Chapter 5: Tired as f*ck
Rue
MAKAILANG ulit ko na bang winalisan 'to? Hindi ko na lubos maisip na ganito ka rumi ang room nila.
I mean bakit nila natitiis ang ganitong lugar? Kung ako siguro ay nag-drop na ako kung ganito lang naman amg sitwasyon ko sa school na ito.
Malapit na akong matapos dito, konti na lang talaga. Konti na lang!
Nilagay ko na isang malaking plastic bag ang panghuling basura na naipon ko. Ewan ko kung saan ko nakuha ang itim na plastic bag na 'to, basta nakita ko na lang.
Ang tindi! Sobrang daming basura. Kinuha ko na rin ang mga webs na nasa kisame kaya ang ganda na tingnan ng room. Parang hindi na hunted house ang dating.
Nag-mop na rin ako, nahiya naman ako, e. Then, viola! All is done. Finally natapos din. Napaupo na lang ako bigla sa teachers table na nasa unahan at kalaunan ay nahiga sa ibabaw nito.
"I'm tired as f*ck!" biglang reklamo ko at hinayaang mahiga muna sa ibabaw ng mesa.
"Wow! Nice view."
"Woah!"
My eyes widened for what I've heard. Hindi ko inasahan papasok na sila sa room kaya laking gulat ko na lang ng may humagis ng jacket sa bewang ko para matabunan ang kung anumang nakikita ng mga bubuyog na 'to.
Mga manyak!
Napaayos ako bigla nang upo sa ibabaw ng mesa. 'Yong hindi na talaga ako masisilipan. Naka-cycling naman ako pero hindi sapat 'yon, lalaki pa rin sila kung tutuusin.
Jerks! I glared at them kaya umiwas lang sila ng tingin at binalingan ang taong nagbigay sa akin ng jacket.
"Thanks," I said trying to stop myself from rolling my eyes.
"T'sk! Hindi ako concern," agad na depensa nito.
Napakunot ang noo ko. Wala naman akong sinabi na gano'n, ah? Mga pinagsasabi nito? I just rolled my eyes again at nag-crossed sitting position sa ibabaw ng teacher's table.
Tinaasan ko ng kilay ang tinatawag nilang Z na 'yon dahil nakatayo pa rin ito sa harap ko. Problema nito?
"What?" inis kong saad at pinagkrus ang mga braso.
Hindi niya ako pinansin at umupo na sa trono niya ro'n sa likod. Napadako ang tingin ko sa ibang kaklase namin na nakatingin lang sa 'kin. Sinamaan ko silang lahat ng tingin. 'Yong iba umiwas ng paningin, 'yong iba naman ay nakipagsabayan sa 'kin at mayroon naman na walang pakialam.
"Oh!" Napatingin ako sa teacher na pumasok sa room namin.
Napatigil ang paningin niya sa 'kin at inilibot sa buong room ang tingin.
"Himala! Isang napakalaking himala. . ." Nanlalaki ang mata nito na para bang hindi talaga makapaniwala sa nakikita. "Naglinis kayo worst section?" tanong niya pero walang sumagot. Abala lang sa kwentuhan ang mga maiingay na bubuyog.
Well, what do you expect from them? Sa mumunting oras na nakatapak ako rito sa lungga nila ay parang naintindihan ko na kahit papaano lung bakit sila tinaguriang worst section.
Tsk! Bumaba na ako sa mesa at nagpasyang umalis. Nagutom ako sa sobrang paglilinis ng sandamakmak na basura at alikabok sa classroom na 'to.
"And where do you think your going, Miss Gonza?" mataray na anito.
"Eat," maikli kong sagot sa kanya. Napatigil ako ngunit hindi siya nililingon. Malapit na ako sa pinto parang may hahadlang pa! Ano na namang buhay 'to!
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Teen Fiction(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...