Sabi nila, masarap magkaroon ng bestfriend. May taong proprotekta sayo, may taong nagpapasaya sayo. Pero, handa mo bang itaya ang pagkakaibigan para sa hinahangad mo’ng pagmamahalan?
Ako si Shiela, isang magalang na istudyante ng ‘Gong University.’ Halo-halo at Iba't ibang mga uri ng pagkatao ng mga mag-aaral and iyong makikita sa aming unibersidad. Dito’y marami akong nakilala, nakaibigan at nabigyan ng pamukaw-sigla. Ang iba sa kanila’y matagal ko nang kakilala, simula elemetarya o kaya’y nuong haiskul pa.
Isa na doon ang aking matalik na bestfriend, si Ivan. Grade school palamang ako’y malapit na kami sa isa’t isa. Magkaibigan kasi ang mga magulang namin, kaya kung nasan ako nandoon rin siya. Mapalungkot man o mapasaya. Sa kulitan man o problema. Yan si Ivan, ang taong lagi kong kakampi sa buhay. Kami’y may isang bukang-isip na relasyon, ‘Di nag-aaway, walang ‘di pinagkakaunawaan at higit sa lahat walang nangi-iwan. Dinidinig namin ang problema ng isa’t isa at kunwaring nagbibigay payo na ‘di naman kapani-paniwala. Tinatawanan ang mga simpleng bagay-bagay at magkasamang pinagmamasdan ang kahulugan ng sinasabing buhay.
Sa matagal nang pagkakaibigan namin ni Ivan, minsan gusto ko ngang aminin na may nararamdaman ako para sa kanya pero takot akong marinig ang laman ng puso niya. Hindi ko nga alam kung bakit ko ‘to prinoproblema, siguro dahil sa akala ko’ng paano na kung huli na ang lahat, kung may mangyaring masama sa akin o sa kanya.
Nasa ikatlong taon na kami ng kolehiyo ngayon, isang taon nalang ay gra-graduate na kami. Sining ang aking kinuhang kurso habang si Ivan naman ay sa Computer Engineering. Kahit na ‘di kami parehas ng kinuha at wala kaming klaseng magkasama, hindi parin nawala ang aming pagkakaibigan, palabiro at makulit parin si Ivan. Masayang isipin na walang nagbago ngunit ang malungkot ay ang nasa loob ko, ang damdaming matagal ko nang gustong aminin, ngunit ang puso’y takot sa kanyang maririnig.
Isang araw, nakita kong naguusap at nagkakamayan si Ivan at si Thim, isang lider ng kinakatakutang samahan sa aming paaralan. Hindi siya nakikipagusap sa kani-kanino lamang maliban sa kanyang mga kasamahan o mga kaibigan, sa una’y hindi ko binigyang pansin ang pakikipag-usap niya sa aking kaibigan ngunit nagsimula akong nag-alala nang mapansin kong si Ivan ay tuluyan nang napapalayo sa akin. Nagulat at nabigo ako nung sinabi nila na si Ivan ay sumali sa kanilang kapatiran.
Tinanong ko sa kanya, “Bakit ka naman sumali sa Frat?” “
Wala lang, gusto ko lang” sagot ni Ivan.
Nagtaka ako dahil si Ivan ay tiyak na ‘di ganito. Lagi siyang nakatingin sa kanyang cell phone kahit wala namang nagtetext, laging nakasimangot para bang may mabigat na problema sa kanyang isipan kaya tinanong ko ulet, “Gusto mo lang? Ivan, alam mo namang delekado yon, diba?”
Siya’y sumagot ulit na tila prang galit, “Alam ko, pero gusto ko lang talaga.”
Hindi na ako nagsalita dahil mukhang nai-irita siya sa mga tanong ko. Simula ng araw na iyon, hindi na kami nagsasama, hindi na siya nagtetext, ‘di ko narin siya nakikita sa paaralan at hindi na rin siya nagpaparamdam. Kamusta na kaya siya? Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero hindi ko siya naaabutan, sabi rin ng kanyang pinsan na gabi na raw ‘pag siya’y umuuwi. Namimiss ko na ang bestfriend ko. Namimiss ko na si Ivan, ang lalaking lihim kong minamahal. Ito na nga ba yung panahong aking kinakatakutan? Na ang kaibigang aking minahal ay mawawala ng parang wala lang?
