My Rebound

209 11 4
                                    

“I’m breaking up with you”

Halos matulala ako ng dahil sa narinig ko. It’s Christmas eve. Tumakas ako saglit para

makipag kita sa boyfriend ko para makasama ko siya kahit saglit lang ngayong

Christmas eve. Hindi kami legal ni Vince. Palihim ang relasyon na to kaya palihim din

kami palaging nagkikita.

Pero kahit ganun, umabot kami ng isa’t kalahating taon.

Tapos bigla kong maririnig yang mga katagang yan?

“B-baby, may problema ba?”

Inilayo niya ang tingin niya saakin “it’s not about you, it’s about me”

Bigla akong nakahinga ng maluwag at natawa nung sinabi niya yan saakin.

“ok, enough with that famous break up line already. Laos na yan. Naku, oo na

kinabahan na ko diyan sa joke mo pero di April Fool’s day ngayon, it’s Christmas

eve!” hinawakan ko ang kamay niya “and also, our 20th monthsary. Happy

monthsary baby!” binigyan ko siya ng isang ngiti pero nagulat ako ng alisin niya ang

kamay niya sa pagkakahawak ko atsaka inilayo ang tingin saakin.

“seryoso ako sa sinabi ko”

Napatitig ako kay Vince at halatang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Totoo ba tong

naririnig ko? Nakikipag break siya sakin? Pero bakit? Ano nagawa ko?

“b-bakit?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko instead tumingin siya sa malayo para maiwasan ang

tingin ko.

Napapikit ako at huminga ng malalim, pinipilit na wag tumulo ang mga luha sa mata ko.

“so, totoo lahat ng issues sa school? Na kayo na ni Rizza?”

Tumingin saakin si Vince “I-i‘m sorry, kimi”

Pakshet, ang sakit ah.

“mahal mo pa ba ko?”

Iniwas niya ulit ang tingin niya saakin

“I’m sorry! I’m very very sorry!”

I burst into tears “pakshet naman Vince eh! wag ka mag sorry sakin! Diretsahin mo

na ko at wag mo ng daanin sa sorry mo!”

Tumingin si Vince saakin at nakita kong may pumatak na luha sa gilid ng mata

niya “ayokong masaktan ka, pero mahal ko na talaga siya”

Tinakpan ko ang bibig ko para maiwasang makagawa ng ingay dahil sa biglang pag

hagulgol ko habang siya naman nakayuko lang at hindi ako matignan ng maayos.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang halos mabaliw ako sa sobrang

excitement dahil magkikita na ulit kami ni Vince kahit saglit lang. Parang kahapon lang

sinabi niya pa saakin na mahal niya ko. Tapos ngayon bigla na siyang nakikipagbreak?

Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga pangyayari.

Nung medyo kumalma na ako, tumayo ako at tinignan ko si Vince. Inangat niya ang ulo

niya at tinignan din ako.

Sinubukan ko siyang bigayan ng isang ngiti

“salamat sa isa’t kalahating taon” sabi ko sa kanya, kasabay ng pagtulo na naman

My ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon