"May napapansin lang ako?" Nag uusisang tanong ni Jane.
"Anu naman yun Bes?" Sagot ko na medyo kinakabahan.
"Lately hindi ka na nagpaparamdam sa amin, may nangyari ba?" Pagpapatuloy nya.
Kinakabahan ako na baka malaman niya na magkasama kami Tomy for almost 1 week.
Samantalang si Tomy naman ay kasama ang mga kaibigan nya sa Bar.
"Ano pre ilang araw ka ring AWOL ah, anu bang nangyari sayo?" Tanong ni Travis kay Tomy.
"Tumigil ka nga jan, busy lang ako" paiwas na sagot ni Tomy.
"Oi pre sya pala nag usap na ba kayo ni Eunice?" Follow up na tanong ni Travis.
Napahinto si Tomy sa pag inom.
"Nakita ko kasi sila nina Mary sa mall last time" kwento ni Travis.
Hindi umibo si Tomy, masakit pa rin sa kanya ang pakikipag hiwalay sa kanya ni Eunice.
Naparami na ang inom ni Tomy kaya naisipan na nitong umuwi.
Habang nasa byahe ay hindi ako mawala sa isip niya, dahil na rin siguro sa company na naiibigan ko sa kanya nitong mga nag daang araw.
Samantalang ako naman ay fresh na fresh from the bath, kahit medyo umuulan dahil sa bagyo.
"Sandaleeeeeeeehhhh" sigaw ko ng madinig ko ang buzzer.
Laking gulat ko ng buksan ang pintuan.
"Hi...!" Bati niya na halatang lasing dahil hindi na sya makatayo ng tuwid.
"Uhm Tomy, napasyal ka?" Curious kong tanong.
"Nakaka abala ba ako?" Tanong niya.
"Ah eh, hindi tuloy ka, gusto mo ba pag luto kita ng soup para mahulasan ka?" Alok ko habang inaalalayan siya papasok.
Iniupo ko sya sa sofa, naisipan kong ipag luto siya.
Nang matapos akong magluto ay dinalhan ko sya ng soup.
"Ano bang mali sa akin?" Naiiyak na tanong ni Tomy.
Hindi ko alam ang gagawin ng mga sandalig iyon, naupo ako sa tabi niya at sinimulang haplusin ang kanyang likod.
"Hindi man lang nya naisip na ngayon ko sya mas kailangan" pagpapatuloy niya.
Nag simula na syang umiyak at wala na akong magawa kundi ang yakapin na sya.
May ilang minuto din kami sa ganoon posisyon.
"Kyle gusto mo ba ako?" Straight forward niyang tanong.
Noong una ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niyang iyon.
Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng sagot, ang bilis ng tibok ng puso ko napalunok ako habang nag iisip ng isasagot.
"Oo naman, uhm mabait ka naman, isa pa wala naman akong makitang mali sayo" nahihiyang sagot ko.
"Mahal ko si Eunice, pero... hik! Pero bat parang laging kulang? Hik!" Pagpapatuloy ni Tomy.
Aaminin ko at the moment nag aassume na ako na gusto nya rin ako.
Yumakap siya sa akin ng mahigpit ako naman ay tuwang tuwa deep inside pero kelangan kong maging rational kung hindi aasa lang ako at masasaktan.
"Kyle, sorry nga pala kagabi, hindi ko alam kungn bakit dito ako dumerecho" paliwanag ni Tomy kinabukasan.
Ako naman ay pigil ang kilig dahil ayokong mahalata niya.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
RomanceSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...