CHAPTER 50

47 2 0
                                    

Asha's POV



Another day,



Another game,



Another win for me but a lose for them



Chareng!ang tagal ko nang hindi nakakapag english ah! Baka nawawala na yung specialty ko,naku hindi pwede yun! Kakatapos lang nang game ko, madali lang naman kasi hindi na ako natakot kagaya kahapon. Pero hindi na ako katulad dati na ang dali lang patumbahin nang kalaban. Ang tagal ko na kayang hindi nakapaglaro! Kayo kaya! Grabe para akong shunga bakit ba ako natatakot? May armour pa nga kami kaya hindi naman ito masakit!



Babawi nalang ako sa mga susunod na events, sana naman madami ngayon na school year. Minsan kasi ang konti lang, ang sarap panaman sa feeling ang maging excused! Stress free nga but not injury free. Yung naglalaro ka lang tapos sipa ka lang nang sipa,akala mo hindi ka natatamaan pero the next day surprise may pasa kana. Hindi ko rin alam kung pano namin yun nakukuha na hindi naman namin feel kasi.



Hinihintay ko lang na makalaro si Harley, pero mukhang hindi na ako makapaghintay.



"Harley may pupuntahan lang muna ako"



"Huh? Saan?"



"Sandali lang"



"NO"



"Hindi 'sila' ang pupuntahan ko"



Alam ko namang bakit hindi niya ako pa aalisin, akala niya siguro na yung dati naming barkada ang pupuntahan ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Harley at umalis na don. Nag lakad ako papunta sa area nang swimming, hindi naman ako magtatagal. Titingnan ko lang, baka mamaya nandito pala yung kaaway sa shokoy na yun. Pumunta lang ako sa gilid at tumitingin lang sa paligid.



"Ash Reigo Elizar"



Oh! Sakto game niya. Para naman hindi ako ma bored dito, umakyat ako at sa pinaka dulo umupo. Aish, ang dami namang fans neto halos lahat nang babae ay nasa harap. Mukhang mahuhulog na nga yung iba, ang ingay na rin. Halos pangalan lang ni Ash ang maririnig mo, kawawa naman ang kalaban nakakawala nang motibo.



~Ernggk~


My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon