Albay 36

64 7 0
                                    

Take a break

Ngayong gabi ring ito ay tinawagan ko si Joaquin para magkita kami kahit maghahating gabi na.

Niyaya niya pa ako sa kanilang bahay dahil may maliit silang selebrasyon dahil sa pagkapanalo niya bilang Mister BU 2019 pero sinabi ko nalang na hindi na ako papayagan dahil gabi na.

Nasa kwarto na lahat ng tao sa bahay at sa tingin ko ay natutulog na sila kaya ayos lang na tumakas ako sa hardin para makipagkita sa kanya.

Nakabestida na ako pantulog at nakalugay lang ang aking buhok nang lumabas ako ng aking kwarto ay dahan-dahang bumaba ng hagdan.

Alas-dies na ng gabi at patay na ang ilaw sa buong mansion dahil nagpapahinga na sila, binilisan ko ang pagtakas padaan sa dirty kitchen nang marinig na may sumarang pintuan, kinabahan ako dahil baka may lumabas ng kwarto at papunta ng comedor at madatnan akong tumatakas.

Tinignan ko ang aking phone at nakitang nagtext si Joaquin na nasa hardin na siya at hinihintay ako sa likod ng puno.

Nang nasa dirty kitchen na ako ay agad akong napayuko nang magbukas ang ilaw sa comedor, agad kong tinext si Joaquin na sa rancho na kami magkita at baka makita siya ng mga gwardya sa hardin.

Pakiramdam ko ay matatakot ang lahat ng makakakita sa akin dahil nakaputi akong bestida at lugay ang itim kong buhok kaya mukha akong white lady.

Kinakabahan at natatakot akong mahigpit ang kapit sa aking phone na nakatapat sa aking dibdib habang nagmamadaling pumunta sa rancho ng nakatsinelas.

Panay ang lingon ko sa paligid na baka may makakita sa akin kaya sa talahiban ako dumaan kahit makati.

Dali-daling akong lumabas ng talahiban ng makita ko si Joaquin na nakaupo sa dulo ng rancho at pinapanood ang mga sasakyan na dumadaan sa highway.

Madilim na at puro tunog ng kuliglig at kulisap ang aking naririnig, maliwag ang buwan at nagniningning ang mga bituin sa madilim na kalangitan.

Hindi ko alam na dadating din pala ako sa punto ng buhay na kahit masakit ay kailangan mong gawin ang isang bagay.

"Mahal!" Sigaw ko kay Joaquin na agad lumingon sa kanyang likuran at nakita ako.

Mabilis siyang tumayo at nilapitan agad ako, nakashorts lang siya at simpleng gray na T-shirt at tsinelas.

"Naistorbo ba kita?" Tanong ko sa kanya nang maglapit kami.

"Hindi naman, nag-iinom lang kami sa bahay nina Papa at mga kaklase natin" Aniya. Nasabi niya naman sa akin na iinom sila ngayon at pumayag naman ako.

"Walang babae doon?" Paninigurado ko.

"Wala, puro kaklase lang natin na lalaki at si Papa" Tugon niya at nilingon ang paligid.

"Gabi na, hindi ka ba makatulog? May problema ba? Pwede namang bukas, paano kung mahuli tayo?" Nag-aalala niyang tanong at nilingon-lingon pa rin ang paligid na tila nagmamanman kung may nakatingin.

Kinagat ko ang aking labi at kinakalikot ang aking mga daliri na tila hindi mapakali.

Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay Joaquin ang mga naisip ko at ang sinabi ng pamilya ko, natatakot ako na baka magalit siya.

Paano kung magalit siya sa akin? Paano kung hindi niya tanggapin ang sasabihin ko? Kinakabahan ako at pakiramdam ko ay hindi ko kaya ang gagawin ko.

Takot din akong mawala siya pero panandalian lang naman, may pangarap din ako at gusto kong matupad 'yon pero may kailangan akong i-sakripisyo sandali. Nasabi na sa akin ng aking manager ang sinabi ni Papa kanina.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon