"Anya, can we talk?" Agad akong sinalubong ni Ellie pagpasok na pagpasok ko pa lamang ng bahay.Natatawa ako sa sitwasyon namin ngayon. Kung noon, ako itong atat na atat na mapatawad at makausap siya. Sino ba naman ang magaakalang babaliktad ang mundo. Stupid!
"Ano pa ba, Ellie? Ano pa ba ang gusto mo?" Tanong ko pa.
Napayuko siya at napaiyak. Wow! Usap daw tapos ano iiyakan niya lang ako. Patay na ba ako para iyakan niya ako? I don't need her tears."Ano idadaan mo na lang sa iyak? Sa tingin mo, mawawala ng iyak mo ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?" My voice broke.
I am trying my very best na wag na umiyak pero ayaw eh. Sobrang sakit. At sobrang bigat kasi ang nararamdaman ko. Tangina sila!
"Magsalita ka!" Sigaw ko pa sa kanya.
Hinawakan niya yung kamay ko. Tsaka nagulat ako ng bigla siyang lumuhod.
Tumingala siya sa akin habang patuloy sa pag-iyak.
"I'm really really sorry, Anya. Trust me hindi ko intensyon na saktan at lokohin ka. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga." Patuloy siya sa pag-iyak.
"Alam mo? Hindi ko nga alam kung bakit nakikinig pa ako sa mga sinasabi mo eh. Alam ko naman na scripted lang to eh. Ano? Dala pa ba to sa eksenang gusto mo?" Sumbat ko sa kanya. Napailing ito.
"Anya, you have to listen to me~" Lumayo ako sa kanya. Fuck!
"Anong makikinig ako sayo? Bibilugin mo na naman ang utak ko eh. Alam mo ang kahinaan ko at ginawa mo yung sandata para saktan ako." Paliwanag ko pa.
"Anya, please. Please... Si Trevor~" Pinipilit niyang hawakan ang kamay ko pero lumalayo ako.
Pinahiran ko ang mga luha ko."Si Trevor? Sayo na siya. Yun naman ang gusto mo diba?" Wika ko.
"Anya hindi mo naiintindihan." Sabi pa niya.
"No, Ellie. Stop it. Ayoko na. Sobra na. Kaya please tama na. Nagtagumpay ka na na sirain at paghiwalayin kami. Now, Trevor is all yours. Saksak mo siya sa baga mo." Wika ko sa kanya bago tumalikod.
I just don't want to see her again. I don't want her to use me again.
---
Ellie's Point of View
Me and Anya are really good friends. Best friends actually. Sa barkada namin, siya talaga yung pinagkakatiwalaan ko.
We use to share secrets at each other. Siya ang kasama ko sa tuwing magsho-shopping. With her, parang nakakaramdam ako ng geniune happiness.
Kaya noong nagbreak kami ni Trevor, siya talaga ang iniyakan ko. Sa kanya ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko noong mga time na yun at sobrang saya ko kasi nakinig siya. Always ready ang balikat niya para sa akin, just like what a real friend must do.
Kahit ganun ang nangyari sa amin ni Trevor, umaasa pa rin ako na magkakabalikan kami. Iba si Trevor eh. Mahal ko talaga siya.
Pero nagbago lahat ng malaman ko through Lucas na may balak daw si Trevor na ligawan si Anya. That was 1 year before we broke up.
Masakit sobra. Pero pinilit kong intindihin at kayanin. Isa pa, yun naman talaga ang rason kung bakit kami naghiwalay. Yes, mahal na ni Trevor si Anya habang kami pa.
Noong naging sila, parang lumayo na si Anya sa akin. Nasaktan ako sobra kasi kapag kailangan ko ng kaibigan, wala na akong makausap at mapuntahan kasi busy na siya kay Trevor. Unlike before na always free siya.
Naiingit rin ako sa tuwing makikita ko silang masaya. How Trevor is so happy with her. Napapatanong ako sa sarili ko na kung bakit hindi ko nakitang ganoon ka saya si Trevor noon, noong kami pa? Mas better ba si Anya?
