Prologue

21 1 0
                                    

Masarap mabuhay mag-isa. Malaya kang gawin ang mga bagay na gusto mo at gugustuhin mo. Yung tipong...

Walang magagalit. Kapag umuwi ka ng late sa gabi, hindi mo na kailangan pang mag-isip at mag-imbento ng reason para hindi ka pagalitan ng tatay mo o nanay mo na nag-aabang sayo pagpasok mo palang ng bahay at naghihintay ng dahilan mo.

Kapag nakikipag-away ka, wala kang iisipin na baka pumunta ang parents mo dahil pinatawag ng principal.

Kapag nakagawa ka ng kasalanan, walang sesermon sayo. Lahat ng bagay na pwede mong gawin, malaya ka. Walang sagabal, Walang poproblemahin.

Kung titignan, oo, masaya. Lahat yan, naranasan ko na at nararanasan ko. Mga halimbawang dahilan na gugustuhin ng kabataan na maranasan.

Pero ako? Hindi ko kahit kelan ginusto pero ganito ang nararanasan ko.

Maraming kabataan ngayon na gustong maranasan yung ganyan. Ika nga sa kanta, Living young, wild & free~

Pero ako? Psh. Walang ibang hiling kunde ang pahalagahan at mahalin ng magulang. Pero asa pa ba ako? Para lang din akong humiling na may forever. May magulang ako pero para ding wala. Busy sila sa pagpapayaman. Papadalhan lang nila ako ng pera, that's all. Nagampanan na nila ang role bilang magulang. Sarap ng feeling noh? Fucking life.

Well, enough on that topic. At late na ako. Hell yeah! Kahit badass ako, nag-aaral pa rin ako.

"Shit." Sabay buntong hininga. Tangina, late na ako ng 30mins. Fuck that shit!


I used my car, and drive fast.

Big Badass.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon