Nagising ako mula sa tunog ng aking cellphone, tumatawag si Kuya Ceejay, agad akong tumaya sa pagkakahiga at sinagot agad ang tawag nya.
"Hello kuya, napatawag ka?" Magalang kong sagot,
"Anong balak mo ngayong long sembreak?" Seryosong tanong niya.
Natigilan ako saglit at nakaramdam ng kaba,
"Dito lang ako sa bahay kuya, madami pa kasi akong aasikasuhin during sembreak" paliwanag ko.
Huminto saglit si Kuya Ceejay sa pagsasalita.
"Ganun ba? Ayusin mo yang pag aaral mo ng hindi nasasayang ang tuitiong binabayad ko sayo" paalala na nya may halong pagmamalaki.
Hindi na ako nag rebutt dahil magbibilangan na naman kami ng naging contribution sa buhay.
Isa pa nag try akong mag part time student para tustusan ang pag aaral ngunit lagi itong nagiging simula ng away namin ni kuya, kesyo working student para may pang bulakbol ako.
Alam ko naman na ginagawa nya iyon para ipamukha sa akin na mas magaling sya. Totoo naman iyon, at malaki ang utang loob dahil sya ang sumasagot sa lahat ng expenses ko sa University.
"What's with the long face Kyle?" Worried na tanong ni Jane,
"Ahh-ehh wala, madami lang akong iniisip" sagot ko,
"Inaway ka na naman ng kuya mo?" Hula niya.
Kilala na ako ni Jane siya lang naman ang madalas na dahilan kung bat natutulala ako or wala sa mood.
"Bes hayaan mo na 2 years na lang naman after natin makapasa sa Licensure exam, malaya ka na" payo niya.
Maya maya pa ay dumating na si Vince.
"Umorder na ba kayo?" Tanong ito dahil nag aya siyang mag lunch kami.
"Babe saan ka galing?" Tanong ni Jane.
Ngumiti si Vince at nilambing si Jane, "miss mo ako agad Babe?" Biro niya "Kasama ko sina Jun nag submit lang kami ng mga requirements kay prof" paliwanag nito.
Inutusan ako ng isa sa mga prof namin na dalhin ang mga answer sheets sa Kabilang building kung saan andoon ang courses ng Law, Political Science atbp.
"Faculty ng..." bulong ko sa sarili.
Mukang naliligaw ako pero ayokong mag pahalata, hanggang sa hindi ko na din kinaya at nag tanong na ako sa isang Professor na nakasalubong ko.
"Uhm, hi Sir excuse lang po, pwede po bang magtanong?" Pakiusap ko,
Huminto naman ito saglit at hinarap ako,
"Ano iyon iho? Mukang naliligaw ka?" Tanong niya, napansin siguro nito na hindi na ako mapakali at hindi din familiar ang muka ko sa building na ito.
"Medyo naliligaw po ako, saan po ba yung faculty ng mga unstructor dito, may pinapadala lang po kasi yung Professor ko" paliwanag ko.
Napangiti siya ng makita ang mga dala kong answer sheets. Tinawag niya ang isang grupo ng mga estudyante na dumaan sa aming harap.
"Oi sandali" tawag nito sa kanila.
Huminto naman sila at lumapit, laking gulat ko ng makita si Tomy na kabilang sa grupo na tinawag ng butihing Professor.
"Ano po iyon Prof? Maglalaro pa kami eh" sagot ng isa sa kanila.
"May papaki usap lang ako saglit" seryosong sabi ni Prof.
Lumapit sila sa amin at agad kong namukhaan si Tomy, ganoon din naman siya.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
RomanceSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...