Inaamin ko, naging makasarili ako kaya tuluyan na akong napalayo kay Anya. Tuluyan akong nilamon ng inggit at galit kaya hinangad ko na sana ako na lang ulit. Na sana maging akin na lang ulit si Trevor. I became too selfish and to the point that I already hurt my bestfriend.
"Sigurado ka na ba talaga na aalis ka?" Tanong sa akin ni Lucas.
Bitbit ang aking bag ay agad na akong tumayo.
"Yes. I have already caused harm. Pasensya na talaga, guys." Sabi ko.
Seryoso lang na nakatingin sa akin sina Tim at Sammy. Mula kanina ay hindi pa nila ako kinakausap. I know that they are angry too. At dapat lang yun sakin.
"Ayaw na akong kausapin ni Anya. Nasira ko pa sila ni Trevor. I'm really really sorry." Sabi ko pa at tuluyan ng napaiyak. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Lucas.
Damn! I just really need that hug.
"Tahan na. Kailangan lang ng time ni Anya. Magkakaayos din kayo." Sabi ni Lucas habang tinatapik ang aking likuran.
"Sige. Ipapahatid na lang kita kay Cobe." Dagdag pa niya. For the last time, tiningnan ko sina Tim at Sammy.
Nakita kong umiiyak na din si Sammy habang nanatiling seryoso si Tim.
Who knows baka ito na ang huli nating pagkikita? Baka tuluyan ng masira ang pagkakaibigan namin. And it would always be because of me.
"Tim, please take care of Anya. Protektahan mo siya ano man ang mangyari." Kita kong napakunot ang noo ni Tim.
Pinahiran ko na ang aking mga luha at agad ng lumabas ng bahay.
Sana talaga... Sana magkaayos pa sina Trevor at Anya.
---
Anya's Point of View
Gabi na ng nagising ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pag-iyak. Ang bigat-bigat ng mga mata ko. Namamaga na.
Tumayo na ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Tahimik lang sina Sammy at Lucas habang nakaupo sa sofa. Pareho silang tulala. Itong mga to talaga, parang sila yung niloko eh. Sawi din? Haha.
"Guys, bat ganyan ang mga hitsura niyo?" Tanong ko sa kanila. Daig pa nila ang namatayan eh.
Lumapit sa akin si Sammy at agad akong niyakap.
I hugged her back.
"Anya, are you okay na?" Kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"Syempre hindi pa. Ikaw kaya ang lokohin. Hindi kaya ganun kadaling mag move on." Sabi bigla ni Lucas.
Napayuko naman at kasabay nito ang pagngisi ko. Baka mag-away pa tong dalawa.
"Makita ko lang talagang Trevor na yan. Makakatikim sakin yun!" Gigil na sabi ni Sammy.
Oo nga, hindi ko na nakita si Trevor magmula noong nangyari kanina. Asan na kaya yun? Baka napano na yun?
Hayyysss, Anya. Ano ba. Stop it! Bakit ka pa concern sa manlolokong yun?
"Asan na ba yun ha?" Tanong pa ni Sammy.
"Guys! Guys!" Napatingin kami kay Tim na tumatakbo papalapit sa amin.
"Tingnan niyo to." Agad niyang ipinakita sa amin ang hawak-hawak niyang mga lalagyan ng gamot.
"Ano yan?" Tanong ni Lucas.
"Nakita ko to sa drawer. At kung hindi ako nagkakamali ay kay Trevor ito kasi wala naman akong dalang ganito. Hindi lang to basta gamot para simpleng sakit." Paliwanag pa niya.
Napatingin ako kay Sammy ng bigla siyang nagsalita.
"Alam niyo guys, iba ang kutob ko eh. Bakit magkakaroon ng ganyan klaseng gamot si Trevor? Para saan ang nga gamot na yan?"
BINABASA MO ANG
Secret Bad Affair
Novela JuvenilAffair. Sa iba mali ito at hindi dapat gawin pero paano kung ito ang natatanging paraan para maprotektahan mo ang isang taong mahalaga saʼyo? Are you willing to take the risk? Are you willing to have a Secret Bad Affair? COMPLETED.