At 5 days na since nag start ang SEM break, dahil free ako ay nagsimula akong manood ng mga cooking recipe sa youtube.
"Bes kamusta ka naman buhay ka pa?" Biro ni Jane ng tumawag ito.
"Grabe ka naman Bes, ok naman ako eto pahinga lang muna ang utak." Paliwanag ko.
"Hindi ka naman nalulungkot jan? Pag naiinip ka pwede ka naman pumunta dito kung gusto mo, mag sabi ka lang" paalala niya.
Na touch naman ako sa pagiging thoughtful ni Jane, dahil siguro kami lang ang magkasama since day 1 ng klase.
"Sige na magluluto pa ako ng dinner, see you soon Bes" paalam ko dahil naiiyak ako sa sinabi niya.
This dinner sinigang naman ang lulutuin ko,
Paulit ulit ang routine ko sa nakaraang limang araw.
Galing ako sa labas para mamili ng supplies ng mapansin kong bumubuhos na ang malakas na ulan.
"Thank you po!" Pasasalamat ko sa taxi driver na naghatid sa akin mula sa mall.
"Welcome back Sir!" Bati ng staff ng Condominium ng makasalubong ko ito,
Nang makabalik na ako ay agad ko ng inayos ang mga pinamili ko,
"Hayss, sa wakas pwede na akong humilata" bulong ko sa sarili.
Nakaluto na rin ako ng hapunan Buttered Chicken naman this time, minsan naiisip ko parang mas gusto ko mag culinary kesa mag aral ng medicine.
Tahimik lamang akong nanonood ng TV ng marinig kong mag kumalabog sa pintuan,
"Shit anu yun?!" Pagulat kong nasabi at agad akong tumayo para silipin kung ano iyon.
Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Tomy, nanginginig ito at hindi na makatayo ng ayos.
"Hala!? Ayos ka lang ba?" Gulat kong tanong at agad kong binuksan ang pintuan.
Lumakad siya papasok habang nakasandal sa dingding.
Pag hawak ko sa kanya ay ramdam ko ang sobrang init ng kanyang katawan.
"Nilalagnat ka?! Kelan pa ito?!" Worried na tanong ko, agad ko siyang inalalayan papasok at inihiga muna sa sofa.
Agad akong kumuha ng gamot at kinuha ko rin ang tools ko para i-check ang BP at body temperature niya.
Hindi nag sasalita si Tomy, nanginginig ito sa lamig.
Binigyan ko sya ng gamot at sandaling binantayan hanggan medyo humupa ang kanyang lagnat, tiningnan ko din baka na dengue sya salamat naman at walang rashes na lumabas sa braso niya.
"Ipagluluto kita ng lugaw baka hindi ka pa kumakain sandali lang" sabi ko, tumango naman siya at bumalik sa pag tulog.
38.1 na ang lagnat niya mula sa 40.2 noong una ko syang makita.
"Nag aalala ako, pag hindi pa bumama ang lagnat mo tatawag na ako ng paramedic" payo ko,
Nagulat ako g humawag siya sa braso ko at umiling.
Marahil siguro ay alam niyang wala namang magbabantay sa kanya kaya i feel obligated na alagaan muna siya.
9:30pm at naging 37.5 na ang lagnat niya. Ginising ko siya para pakainin dahil paiinumin ko syang muli ng gamot.
"Eto kumain ka muna tapos inumin mo din itong gamot" pakiusap ko, at agad naman siyang sumunod.
Nakita kong naubos niya ang niluto kong arozcaldo.
Para akong nananaginip sa mga nangyayari, si Tomy sa kasama ko sa room ko?! Malamang mababaliw si Jane pag nalaman niya ang tungkol dito.
Sinamahan ko si Tomy sa salas habang nanonood ng ako ng TV.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
RomansaSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...