"Wala pa rin?" tanong ni Camille nang pumasok si Apollo sa kubol.
The guy sighed. Umupo ito sa harap niya. Tinanggal ang suot na RayBan. "I can't find her. Hindi niya sinasagot ang cp niya."
"E baka naman umalis na."
Umiling ito. "The GPS didn't tell so. Hannah is still here."
Sumandal siya sa upuang kawayan. "O huwag kang ma-depress. Baka nandiyan lang 'yon sa tabi-tabi. Alam mo ang mabuti pa, magswimming muna tayo kuya. Sayang naman ang entrance fee natin dito kung hindi natin mai-enjoy ang beach." Tumayo siya. Hinubad ang sarong. Sa ilalim no'n ay suot niya ang isang floral na one-piece suit. Pinasadahan siya ng tingin ni Apollo magmula ulo hanggang paa. Muntik niya nang ibalik sa pagkakatapi ang sarong sa hiya. "A-anong tinitingin-tingin mo diyan?" Nayakap niya ang sarili.
Bigla itong nag-iwas ng mga mata. "W-where would I look at? You don't look s-sexy at all."
Nanlaki ang butas ng ilong niya sa narinig. Gigil na hinila niya ito ng magkabila niyang mga kamay.
"Anong ginagawa mo?"
"Lulunurin kita. Para mabanlawan 'yang mga mata mong may diperensiya."
Pamaya-maya ay pilyong ngumiti ito. "Kasali ako sa varsity swimming team ng college ako. You are ten years earlier to defeat me in the water."
Nabitawan ni Camille ang kamay nito. She was stunned on the way he grinned. Dama niya ang pagpapatintero ng pulso niya. Lalo na nang hubarin ni Apollo ang suot na t-shirt. Parang jelly-ace ang mga tuhod niya nang magkaroon ng access ang mga mata niya sa abs nito. He was gorgeous like a Greek God.
Ngayon ay naunawaan niya ng kung bakit Apollo ang pangalan nito. At hindi lang ang mga malisyosa niyang mga mata ang nagpipiyesta sa katawan nito. Maging ang ilang babae na naroon sa beach na 'yon ay napapatingin dito. Parang gusto niya itong itulak pabalik sa loob ng cottage nila.
"Show-off," she inevitably muttered.
He raised his one brow. Lumawak ang pagkakangiti nito. Naging mas pilyo. Then suddenly, he scooped her up and threw her over his shoulder. Ang lakas ng tili niya. Buhat-buhat siya nito. Mabalis na tumakbo ito palapit sa tubig.
"Apollo! Let me go! Ang daya mo!" Pinalo niya ito sa likuran. Sobra siyang kinakabahan hindi dahil nabigla siya sa ginawa nito kundi dahil sa pagkakadikit ng mga balat nila. Nanayo ang mga balahibo niya. "Sabi ng bitawan mo ak—Argk!!!"
Binitawan nga siya ng kumag. At sa tubig siya bumagsak. Napasinghap siya. Nakainom ng tubig-alat. Kusang pumasag ang mga kamay niya.
"I'm going to drown!" sigaw niya. "Sira-ulo ka Apo—halps!" Iniangat niya ang ulo pataas pero nawalan siya ng balanse at muli siyang lumubog sa tubig. May humila sa mga kamay niya. Humihingal na napatingin siya sa lalaki nang makaahon ang mukha. Nakangiti pa rin ang walanghiya na waring siyang-siya sa sinapit niya. "Papatayin mo ba ako?!"
"Ang OA mo. Hindi ka mamatay sa hanggang baywang na tubig."
"H-ha?" Pinuwersa siya nito patayo. At nasorpresa siya dahil hanggang baywang nga lang nila ang tubig. Napakamot siya sa ulo. "Err... OA nga."
Tumawa ito habang napapailing. "Ako pa ang lulunurin mo, ikaw itong natataranta wala pa man."
