Ako si Kimberly Ann Francisco. You can call me Kim but never call me Kimberly. Pwede mo lang akong tawaging Kimberly if sobra sobra sobra sobra tayong close.
"Kim, ano ba yan? Umagang-umaga nakasambakol yang mukha mo!" Sabi ni Delancy, bestfriend ko.
"Bakit ba? Pake mo? Tsss." Sabi ko at umirap sa kanya.
"Anyare ba sayo? Ha?" Aniya.
"Si dad kasi! Imagine?! Binawasan ang allowance ko for just sa course na hindi ko tinake. What the f*ck! You know I can't adjust with my 10,000 pesos allowance. Dati kasi di ba 45,900 pesos ang allowance ko tas biglang 10 na lang?! Argh." Sabi ko at umiling-iling.
Humalakhak sya bigla.
"What the F?! Bat ka tumatawa?" Tanung ko sa kanya ng nakasimangot ang mukha.
"Sanay ka kasi sa buhay yaman. Tignan mo ako! May pera lang akong sapat para sakin." Sabi nya.
"Tss. Mayaman ka naman talaga eh. Ayaw mo lang ipakita." Sabi ko at tumingin sa kanya
Magsasalita pa sana sya ng biglang tumunog ang cellphone ko.
*Kring Kring Kring*
"Ano?" Bungad ko sa taong tumatawag sa phone ko.
"Umuwi ka na daw madam, excused ka na daw po sa klase mo dahil kakausapin ka daw po ng daddy mo." Sabi ng secretary ni dad na bading.
"Yeah whatever." Sabi ko at binabaan na sya.
Umalis ako ng classroom ng hindi nagpapaalam kahit kanino, even kay Delancy.
After 30 minutes ay nakarating na rin ako sa bahay namin.
"I'm home." Tamad kong sinabi.
"Hi Kimberly! I'm Zion Gabriel Martinez, your destiny." Sabi nung isang matinpunong lalaki na nasa harapan ko ngayon.
Tengene. He just called me "Kimberly"! Hindi naman kami closeeeee! Argh.
"Hi Zion Gabriel Martinez, I'm Kim! Fyi, hindi tayo close kaya pwede ba? Don't dare to call me Kimberly." Sabi ko at umirap sa kanya.
"Oh anak! Nagkakilala na pala kayo ni Zion, by the way, sya ang fiance mo." Sabi ng dad ko.
"Ahhh, fiance ko pala sya--- TEKA! ANO?! FIANCE?! EH WALA PA NGA KONG BOYFRIEND TAS FIANCE AGAD? Damn this life." Sabi ko at napaupo sa sofa namin.
"Hindi mo tinanggap ang course na gusto ko eh kaya papakasalan mo sya whether you like it or not." Sabi ni dad at ngumiti sa akin.
Nagwalk-out ako.
Bwisit! Nagpunta lang si mommy sa London feeling na kaagad ni daddy na pwede nya na kong hawakan sa leeg. Damn it.
Napadpad ako sa may park dito sa village namin.
"Kimberly, wag kang magalit sa akin ha? Hindi ko naman talaga alam na yun pala ang gusto ng dad mo, akala ko kasi aasikasuhin lang namin yung business namin." Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Zion.
"Tss, alam ko namang ginusto mo yan." Sabi ko at umirap sa kanya.
Naupo ako sa grass at naupo rin sya sa tabi ko.
"Kimberly, I know na ayaw mo sakin but I will do everything for you to like me." Sabi ni Zion at tumingin sa akin.
"Tss." Irap ko sa kanya.
"You know what? Hindi naman mangyayari na magugustuhan kita. Hello, ang ganda ko kaya!" Sabi ko.
"We're destined to be together, Kim. I know that coz' I feel something to you." Aniya.
"I don't believe in destiny and I don't believe in matching of horoscope, I just don't believe that there is love in this world." Sabi ko at iniwanan na si Zion.
Bago pa ko makalayo ay narinig ko syang nagsalita.
"Merong love, Kim. Naramdaman ko agad sayo yun kanina, love at first sight. Kimberly, merong magic ang love pero ayaw mo lang buksan ang puso mo." Sabi nya.
Naglakad na ko pabalik sa bahay, sabi ni dad na may bahay daw syang binili para samin ni Zion at dun na kami titira.
Kinabukasan ay pinalipat nya kami kaagad dun. I don't know, even if I resist, dad won't stop. Haaaay.
----
"Goodmorning Babe." Bungad sa akin ni Zion.
Nakakailang weeks na kami dito, gosh. I can't even take na magkatabi kami sa kama.
Hindi ko na lang sya pinansin at natulog ulit, may naramdaman akong gumalaw yung kama kaya dumilat ulit ako.
Omygod, breakfast in bed? Pinagluto nya ko? Paano? Akala ko hindi sya marunong magluto.
"Kimberly, ayaw mo kong pakasalan, right? Now... I'll prove the world that you love me. I'll court you." Sabi nya at hinalikan ako sa noo at pumasok na sa banyo.
Natulala ako sa ginawa nya, syeeet! Hinalikan nya ako sa noo? Tas breakfast in bed? Aish! Effective na yung mission nya sa akin ha!
---
Lumipas na ang ilang months at sobrang sweet nya parin sa akin, malapit na pala kami ang kasal namin.
"Kimberly, malapit na yung kasal. Payag ka ba na pakasalan ako? Kasi kung ayaw mo talaga, ako na ang gagawa ng paraan para hindi yun matuloy." Sabi nya ng malungkot ang mukha.
Hindi ako sumagot.
"Kimberly, sumagot ka naman." Sabi nya yun at hinawakan ang kamay ko.
Nanigas ako nung hinawakan nya ang kamay ko. Mahal ko na ba sya?
"Kimberly, please sumagot ka." Aniya.
"O-Oo." Sagot ko at tumingin sa kanya.
"Anong 'Oo'?" Tanung nya at tumingin din sa akin.
"Payag na kong magpakasal sayo." Sabi ko at bigla nya akong niyakap.
Tama, mahal ko na nga sya. Effective ang mission nya.
"I love you, Kimberly."
"I love you too, Zion."
---
At the wedding.
"I now pronounce you husband and wife, you may kiss the bride." Sabi ni Father.
Bago nya ko halikan ay may binulong muna sya sa akin.
"Pagkagraduate mo this school year, we better have babies. More than 4, I guess?" Sabi nya then he chuckled.
Namula ata ako.
He kissed me and I kissed him back.
Ugh, he loves me and I love him.
Signing off.
PS: Sya lang ang pwedeng tumawag sa akin ng Kimberly.