Chapter 6

255 9 0
                                    

"Romeo save me..

Nagising ako para patayin ang alarm ko. Hay grabe umaga nanaman pala. Ay mali mag-uumaga nanaman pala kasi 4:30 pa lang kasi sa relo.

Masakit pa ang mga mata ko. Inaantok pa din. Late kasi akong natulog kagabi kasi naman may tinapos akong assignment. Grabe talaga ang buhay kolehiyo.

Babangon na sana ako nang maalala ko ang panaginip ko. Hay matagal tagal na rin nang huli kong napanaginipan iyon. Minsan nga iniisip ko kung totoo ba talaga yung halik na pinagsaluhan namin or guniguni ko lang.

Wala naman akong napagsabihan nun. Alangan naman kay nanay ko sabihin mamaya ipinakasal kami lumabas pa na pinikot ko siya. Si Wess naman di niya na naaalala yung nangyari.

Babalik pa sana sa nakaraan yung isip ko nang bigla akong tinawag ni nanay.

"Vanity nak' gising ka na ba? Ala'y nakahanda na ang agahan, nasa hapag na. Pandesal at itlog yun. Mauuna na ako at kailangan kami ng maaga sa manggahan."

Napabangon ako. Oo nga pala maaga nga pala dapat kaming lahat na mga katulong ngayon dahil darating ang mga de Silva mula sa America.

Limang taon na ang nakararaan mula noong nangyari ang first kiss ko. 5 years ko na ring hindi nakikita si Wess. Sa America na kasi itinuloy ng mag-kakapatid na de Silva ang kanilang pag-aaral.

"Nay' sabay na ho tayo. Kakain na lang ho ako habang naglalakad. Kailangan din ho kasi kami ng maaga sa mansyon. Hapon pa naman ho ang klase ko, kaya tutulong na rin ho ako doon."

"Naku nak, hindi ka naman kailangang tumulong ang dami daming katulong doon sa mansyon."

Well totoo naman yun. Kahit wala ang mga de Silva patuloy pa rin ang pagtratrabaho ng mga katulong sa mansyon, sa manggahan, sa rancho, at sa sakahan.

"Nay naman, alam niyo naman hong sa akin inihabilin ni Señorito Wess ang pag-aayos sa silid niya eh. Di ba nga ho, walang ibang pwedeng pumasok sa kwarto na iyon maliban sa akin?"

Haha. Oo parang yun na ang pakonswelo sa akin ni Wess. Kahit di nya naalala ang kiss namin. Nabigyan naman ako ng previlage na pumasok sa kwarto niya para maglinis.

Naalala ko nanaman ang araw na yun.

Nang umagang iyon, ang umagang parang nawasak ang lahat ng pangarap ko.

"Manang Salud, bakit ho ang daming tao. Parang nagtipon tipon na lahat ng tao sa bayan dito sa mansyon ah."

Masaya ako ngayong umaga. Syempre makikita ko nanaman si Wess. Itatanong ko sa kanya yung tungkol sa halik. E ano naman kung pangalan ni Clandz ang binanggit niya? Ako naman ang hinalikan niya.

"Naku Ava, ngayon ka lang dumating. Tinanghali ka. Hindi mo na inabutan ang mga de Silva. Umalis na sila papuntang America. Siyanga pala may iniwan si Señorito sa iyong sulat."

Namutla ako. Parang winawasak yung puso ko. Parang dinudurog ang ulo ko ang sakit. Ganun na lang ba yun? Ang sakit parang may bumikig sa lalamunan ko.

Inabot sa akin ni manang yung sulat. Ayaw kong buksan. Bakit pakiramdam ko, naiwan ako. Pakiramdam ko niloko ako?

"Ava, ayos ka lang ba ire? Naku gusto mo bang pumasok muna? May sakit ka ba kaya ka nalate? Namumutla ka."

Tiningnan ko si manang. Pinilit kong ngumiti.

"Ayos lang ho ako manang. Mainit ho kasi kaya ako namumutla. Babalik ho muna ako sa kubo namin."

"Sigi sigi. Hindi mo naman na kailangang tumulong."

Dali dali akong bumalik sa kubo. Kinuha ko agad ang gunting at binuksan ang sulat

Ianne,

First of all, I want to sa thank you. Thank you for helping me kast night after I drank. I heard from manang Salud that you helped me go to my room. You even help me change clothes. Nakita mo na ang magandang katawan ko?

Nagpunas ako ng luha. So hindi niya naaalala yung kiss na pinagsaluhan namin. Pinagpatuloy kong magbasa. Pero natawa ako dun ha. Oo nakita ko ang maganda nyang katawan.

Sorry kung hindi ko nasabi sayo na aalis na kami papuntang America. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Siguro iniisip mo kung bakit ko kailangang magpaalam no? Ako rin iniisip ko rin yan.

Pero naisip ko. I want to say goodbye kasi kahit sa loob lang ng konting panahon, I've had the desire to befriend you. Thank you for everything.

See you again Ianne. Ianne na totoy ko. ^-^

Natawa ako dun. Totoy. Dahil ba sa washboard kong dibdib kaya Totoy. Pero ang sweet niya. Ianne na totoy ko.

P.S.

Ianne ikaw na ang bahala sa kwarto ko. Inihahabilin ko yun sayo. Ikaw lang ang may karapatang maglinis doon. Sinabi ko rin yun kay manang kaya wag kang mag-alala.

See you again,
WZS

Magmula nang araw na yun, ako na ang naglilinis ng kwarto niya. Feeling ko ako yung wife niya. Noong una mahirap kasi ang dami niyang memories doon. Ang dami niyang pictures. Pero pag di ko naman nililinis, namimiss ko sya.

"Oo alam ko. Ikaw lang ang pinayagang pumasok doon."

Si nanay talaga tinatawanan lang ako oh. Oo siguro nga para akong tanga na umaasa. Umaasang babalikan niya ako. Umaasang pag balik niya naaalala na niya yung pinagsaluhan naming halik.

"Nanay. Maliligo lang ho ako. Tapos sabay na ho tayong umalis. Ihahatid ko na ho kayo sa manggahan. Madilim pa ho kasi baka mapaano kayo sa daan."

"Sigi ngarod nak. Hintayin na lang kita. Abay dalian mo ha."

"Oho"

Habang naliligo, Naghilod ako. Sinisigurado kong malinis ako, mabango at maganda. I looked at my reflection in the mirrir and felt satisfied.

Pinagtuunan ko ng pansin ang dibdib ko. Syempre natuwa ako. Akalain mo, hindi na washboard ang dibdib ko. Malaki na siya. Pagkatapos tiningnan ko ang balakang ko at natuwa ulit ako. Aba may shape kaya.

Pagkatapos mukha ko naman ang tiningnan ko. Malinis ang mukha ko. Walang pimples. Dagdag kasi ang ingat na ibinibigay ko sa mukha ko.

Medyo singkit ang mata ko. Sabi ni nanay galing daw kay mama. Manipis ang labi ko. Yun ang pinakagusto ko sa mukha ko. Hihi. Yung ilong ko hindi matangos pero di rin naman pango.

Sabi nila sa bayan namin maganda daw ako. Maputi at matangkad kasi ako pang modelo ika nga. Tsaka maganda daw yung legs ko. Hihi.

"Nak bilisan mo naman. Akala ko ba kailangan mo pang linisin ang kwarto ng dream boy mo. Hahaha"

"Opo nay!!"

Si nanay talaga nanloloko nanaman. Mamaya magkikita na ulit tayo Wess. And this yime sisisguraduhin ko na maiinlove ka sa akin.

Chapter 6 out!!

-carmela-

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon