A life that is worthless... How hard is to be useless in everything you do and everything you say...
No one knows the worth of a man.... No one knows the feelings of each and everyone around you...
The Blood Inside
A life that is worthless... How hard is to be useless in everything you do and everything you say...
No one knows the worth of a man.... No one knows the feelings of each and everyone around you...
The Blood Inside
Isang araw naglalakad ang isang batang papuntang paaralan, dinadagukan ang kanyang dibdib at nagwika "Ano ang aking pagkakamali? Meron ba akong nagawang mali? Bakit ako ginaganito ng mga tao? May pakinabang pa ba ako sa mundong ito?" Nang... May isang batang bumato ng isang tipak na putik sa kanyang mukha at nagsabi, "Yan ang nararapat sa mga taong walang kuwentang taong katulad mo!!! Haha:)" at bigla siyang tumakbo umiiyak at dinadamdam ang lahat ng naganap sa kanyang buhay!!
Mula pa siya'y bata pa wala ng taong nagtitiwala at nakikipagkaibigam sa kanya dahil sa bagay na niminsa'y hindi niya napagtanto kung bakit. Siya ay lumaki sa isang nayon wala maayos at tahik. Niminsan mula ng siya ay ipanganak sa mundong ibabaw walang nakikipagkaibigan sa kanya. Ginagawa niya ang lahat para lang may pumansin at tanggapin siya bilang kaibigan. Minsan naisip niya "Bakit sila ganito sa akin? May silbi ba ako sa mundong ito? Kailan kaya nila ako matututunang maging kaibigan?"
Nang siya ay malapit na sa paaralan napatigil siya sa gitna ng kalsada at sumigaw "Ayoko na nito!!! Wala nang saysay ang buhay ko!!" dahil doon pinagtinginan siya ng mga tao sa paligid at pinagtawanan nang may nagsabi "Hoy!! Baliw tumabi ka diyan" Habang iba ay nagtatawanan... Siya ay tumayo at tumakbo. Nang papasok sa loob ng silid aralan napatahimik ang lahat, nang may nagwika "Ayy naku! Nandiyan na ang baliw na tiga ibang mundo" sumagot siya "Hoy!! Anong sabi mo?" "Baliw at tiga ibang mundo... Bakit may angal ka ba??!!" at biglang sinuntok niya ito dahil sa sobrang galit at sa dami ng dinadamdam nito. Nang dumating ang kanilang guro at nakita ang nagaganap at nagwika "Hoy! Itigil niyo yan! Pumunta kayong dalawa sa opisina ko ngayon din!" nang pumunta na sila doon kinausap sila ng guro. "Siya po ang nagsimula, nadala lang po ako ng akong emosyon." "Hindi po bigla nalang niya ako sinuntok" sige bumalik ka na sa iyong silid. Naiwan siya at napa yuko at lumuha, "Ikaw... Lagi ka na lang ganya! Lagi ka na lang nakikipagaway!! Hindi ka na ba magbabago?! Wala ka ng nagawang tama.. Lahat na ng kapalpakan nagawa mo na!" sabi ng guro. "Ngunit po..." "Hindi, huwag ka nang magpaliwanag alam ko na ang ikakatwiran mo na ikaw ang inapi, ikaw na ang hinanak?!" "Totoo naman po... Bakit ako magsisinungaling sa bagay na alam naman nating simple lang ang sagot?" "Aba salamat sa bagong katwiran mo. Oo tama ka simple na nga lang ang bagay na yan paulit ulit pa ding nagaganap. Wala ng pagbabago, wala ng sinaayos. Ikaw umalis ka sa harap ko ha! Huwag kang magpapakita sa akin hanggat hindi ka pa nagbabago!" "Sige po, wala akong nagagawa kung hindi ako mapagkatiwalaan ng mga taong nakapaligid sa akin kahit binibigay ko na ang lahat ng aking magagawa kahit pinipilit kong mapaniwala kayo sa bagay ba totoo namang naganap."
Ano ang kasunod na istorya?
Paano ito nagsimula?
Sino at ano ano ang kanyang pangalan?
Abangan...