" Love let's go, tapos na ang misa " pagtawag sa akin ng aking nobya ngunit natuon ang atensyon ko sa mga sakristan na papasok na sa loob ng kombrnto dahil tapos na ang misa" Ian! " muling tawag nya sa akin ngunit tumungo ako sa isang pari upang magmano.
" Magandang umaga po father " bati ko at nagmano ,ganun rin ang ginawa ng aking nobya .
" Oh iho nasabi sa akin ng mama mo na gusto mong pumasok sa kombento, totoo ba? " tanong sa kanya ni father John ngunit biglang nagsalita si Kyla ang nobya ko.
" What!? Wala kang sinasabi sa akin Ian " asik nya at derederetso ng lumabas sa simbahan , nagpaalam muna ako kay father bago sinundan si kyla. Nakita ko syang papasakay ng tricycle kaya naman tinawag nya ako
" Kyla saglit hinatayin mo ako " pupunta na sana ako sa kanya nang bigla akong harangin ng mga batang nagtitinda ng sampaguita , nakita ko ang dismayadong mukha at pagirap ng mata nya. Binalingan ko ng tingin ang mga bata bago dumukot ng pera sa akin bulsa, bumili ako ng tigiisang pares sa kanila at nang pupunta na sana ako kay kyla ay nakita kong nakaalis na ang sinasakyan nya.
Napabuntong hininga ako bago naglakad papubta sa sakayan ngunit ng dumukot ako sa aking bulsa ay wala na akong makapang pera napatingin ako sa limang pares ng sampaguita na nasa aking kamay. Naibili ko na pala ang sungkwentang dala dala ko kanina.
Kalahating oras ang lumipas at nakarating na ako sa bahay ,kaagad akong uminom ng tubig dahil sa pagod.
" Oh anak bakit pagod na pagod ka, naglakad ka. Nasaan na yung perang ibinigay ko sa iyo? " tanong sa akin ni mama na galing sa banyo at may dalang tabo, magdidilig yata ng halaman.
Itinuro ko ang altar namin dito sa bahay, kung saan ko inilagay ang nga sampaguita.
" Ahh Nasaan na si Kyla akala ko ba dito sya magaagahan." ani ni mama ngunit hindi ko na lang sinagot at dumeretso na sa aking kwarto sa taas. Hindi ko binabastos si mama dahil inilingan ko naman sya at nagmano bago umakyat at alam nya rin na pagtahimik ako ay may problema kami.
Dalawang taon na lang at gragraduate na ako, pero hindi ko pa alam ang kursong kukuhain ko. Gusto ni Mama na magteacher ako ngunit tila mas gusto kong pumasok sa kombento at maging pari. Tinext ko si kyla ngunit hindi sya sumasagot kaya napagpasyahan kong bukas ko na lang sya kakausapin dahil magaaksaya lang ako ng panahon kung kukulitin ko pa sya.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok upang maabutan ko pa sya at iyon nga ang nangyari.
" Kyla !"pagtawag ko sa kanya ngunit patuloy lang sya sa pagalalakad
"Kyla wait! " ani ko sa kanya
" Ano ba! " bulyaw nya mabuti na lang at hindi kami nakatawag ng pansin
" Wag ka ngang maingay! " sabi ko at hinila ko sya sa may school garden
" Wow ako pa ang maingay, nahiya naman ako sayo! " bulyaw nya sa akin
" Ano bang problema mo ?" tanong ko sa kanya dahil nakakainis na sya dahil tuwing nagaaway kami ay ganito na lang sya lagi.
" Eh ano sa tingin mo ang problema ko ?" balik nyang tanong sa akin
" Sorry okay kung hindi ko sinabi sayo pero hindi naman talaga ako papasok " paghingi ko sa kanya ng yawad at nagulat ako sa naging sagot nya.
" Okay, papasok na ako "saad nya t kinuha ang mga libro nyang hawak ko na kinuha ko kanina .Naging maayos na kami pagkatapos noon ngunit napapadalas ang pagaaway namin kaya pero naayos rin naman kaagad. Dumating na ang pinakahihintay namin, ang pagraduate sa senior high kasabay rin ito ng aming fifth anniversary.