WHAT IF U FALL INLOVE...AND FOR THE FIRST TYM.., HINDI MO ALAM KUNG KANINO MO SASABIHIN..WOULD U keep it to YOURSELF? OR SASABIHIN MO SA TAONG ALAM MONG MAPAGKAKATIWALAAN AT MAKATUTULONG SA IYO? paano kung nagkamali ka ng sinabihan?
TUNGHAYAN NYO ANG SUPER KILIG NA KASAYSAYAN NINA BRANDON AT MAE...
Graduation Day..As usual, sobrang excited si Anton. Katabi nya kase ang bestfrend niyang si Mae at super crush niyang si Yves...
ANTON: Day...! Day..!
MAE: (sssshhh).. hwag ka ngang maingay dyan..ano ka ba naman..!
ANTON: (bumulong kay Mae) Oh my! hindi ako mkahinga..Gusto kong symigaw at sabihing I love you Yves..!
MAE: Sasabunutan kita dyan kapag hindi ka talaga tumigil!
ANTON: Hmp..! Palibhasa, manang ka.Until now hindi ka pa nag k ka boyfriend.Hay naku, Natapos na tayo sa College.as in wala ka pa rin..O baka naman tibo ka?
MAE: Sige, isa pa at uupakan na talaga kita..!
Walang nagawa si Anton kundi ang tumahimik. Bakit nga ba..eh..napakaganda naman talaga ni Mae., at marami din namang nagkakagusto mula ng mag secondary siya hanggang sa mag koleheyo sila ay maraming gustong manligaw...Ngunit sadyang mailap talaga ang bestfriend nya. Kung lalaki lang ang puso niya ay baka niligawan niya ito..muntik na siyang mapasuka asa naisip..OH MY..babae din ako..!
Nang matapos ang graduation ay nagkaroon ng salo-salo sa bahay nina Mae..Mga kamag-anak niya at kaibigan ang nandoon..Hindi na umattend si Anton pagkat may handaan din sa kanila..Nagpaalam na si Mae na magpapahinga na dahil pagod siya.Pero kahit totoong pagod siya, hindi niya nakakalimutang makinig sa paborito niyang estasyon sa radio lalo na't tuwing gabi ay maririnig niya ang boses ni DJ Xander..Marami siyang natututunan dito.Marami kaseng tumatawag dito para humingi ng payo at natutuwa siya na lahat ng mga tanong ng caller ay nasasagot nito...
Natatandaan pa nga niya na may isang caller na tumawag at kapareho niya ang problema..ang pagiging single..
Tanda pa niya ang mga pinag-usapan ng mga ito:
CALLER: Gud evening po.
DJ XANDER: Hello..Gud evening also Ma'am..Anong maipaglilingkod ko sa inyo/
CALLER: Hmm.Nahihiya kase ako
DJ XANDER: Sa akin?
caller: No..I mean, sa status ko.
DJ XANDER: And what about your status ma'am? Its complicated po ba?
CALLER: Its not. I'm single..I know matatawa ka..kase ito ang problema ko..I'm 24 pero till now, I'm single since birth.At nagtataka nga ako kase hindi naman ako panget..
DJ XANDER: Hmm..problema nga po yan..Maybe its your attitude..I mean, siguro masyadong mataas ang standard mo pagdating sa pagpili ng taong mamahalin mo.?
CALLER: hINDI NAMAN PO.Mabait naman po ako..basta mabait po ok lang sa kin..Di ko lang alam y mailap sa kin ang mga lalaki..
DJ XANDER: your 24..Pero hindi ka mapili..Eh ano bang tipo mo sa isang lalaki?
CALLER: Sa totoo lang, wag kang magagalit sa kin DJ XANDER.. kase gusto ko ang tulad mo ..katulad ng boses mo at katulad ng ugali mo..Alam kong pagdating ng araw ay hindi ako iiyak dahil alam kong faithful ka..
Napangiti si Mae ng maisip ang parteng iyo..Hindi daw mapili pero gusto niya si DJ XANDER..Sobrang taas naman ng pangarap ng babaeng iyon..at medyo natuwa siya ng sumagot si DJ XANDER..
DJ XANDER: Hmmm...Sa tingin ko, wala kang taste dahil tulad ko ang gusto mo.hehehe..Ang dapat po ma'am hintayin nyo ang araw na may magmahal sa inyo..darating ang tamang panahon at may magmamahal sa yo ng higit pa sa inaasahan mo..mahirap magmahal ng taong hindi mo nakikita..at higit sa lahat po...Love is always there...everywhere..malay nyo po ma'am nasa tabi tabi lang dyan...
CALLER..Tama ka DJ XANDER. tnx tnx tnx po..Ilove you..
DJ XANDER: (natawa) hehe.. Ilove you too ma'am.para sa iyo ang kantang ito..
AT pinatugtog ni DJ XANDER ang kanta ni AIZA na Pagdating ng Panahon..
Napatigil sa pag-iisip si Mae.Ng marinig niya ang boses ng paborito niyang DJ..
Hello everyody..nandito na naman po ang makulit, ang masayahin ang simpatiko at ang magpapakilig sa inyong gabi..at syempre ang sasagot sa lahat ng inyong mga katanungan...ako si DJ XXXXANDER...
Una po sa lahat ay binabati ko ang lahat ng mga nagsipagtapos sa Pamantasan ng Manila..Congratulations to all of you.
Natuwa si Mae dahil dun siya nag-aral.
DJ XANDER:A t para sa lahat ng mga nagsipag tapos.. Buong puso ko pong hinahandog sa inyo ang kantang ito..pinatugtog ni DJ XANDER ANG (For Just a Moment)
We laugh until we had to cry..
and We love ....
hanggang sa nakatulugan ni Mae ang pakikinig kay DJ XANDER sa sobrang pagod niya.
Isang linngo ang lumipas ay niyaya siya ni Anton na mag apply ng trabahoi sa Makati. Habang bumibili ng mamimeryenda nila si ANton ay nagpaling-linga siya...At may nakita siyang favorite niya.ang dirty ice cream..
Papunta na siya ng biglang may makabangga sa kanya.
What the hell..! Are you blind?
And for the first time of her life ay hindi makuhang magsalita ni Mae.Panu ba naman,noon lang siya nakakita ng pagkagwapo gwapong lalaki na kahit naantipatikuhan siya ay d nya makuhang magalit man lang..
Hey kuya Don.(sabi ng magandang babaeng kasama nito)..hindi nya sinasadya..
pero hindi nakinig ang lalaki..kundi bumulong pa siya kay Mae..
Next tym lady..tingnan mo ang dinadaanan mo..(bulong nito sa kanya at nagpatiuna nang lumakad)
Hi Miss: pasensiya ka na sa kuya ko..cge,bye...
ITUTULOY...
ABANGAN ANG KAHAHANTUNGAN NG MULING PAGKIKITA NINA MAE AT BRANDON...TUNGHAYAN NINYO ANG NAKAKAKILIG NA LOVE STORY NG DALAWA..