MANDY:NAGISING ako nang marinig ang boses ni Lance. Tila may kausap ito at nang bumangon ako sa pagkakahiga ay nakita ko siyang nakatayo. Nakatalikod ito mula sa akin at may kausap sa kabilang linya. Hinaplos ko ang bilogan kong tiyan. Pansin kong nahihirapan na akong tumayo dahil sa bumibigat kong dinadala.
"Lance." Tawag ko sa kanya. Napatigil ito at ibinaba ang tawag. Sinuklay niya pataas ang buhok gamit ang kamay. Hating gabi na at gising pa rin ito. Ang nakakunot niyang noo ay naglaho nang tumingin sa akin.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya habang kinukusot ang aking mata. Ilang araw na rin kami nang dumating dito sa Batangas para sa ligtas kong pag bubuntis. Sa ilang araw na iyon ay abala palagi si Lance. Marami akong hindi alam na mga lakad nito kasama ang iba niyang mga kapatid at si Ana at Rafael.
"Did I wake you?" Tanong niya. Napangiti ako at umiling. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Parang gusto ko nanamang kumain at naglalaway ako sa papaitan.
Dahil sa gutom ay ginising ni Lance ang mga kusinero dito sa white house. Nahihiya ako dahil dis oras na ng hating gabi pero narito pa rin kami. Tila marami akong naabala.
Nag aantay ako sa kusina kasama siya habang inihahanda ang mainit na papaitan.
"Nahihirapan ka ba matulog?" Tanong nito. Sa totoo lang ay naramdaman ko ang hirap sa pag tulog simula nang lumaki na ang tiyan ko. Kung hindi gutom ay maselan ang aking pang amoy. Tumango ako at bumakas ang pag aalala sa kanyang mga mata. Nakaupo kami sa mataas na upuan at bumaba siya tsaka tumayo sa aking likuran. Yumuko siya nang kaunti tsaka hinawakan ang aking buhok at ito'y hinaplos.
"I'm sorry to wake you." Sabi nito. Hinawakan ko ang kamay niya sa ulo ko. Tapos ay inilagay ang kanan sa balikat ko. Isinadal ko sa kanya ang sarili at nakangiting pumikit. Naaamoy ko nanaman ang mens perfume ni Lance na siyang kina aadikan ko. Gusto kong isiksik palagi ang sarili ko sa kanya. Nakita ko naman ang kanyang malumanay na pag ngiti nang idilat ko ang aking mga mata. Sana palaging ganito. Sana palaging mabait sa akin si Lance. Kahit na dahil lamang ito sa aking ipinagbubuntis ay masaya na ako. Masaya na kahit na alam kong may katapusan din ang lahat.
Hinalikan niya ako sa noo nang biglang tumunog muli ang phone nito. May tumatawag sa kanya na mukhang kailangan niyang sagutin.
"Kumain ka na." Sabi nito nang maihain sa mesa ang ni-request ko. Umalis siya sandali at nagtungo sa sala. Doon sa malalaking babasaging pigura na may malaking upuan. Nakadekwatro pa siyang umupo habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Na-curious ako nang makitaan siya ng ngiti sa mga labi. Hindi ko alam kung bakit? Para kanino siya ngumingiti? Para kanino ang mga ngiting iyon?
"Mukhang nagiging sensitive ka na." Nagulat ako sa pag dating ni Ana. Nakapantulog pa ito at halatang hindi rin madapuan ng antok. Sunod na bumaba si Rafael na may kausap din sa kabilang linya. Tinignan ko si Ana habang nasa kusina kami. Kumuha siya ng isang baso ng gatas tapos naupo sa tabi ko.
"Bakit hindi ka kumakain?" Pag aalala niyang tanong.
"Busog na ako." Nakangiti kong sabi. Nabusog na ata ako sa kakatitig sa nakahain sa mesa.
Lumingon kami parehas sa gawi ni Lance at ito'y nakatayo na at tuloy pa rin ang pakikipag usap sa kabilang linya. Si Rafael naman ay kababalik lamang galing labas ng white house matapos ang tawag niya. Nagpunta rin si Rafael sa kusina tapos kumuha ng alak. Mukhang hindi rin makatulog. Itinabi naman ni Ana ang baso nang ayain siya ni Rafael uminom ng black label. Ako naman ay pinanonood lamang silang dalawa.
"Dito pa talaga kayo mag iinuman?" Napatigil ang dalawa sa pag dating ni Lance. Katatapos lang niya sa pakikipag usap sa phone. Napailing ito at kinausap sina Ana.
BINABASA MO ANG
Ford Series 1: Stolen by the First Son
General FictionLance Raze Ford [Ford Series #1] Paghihiganti ang nabuhay sa dugo't isipan ni Lance sa murang edad pa lamang. Bata pa lang ay nasubok at nahasa na ang kaalaman ni nito sa mundo kung saan siya nabibilang. Sa mundo na para sakanya'y hindi kailangan an...