Episode 7

70 18 3
                                    

Tiningnan ko si Chronos at nagpuppy eyes ako. Ramdam na ramdam ko yung pagkairita niya sa akin na lalo kong ikinatuwa.

"Dalhan mo nga ako ng juice. Mutchacha." Nashocked ako doon. Kapal ng mukha ng bwisit na 'to.

"Sa tingin mo may pagkain dito? Tanga ka ba?" Bwisit kong sabi at matalim niya na akong tiningnan. "Sabi ko nga di ba? Malakas powers mo? Ibig sabihin meron na ring pagkain dito so kukuha na nga ako at pagsisilbihan ka, boss Chronos kong ubod ng lupet!" Paulit-ulit akong nagmura sa utak at napansin kong iritang-irita si Chronos.

"Hylia, tangina talaga." Mura niya na kinatawa ko. Bwisit na bwisit siya sa akin at mukhang nag-iisip habang nakasandal ang ulo sa magandang sofa. Bahay ko ba talaga to?

"Aba, marunog ka na magmura sa lenggwahe namin? Sige nga sabihin mo, bobo. Bobo ako. Dali, Chronos boss." Dala ko na yung juice niya.

"Manahimik ka! Nag-iisip ako. Baka tuluyan talaga kitang murderin eh!"

"Luh, sasabihin mo lang na bobo ako eh."

"Bobo ka talaga."

"Ouch, hanep." Napaupo na nga lang ako at napirmi na hindi ko na iniisip yung nangyari kanina maiiyak lang ako. Nang bigla ba namang may nalaglag mula sa bubong at tumagos mula dito.

Napasigaw ako doon at dinamba ko talaga si Chronos dahil syempre, poprotektahan niya ang sarili niya dinadamay ko lang ang sarili ko. Natakot ako nang makita na isang greek god din pala ang tumagos mula sa bahay ko ay tinulak ako ni Chronos sa sahig at halos sumampal ang mukha ko dito. Minura ko talaga si Chronos sa utak.

"Hermes, pabalik na din naman ako." Hinarap nito ang greek god messenger. Wala naman kasing fesbook sa lugar nila ano.

"Hindi pumayag si Mnemosyne na ibalik ang memorya ng hampaslupang ito." Turo sa akin ni Hermes at parang gusto ko manaket.

Siniko ko si Hermes sa tagiliran. "Aba, pagkatapos mo akong utos-utusan noon grabe. Ibang lebel naman Hermes! Gawin kitang bag eh."

"Kailangan daw ikaw mismo ang kakausap." Ano 'to? Medyo nanlumo naman ako. Ang hassle naman ng lahat ng bagay. Umay! Tanda ko nung kumuha ako ng SSS noon pati birth certificate, wala pa kasing maayos noon kaya medyo magulo. Apakahassle.

Sa isang iglap lang ay nagteleport na kami. Parang nawala yung kaluluwa ko sa katawan ko. Gusto kong sumuka at medyo kinilig naman ako ng slight nang sinalo ako pero umay, sa tyan at para akong pusa na binuhat ni Chronos at ang ulo ko lumalaylay. Nakakapanghina 'yon. Teka wag mong sabihin na nandito na naman kami sa mundo nila?!

Nilapag ako ni Chronos sa sahig at gumapang talaga ako para makatayo at inalalayan naman ako ng pader.

"Pumasok ka na. Ikaw ang humarap. Ikaw ang may kailangan eh." Di niya alam kung supportive ba si Chronos o umay na umay na to sa kanya.

"Ikaw na kumausap, Chronos. Matigas talaga mukha ni Mnemosyne eh." Napayakap na nga ako sa paa ni Chronos at shinake niya nag paa niya para paalisin ako. "Damot!"

Kumatok na nga ako at pumasok sa loob.

"Boss, Mne?" Dahan-dahan at nagulat ako nang kusa akong lumipad at naupo sa upuan. Jusko ano ba 'to nahihilo na ako sa kanila! Gusto ko nalang naman maging maayos ang lahat!

"You violated the law. And as a working spirit, you even dared come back here?" Mnemosyne is one of the scariest goddess na nakita ko at pinagtrabahuhan ko. Iba mang-utos 'to. Maiiyak ka ng dugo.

Titan 'to. Pero hindi ako matatakot bebe ko ata si Levi, gilitan niya lang yan sa batok eh. Napansin ko napahilot sa sentido ang Goddess.

"Pwede ba tigilan mo kakaisip sa Attack on Titan kapag kaharap mo ako? Mukha ba akong walang salawal sa'yo ha?"

Humagalgak ako ng tawa sa sinabi niya. Di ko kinakaya taena. Gusto ko na maalala kung ano talagang nangyari noon. Paano kaya kung ang irequest ko nalang kay Boss Chronos ay dalhin niya ako sa timeline ng Attack on Titan? Tapos lalandiin ko si Levi kung kaya ko. Kaso mas maliit pa sa akin 'yon eh. Titan nalang ni Eren para malake. Napatawa na naman ako sa imahe ng bayag sa utak ko.

Minura ako nang malakas ni Mnemosyne nang makita ang imahe sa utak ko. Kaya napatahimik ako.

"Bibigyan mo ba ako ng pag-asa? Last na po ito. Kilala niyo naman po ako. Mananahimik na rin itong kaluluwa ko. Last na please, pinakamagandang Goddess sa balat ng universe!"

Sumakit na talaga ang ulo niya kapag kausap ako hehehe.

"Sure, para manahimik ka na. Pero may iuutos ako sa'yo. Pasama ka kay Chronos. Kunin niyo ang nawawalang hikaw ko sa Bermuda Triangle."

"Seryoso po?"

"Mukha ba akong nagjojoke?!" Sigaw nito. Nang bigla namang akong lumipad sa ere at humagis palabas. Buti nalang ay mabilis ang reflex ni Chronos at nasalo niya ako bridal style.

Hala, ang sweet. Kiligin na ba ako?

Nang bigla namang parang nawala ang lupa at nahulog kami sa parang black hole. Napakapit talaga ako kay Chronos at sigaw ako nang sigaw sa bilis ng pressure nung humihila sa amin. Napatingin ako sa mukha niya grabe ang gwapo kahit na inis na inis yung mukha niya. Lah, kinikilig ako ano 'to? Malandi ba ako?

Naramdaman ko namang mahigpit din ang kapit niya sa katawan ko na medyo parang hawakan na ng magjojowa. Pero ramdam kong parang ayaw niya akong mabitawan bigla at dumausdos sa ibang lugar.

Ayieee, concerned sa akin. Napangiti lang ako at niyakap ko nga siya para makapamboso na rin ako.

Nang bigla ba namang nasa sobrang laking barko kami. Sobrang spacious nung barko. Hindi ko alam na parang yung barkong ito parang higante ang kasya sa taas nung height nito, medyo lumang puti ang kulay nito. Ang nakakatakot ay glass ang paligid.

Ang problema ay Thalassophobic ako. Hindi ako nag-iinarte pero para akong hindi makahinga at nagpapanic talaga ako pagnakakakita ng sobrang lalim na katubigan na parang malulunod ka. Nanginig talaga ako sa takot, nanikip yung dibdib ko at parang naghyhyperventilate ako. Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak. Punas ako nang punas ng mukha. Si Chronos naman ay nabasa ata ang utak ko.

Tinago niya ako sa malapad niyang dibdib. Kapit na kapit talaga ako sa damit niya.

"Y-yung hikaw din ni Miss.. Miss Mnemosyne."

"Ako nang bahala, kumalma ka muna."

Nakatago lang talaga ako sa kanya nang sinilip ko ang mga tao. They were dressed like those people from the 70s-80s. Parang nakashabu naman yung gumawa ng barkong 'to sobrang taas ng ceiling at kitang-kita pa yung labas. Sarap gilitan ampota.

Oo, hindi rin kami nasa ibabaw, parang submarine 'to. Parang panaginip.

Hanggang sa tumagilid ang sinasakyan namin at kapit na kapit talaga ako sa upuan.

"Sa akin ka kumapit." Bulong ni Chronos.

Hanggang sa nabasag nga ang malaking glass ng sinasakyan namin at mabilis na pumasok ang tubig. Shet na malupet! Shet! Mamatay na naman ba ako? Kaluluwa na nga lang ako?


+++++

The last part was actually a dream of mine. A man saved me on that dream. Ang nakakatakot ay parang totoong nangyayari pati yung takot ko na malunod. Lol.

Votee

Unedited








Chaos with the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon