya.

Panakip butas lang para mabaling ang tingin sa iba.. diba?

.............................

[Sa park]

Naglalakad ang dalawang mag bestfriend na si Jacob at Caroline. At naghahanap sila nang ma uupuan. Parati kasi silang nakatambay sa park. Araw-araw pagkatapos ng kanilang klase ay pumupunta sila sa park, umuupo sa isang bench na sila lang magkasama at kumakain ng fishball

The Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon