Anak nila si Calia?
Pero bakit everytime na dinadala ko si Calia sa bahay nagagalit si mommy? Bakit pinapakita at pinaparamdam niya saakin na ayaw niya kay Calia? Para hindi ako magtaka?
Anak nya pala pero sinabihin nya ng masasamang salita.
I want to rest! Pagkatapos kong umalis sa bahay na 'yon ay nagtungo agad ako dito sa isang coffee shop na malayo sa lahat. Malayo sa bahay, sa YSU at mas malayo sa condo.
Dito ako madalas pumupunta kapag gusto kong mapag-isa.
“Eunyka!”
“Tita!”
Niyakap ko siya ng mahigpit. Kapatid ni nanny Melda si tita Eva. Kay nanny ko din siya nakilala. She's sweet and a caring person. She also a lovely and a gentlest mother ever. Alam na alam ko iyon dahil parang anak na ang turing nya agad sakin, kahit bago pa lang kami nagkakilala.
May anak narin siya. A seven year old son and a nine year old daughter. Wala siyang asawa dahil namatay na raw noong pinagbubuntis niya si Krystal.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong niya agad sakin ng maupo ako sa couch na nandoon sa gilid ng coffee shop.
Sila tita Eva ang may-ari nitong coffee shop. Malaki ito at puno ng maraming libro. Lumapit ako sa shelf at tumingin sa librong babasahin. Napansin kong wala silang costumers ngayon, hapon na kasi Kaya seguro ganun.
“Busy sa school tita.” I answered softly.
“Ate Eunyka!”
It was a tiny voice na galing sa labas ng coffee shop. Napangiti ako. Nasa kabila pa kasi ang house nila tita Eva.
“Krystal... Kirby!” I shouted at patakbong lumapit sa kanila.
Yumakap sila sakin at ganun din ako sakanila. I miss them, miss ko na ang makulit na mga 'to, at ang nakakatuwang maliliit na voice nila.
“Ate...” habol ni Krystal ang hininga niya kaya huminto siya sa pagsasalita.
Natuwa ako at binigyan siya ng baso na may laman na tubig. Hindi naman hinihingal si Kirby kaya no need na siyang bigyan. Umupo silang dalawa sa tabi ko, kaya natuwa ako.
Medyo napansin ko ang paglaki nilang dalawa. Medyo ang heavy na nila ngayon.
“Namiss ka namin ate!” naka ngiting sabi ni Kirby.
Ngumiti naman ako sakanila. Hindi ko alam pero subrang gaan ng loob ko sa magkapatid na 'to. Ngayon lang ako na welcome ng ganitong kasaya. Dito ko lang naramdaman ang totoong saya. Dito at kasama sila.
“Sorry babies ha, busy kasi si ate sa school.” hinalikan ko ang noo nila at lalong lumawak ang ngiti nilang dalawa.
Nagkwento silang dalawa sakin na hindi ko naman inaasahan. Dati, mailap talaga sakin ang dalawang ito, maarte raw kasi ako at masungit. Pero ngayon, nagkwekwento na sila kahit hindi ako nagtanong.
Nakwento nila saakin na may crush raw si Kirby sa school nila. Si Krystal naman perfect raw sa final exam nila. Binatukan naman ni Krystal ang kapatid dahil raw minsan hindi pumapasok ng school dahil nahihiya sa crush niya.
Nagpaalam na ang dalawa sakin dahil may gagawin pa nila ang mga homeworks nila. Nagpaalam na rin ako dahil mahigid one hour na ako dito, naalala ko ang activities ko na dapat ko pang gagawin.
Gustuhin ko mang manatili dito, pero hindi pupwede. Dumadarami na ang mga tao, aasikasuhin pa ni tita iyon, kaya wala akong makausap. Nagpaalam na ako kay tita at hiniram ang isang pocketbook na nakuha ko doon sa shelf. Hindi naman talaga ako mahilig magbasa, hiniram ko lang 'to para may reason akong bumalik ulit dito.

BINABASA MO ANG
Secretly Married
General FictionThis story is available on Dreame! Meron akong maraming dinagdag sa bawat chapters, kikiligin ka lalo, and meron akong special chapter na ginagawa para rito. Thank youuu for supporting me to reach my goals. I love youu guys so much💖