"E kasi ginulat mo ako! Buwisit ka!" Hinampas niya ito sa dibdib na tila nagmamarakulyong paslit. Yumuko siya. "I-I can't swim..." mahinang pag-amin niya.
"At all? Tinuruan kita noon a!"
"Ha?"
"Madalas mo akong kulitin noon para magpaturong lumangoy. Lagi mo akong sinasabit kapag may outing kayo ng mga classmate mo. I totally wasted my precious time just to teach you. Tapos ngayon hindi ka na marunong?"
Kinagat niya ang ibabang-labi. "N-noong higschool ako may tumulak sa akin mula sa isang barko. N-nalaglag ako. Biglaan. I knew the basics in swimming pero parang bulang naglaho sa memorya ko nang makaramdam ako ng takot." Nanginig ang baba niya. "I can't f-float on the water anymore. Nakakatawa, di ba? Buhay ako at nailigtas pero pakiramdam ko nandoon pa rin ako sa malalim na parte ng dagat."
"You have a terrible experience like that when you were in Sydney?" bakas ang concern at pag-aalala sa tinig ng binata.
Kumurap siya. "Hindi—" Natigilan siya. Anong pinagsasabi niya? Walang ganoong experience ang totoong Rie Faye Buenaventura. At malamang nga ay nasa Sydney ito noong mga panahong 'yon.
"Geez... that's why I told you not to act like a spoiled brat in front of other kids. Tara nga dito." Kinabig siya nito palapit. Pumaikot sa baywang niya ang isang braso nito habang ang isa ay humahaplos sa likod niya. "You must be really scared," bulong nito sa tainga niya. "I'm sorry. Wala ako sa tabi mo ng mga panahong 'yon. Lumalabas lang ako ng bansa dahil sa business magmula nang magtrabaho ako sa kompanya. Pasensiya ka na Faye sa mga panahong nakalimutan kita. Hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon. Labing-dalawang taon pa ang kailangang lumipas para maalala ko ang makulit na batang nakasunod sa akin noon." Suwabe ang boses nito. Malambing. Mababa at nang-aalo. "And when you came here... itinuring kita bilang panggulo sa buhay ko. I'm sorry." Dumako ang isang kamay nito sa mukha niya at itinaas ang baba niya. Kaya huling-huli nito ang pamamasa ng mga mata niya. "Hey... Ano na namang ginawa ko?" He distanced himself then raised his both hands.
Tinakpan niya ang mukha at marahang humiling. "W-wala..." Nahihilam siya sa luha sa kanyang mga mata. At may umaantak sa kaloob-looban niya.
"Nag-sorry na ako, di ba? Sa susunod na sasama ka isang cruise, sasamahan kita. Kapag may umaway sayo dahil sa pagiging maldita mo, ipagtatanggol pa rin kita."
Feel niyang lalong umiyak nang marinig ang sinabi ni Apollo. Gusto niyang sabihin na hindi sa Sydney naganap ang insidente. Na hindi sa isang cruise. Kundi sa isang barko sa Maynila sa isang konsignasyon na nagbababa ng mga banyera ng isda. Pero anong mapapala niya kung ipapaalam niya dito ang bagay na 'yon? She was Rie Faye in front of him.
Para sa kinakapatid nito ang mga salitang 'yon at hindi para sa kanya. Para sa totoong Rie Faye ang concern nito at hindi para kay Camille Salonga na magpapanggap lang bilang ito sa loob ng isang Linggo. Isang bagay 'yon na akala niya ay napaghandaan niya. That she would not be affected by anything or anyone as long as she knew that it was all an act.
Iyon ang nasa plano. Dapat scriptedang lahat, di ba? Siya ang director, ang writer, pati ang artista. At si Faye ang producer ng palabas nila. Bahagi ng pag-arte ang pagsisinungaling. Pero ang puso niya, bakit hindi magawang umarte sa harap ni Apollo?
****
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomanceHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...