"alam mo ba na sobrang saya ko? Grabe. So pwede na ba akong manligaw? Hahaha" sabi ni Gerick. Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan. Sa tabi ng labi ko. At niyakap ult ako. Tapos, bigla nya akong hinila. Hindi ko alam kung san kami pupunta. Pero, dumaan kami kay Mam Becel.
"Mam. Pwede po bang mamasyal muna kami? Uuwi naman po kami bago mag 7pm. Ok lang po ba?" tanong ni Gerick. San naman kaya kami mamasyal.
"ok sige. Mag iingat kayo ha." At umalis na kami. Nung medyo malayo na kami, pumasok kami sa isang restaurant. Ang ganda ng naman dito. BON VOYAGE yung name ng resto. Tapos umorder si Gerick.
AIZA'S POV
Nandito ako ngayon sa kwarto. Kumusta na kaya sila? Bakit kaya hindi pa bumabalik si bhest? Haayyy. Friday ngayon, at sa linggo, birthday ko na. first time kong hindi makakasama sina mama at papa sa birthday ko kasi nga nandito kami sa resort at gabi ng linggo kami uuwi. Gabi na pero wala pa din si bhest. Ang alam ko lang, nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya.
Paggising ko gabi pa din. Huh? Anong oras ba ako natulog? At katabi ko na si bhest. Mukhang maaliwalas ang mukha ni Sainah ah.. hmmm. 11pm na pala. Lumabas ako para uminom at para na din magpahangin.
Pero paglabas ko, hindi ko akalain na maaabutan ko si Vargas na nasa labas din.
"gabi na ah, bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya at tinabihan ko sya. Naalala ko bigla nung hinalikan nya ako sa noo. Haaayy.
"hindi ako makatulog eh. Ikaw? Bakit nandito ka sa labas.?" Hindi pa rin sya tumitingin sakin.
"kagigising ko lang. hindi na ako inaantok." Sabi ko habang nakaingin sa dagat.
A-W-K-W-A-R-D. walang nagsasalita saming dalawa.
0______________________0 nabigla ako nang ipatong nya sa balikat ko yung towel nya.
"sayo muna. Baka giniginaw ka na." ang sweet naman nya. Hihihi. Landi! :D
"s-salamat" ok. Tahimik na naman.
"Alam mo ba kung ano ang sweetest music na gusto kong lagi kong naririnig?" huh? Anong pakelam ko dun? Haha. Joke lang.
"h-huh? A-ano ba ang gusto mo laging marinig?" naman oh. Wala akong ibang naririnig kundi yung ingay ng alon sa dagat at yung heartbeat ko na feeling ko eh naririnig din nya sa sobrang lakas.
"the sweetest music that i always wanted to hear is the sound of my own name coming from the voice of the one I loved." (nosebleed :D )Seryoso nyang sabi.
"t-talaga? Ahm, kumusta na kayo ni bhest?" tanong ko sakanya.
"huli kong narinig yung sweetest music na yun eh nung bata pa ako." Ok. Hindi nya sinagot yung tanong ko. Talk to the hand. :D
"ay. Happy birthday nga pala. Wala akong gift. Pasensya na ha, Gerick." Oh my, parang ngayon ko lang ata sya tinawag sa pangalan nya, sanay kasi akong Vargas ang itawag sa kanya. Tumingin sya ng para bang sinasabi na ito yung first time na tinawag ko sya sa first name nya. Hahaha. Tapos.. tapos n-ngumiti sya. Umaygad. Ngumiti sya! Grabe.. killer smile talaga. May naalal tuloy ako. Killer smile na sana sya kaso keller teeth din yung bunganga nya. Hahaha. Kilala nyo na kung sino.
Tumayo si Vargas at nag unat. Siguro, inaanok na sya. Tapos humikab sya kaya pati ako ay napahikab na din. Nakakahawa daw kasi yun eh.
"tara na. pasok na tayo sa loob." Inalalayan nya ako sa pag tayo.
"sige.." naglakad na kami papasok sa cottage.
"ahm, Aiza." Papasok na sana ako ng kwarto namin ng tinawag nya ako.
BINABASA MO ANG
STOLEN HEART
Short StoryYour bestfriend is your best enemy daw. Dati hindi ako naniniwala dyan. Pero talagang sinubukan kami ng pagkakataon. Dumating na sa point na nakakasakit na sya through her acts and her words. Meaning, physically and emotionally. Nang dahil dyan, nah...