Nakita ko si Ivan sa harap ng campus lumipas ang dalawang linggo. Nakatayo siya sa likod ng isang poste, nakatingin sa kanyang cell phone at nakasuot ng earphones. Tumakbo ako papalapit sa kanya ng may galit sa mukha, hinila ko ang earphones sa kanyang tainga at tinanong ko, “Ano ba talagang nangyayari sayo, Ivan?”
Siya’y tumangging sumagot kaya’y aking ipinagpatuloy, “May ‘di ka sinasabi sa akin e! Ba…”
“Anong kailangan kong sabihin sayo, Shiela?” Ang sagot niya bago ko pa man matapos ang aking sasabihin.
“Mga rason kung bakit ‘di ka na pumapasok, ‘bat hindi ka na nagpaparamdam sakin, ‘bat ‘di ka na nagrereply sa mga text ko. Sumagot ka nga ng matino, Ivan!” Umalis siya nang parang walang narinig.
Bago pa man siya makalayo, inulit ko ang tanong kung anong nangyayari sa kanya ng pasigaw, tumigil siya at tumingin sa akin, “Bakit ka ba nakikialam sa buhay ko?! Buhay ko ‘to diba? ‘bat ka nakikisabat? Ano ba kita? Shiela?”
Napanahimik ako sa sinabi niya “Ano ba niya ako?” Tiyak isa lang akong hamak na bestfriend na gustong malaman ang kalagayan ng aking kaibigan na bigalaang ‘di ko na nakakasama at hangang doon na lang yon. Umalis siya at ‘di na nagpakita, hindi narin ako nagtetext at ‘di na rin ako pumupunta sa kanila. Heto na talaga ang aking kinakatakutang pangyayari sa yugto ng aming pagkakaibigan. Tuluyan na nga bang mawawala ang aming nasimulan?
Makalipas ang tatlong linggo, may natangap akong balita.
Nasa ospital daw si Ivan, malubha ang kalagayan. Nang walang pag-aatubili agad-agad akong tumungo sa ospital, kinakabahan, pinagpapawisan at napapaiyak.
Nakarating ako sa room 186, kung saan ang kwartong ibinigay sa aking kawawang kaibigan. Pagbukas ng pinto, ako’y napatigil sa paghingal, napaluhod at tila bang blanko ang lahat na ang siyang tanging nakikita ko ay ang kama na nakahiga si Ivan, nabalutan ng puting kumot at sa tabi niya’y kanyang mga magulang, nag-iiyakan. Lumapit ako sa kanya, humahagulgol habang hawak ang kanyang malambot na palad. Galit, bugnot at sinisisi ang aking sarili nang siya’y aking pinabayaan.
Ini-abot ng pinsan ni Ivan ang kanyang cell phone, at ipinabasa ang isang teks kanyang ipinadala kay Thim, ang lider ng kanilang kapatiran.
Naguguluhan at natataranta ako nang mabasa ko,
“Brad, ‘wag ninyong papakialaman ang bestfriend ko. Ginawa ko naman lahat ng sinabi niyo, diba? Sumali ako sa samahan niyo, pinilt kong lumayo sa kanya at higit sa lahat naging masungit ako sa kanya. Please lang, ‘wag na huwag ninyong gagalawin si Shiela. Kung may balak man kayo, ako nalang saktan niyo. Wag lang siya.
Mahal na mahal ko yon.”
--------
AN:
Inspired by: Jamich (Tesk)
Isang magandang short story tungkol sa dalawang magBestfriend na lihim na nagmamahal. At binigyan ng tadhana ang kanilang buhay ang isang napakapalabirong pangyayare.
First time po namin to at sana po nagustuhan nyo:)