Kinabukasan, sinubukan kong iwasan silang lahat. I don't understand! Alam nya ang lahat pero, hindi nya sinabi sakin?
Nagsinungaling ako sa kanya pero sya nagsinungaling rin sakin. Makakahinga na ba ako ng maluwag? Yung sekreto kong iniiwasan kong malaman nya... Alam nya na pala at hindi nya man lang sinabi sakin.
Iniwasan ko silang lahat. Mula kaninang umaga hanggang ngayong hapon ay hindi ko sila pinapansin.
“Hey, hindi ka pumasok?” Kurt asked at umupo sa sofa, katabi ko.
Umiling ako. Hindi ba obvious?
Wala akong ganang pumapasok ngayon, hindi naman masakit ang head ko lalo na ang tummy ko. Pero may part ng body ko masakit talaga. Nasaktan sya, subra syang nasaktan at hindi ko alam kong paano 'to malalampasan.Joke, OA.
“Ang tahimik mo. What's wrong?” he asked again in a long silent.
Sa ikalawang pagkakataon, umiling ako.
Tumango tango siya at hindi na nagtanong pa. Tahimik na umupo lang sya sa tabi ko at tinuon lahat ng pansin sa pinapanood namin sa Netflix. Hindi ko alam kong ano ang pinapanood kong 'to. Zombie zombie kasi, tapos may isang tanga na hindi parin tatakbo kahit may zombie na sa harapan nya, tapos in the end of the story mamatay sya dahil kinain sya ng zombie dahil sa katangahan nya.
Natapos ang pinapanood namin na hindi parin namin pinapansin ang isa't isa.
Kanina pa tumawag sa phone ko si Calia. Naka limang missed calls na sya, pero hindi ko parin iyon pinapansin. Ramdam ko ang pag-alala nya kaya nagtext na lang ako sa kanya na masama ang pakiramdam ng maganda at dyosa niyang kaibigan.
Kinabukasan, hindi ulit ako pumasok. Bumaba ako sa sala at nagtaka ako ng makita si Kurt sa sofa. Naka pambahay sya at wala atang planong pumasok. It's almost ten in the morning, late na sya.
“Anong ginagawa mo dito!?” I shouted at him.
Napalingon siya sakin. Ulo nya lamang ang gumalaw pero ang katawan nya ay hindi man lang gumalaw.
“Buti naman nagsalita kana,” he smiled. “Kumain kana, ipagluluto kita,”
I rolled my eyes. Bakit ang caring nya ngayon? Nakatayo lang ako at tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng lalaking ito, pero hindi ito nakakabuti sakin. Pano ko sya iiwasan kong ganito ang pakikitungo nya sakin?
“Hindi ba napanis ang laway mo?” he asked.
Dinampot ko ang unan sa tabi ko at mabilis na binato sa kanya. Tumawa naman sya at mabilis na inilagan ang unan na binato ko.
Kainis ha!
Napako ang tingin ko sa flower vase na nasa gilid. Akma kong kukunin iyon, pero naunahan nya ako. Kinuha nya iyon at tinaas ang kanyang mga kamay. Hanggang leeg niya lang ako, kaya mahihirapan akong kunin iyon.
I crossed my arms over my chest. Hinayaan ko na lang sya at naglakad na patungo sa dining table. Round table iyon kaya hindi ako makakatakas sa kanya.
“Magsalita ka naman. Baka mapanis yang laway mo.” he said.
Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Kaylangan kong umiwas.
Hindi nya na ako pinakailalam pa at nagpatuloy lang syang kumakain. Natuwa naman ako, buti naman! Natauhan sya!
Lumabas ako ng condo. Hindi naman nagtanong si Kurt sakin, alam ko naman na may pupuntahan din ang isang 'yon. Pupunta na lang ako sa coffee shop nila tita Eva. Feeling ko ang sayang mabuhay dito sa mundong ibabaw kapag nandoon ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Secretly Married
General FictionThis story is available on Dreame! Meron akong maraming dinagdag sa bawat chapters, kikiligin ka lalo, and meron akong special chapter na ginagawa para rito. Thank youuu for supporting me to reach my goals. I love youu guys so much💖