44

15 2 0
                                    

Nakarinig ako ng isang napakalakas na busina kaya ako biglang nagising.

Badtrip na Bryan Go na yan! Sya lang pala ang may pakana ng napakalakas na businang iyon! Walang manners! May taong natutulog ehh!

"Can't you see that I am sleeping? Tapos ang lakas-lakas mo pa magbusina? Anong akala mo sakin binge?." mataray na sabi ko kay Bryan na bigla namang tumawa

"Papano kong hindi lalakasan yung pagbusina ko? Kanina pa kita inaalog? Hindi ka manlang magising." naiiritang sagot naman ni Bryan

Ehh di sana ginising nya ako ng maayos diba? Nakakainis naman!

Maganda yung panaginip ko ehh!

"Hustisya naman ohh. Ang ganda-ganda ng panaginip ko! Binulabog mo yung tulog ko!." inis na sabi ko naman kay Bryan na bigla nalang bumaba ng sasakyan

Bastos! Walang manners!

"Arrgghh! Walang manners! Masama ugali! Nakakabadtrip!." inis na sabi ko kahit na hindi na naman ako naririnig ni Bryan

Inis na bumaba ako ng sasakyan ni Bryan pero laking gulat ko kasi hindi ako ibinaba niya ako ibinaba sa mismong bahay namin sa Bacoor kundi sa isang bagong bahay na alam ko ng para samin.

Arrgghhh! Magiging malahurno na ang buhay ko! Kasama ko kasi si Bryan Go!

Nakakainis naman!

Wala pa bang dadagdag na inis dyan! Wala na? Final na?

"Bakit ang bilis naman ata nating lumipat dito?." tanong ko kay Bryan kahit na inis na inis ako sa kanya

Nilingon naman ako sandali ni Bryan at muling ibinalik ang tingin sa bahay na nasa harapan namin.

Napaka talaga!

"Hoy sagutin mo ko! Ano ako dito?! Hangin?!." naiiritang sabi ko ulit kay Bryan na galit na humarap sakin

"CAN YOU PLEASE BE SILENT FOR A MINUTE?! KANINA PA AKO NARIRINDI SAYO! AKALA MO NAKAKATUWANG KASAMA KITA NGAYON?! AND NOW MAKAKASAMA PA KITA SA BAHAY NA AKO PA MISMO ANG NAGPAGAWA DAHIL ANG AKALA KO MAIKAKASAL AKO SA TAONG MAHAL KO! ANO MAG-IINGAY KA PA?!." galit na galit na sabi ni Bryan na syang nagpahinto saking magsalita

Hala? Hindi ko naman sinasadya ehh.

"Sorry." mahinang sabi ko kay Bryan na napahilamos sa mukha

Hindi ko naman talaga sinasadya ehh. Syaka hindi ko alam na sya mismo pala ang nagpagawa ng bahay na nasa harapan namin.

Sobrang laki pa nga ng bahay ehh. Mga 10 persons ang pwedeng tumira sa bahay na kaharap namin ngayon.

"Bryan, sorry." mahinang sabi ko kay Bryan sabay kalbit sa kanya

Hinawi naman nya yung pagkakahawak ko sa balikat nya.

"Don't touch me nor talk to me. Pumasok na tayo sa loob. At magpahinga ka na." malamig na sabi naman sakin ni Bryan

Nakakatakot pala sya magalit! Hala! Wala na katapusan ko na!

Sumunod naman ako sa kanya na medyo natatataranta pa. Syempre nasigawan nya na ako kanina kaya kailangang magpakabait na ako.

"I am not sorry for what I said awhile ago. Kaya don't expect me to say sorry to you. Hindi ka mahalaga." malamig na sabi ni Bryan sakin at umakyat na sa taas papunta yata sa kwarto nya

Hindi ko alam pero parang may tumulo na luha sa mga mata ko matapos nyang sabihin ang mga salitang iyon.

Siguro nga sumusobra na rin ako.

Umupo muna ako sa isang sofa na naroroon at huminga ng malalim at pinunasan ang mga luhang pumatak na lang bigla.

Siguro wag ko nalang pansinin yung presensya nya para hindi ako nasasaktan ng ganito.

First time kong umiyak dahil sa isang taong hindi ko naman kaclose. Weird right? But I feel so down right now.

Maybe it's just because I am tired and I am sleepy.

Yes, maybe I should go to bed now.

Umakyat na lang ako at pumunta sa isang kwartong may pangalan ko. Hindi na rin naman ako magtataka kung magkaiba kami ng kwarto kahit na kasal na kaming dalawa.

Ayoko rin naman sya makasama sa iisang kwarto kasi ang sama talaga ng ugali nya. Sya palang talaga yung kauna-unahang lalaking nagpaiyak sakin.

Hindi ko alam kung OA lang ba talaga ako o iyon talaga yung dapat kong maramdaman sa oras na ito?

Siguro kailangan ko na lang talaga itulog lahat ng nararamdaman kong sakit ngayon. Baka sakaling pagkagising ko bukas? Mawala na rin yung sakit na nararamdaman ko.

_______________________________________

Hello sparkles!

Enjoy reading!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon