At ganito na nga ang naging routine namin ni Tomy, during Semester break movie marathon at picnic dahil tuwang tuwa siya sa halos lahat ng lutuin ko, hindi ko kung dahil ba broken hearted siya at gusto nya lang ng diversion? Or interesado siya sa akin.
"Pansin ko Bes parang ang blooming mo lately ha? Anung meron?" Biro ni Jane ng minsang mag aya siyang kumain sa labas.
"Ha?! Ano wala, mahaba lang na pahinga kasi hindi na tayo haggard sa studies" sagot ko.
"Baka naman may lovelife ka na?! Umamin ka!" Tanong niya.
Si Vince naman ay tatawa tawa lamang sa tabi habang pinapanood kaming dalawa.
"Jowa?! T-tumigil ka nga Jane!" Pag tanggi ko.
Samantalang bumisita noon si Tomy sa bahay ng parents nya sa Makati.
"Anak naka naayos mo na ba enrollment for this Sem?" Tanong ng kanyang Mama.
"Opo Ma" sagot naman ni Tomy. "Sya nga pala si Kuya George hindi ba sya uuwi?"
Huminto saglit ang kanyang Mama sa ginagawa nitong pag trim sa mga bonsai.
"Nag away sila ng Papa mo kagabi, hanggang ngayon hindi pa sya umuuwi, nag aalala na nga ako eh" kwento ng kanyang Mama.
"Hanggang ngayon ba hindi pa rin tanggap ni Papa ang Girlfriend ni Kuya?" Nagtatakang tanong ni Tomy.
Napa buntung hininga na lamang ang kanyang Mama.
"Tingin mo may tinatago kaya si Kyle sa atin?" Sabi ni Jane ng maihatid nila si Kyle sa unit nya.
"Babe, hindi naman siguro, isa pa totoo naman ang sinabi nya, kumpara noon mas refresh kayong tingnan" paliwanag ni Vince.
"Pero masaya ako kung sasabihin nyang Oo." Pagpapatuloy ni Jane.
Samantalang naisipan kong bumili ng ilang supplies sa katabing convenient store sa labas ng Condominium.
"330 pesos po lahat" sabi ng Cashier habang binabalot ang aking mga pinamili.
Agad kong inabot ang bayad at nagmadali ng umalis dahil makulimlim na naman at tila papatak na ang ulan.
Nakatapos na ako ng gagawin kaya naman nakahilata na ako sa sofa ng biglang tumunog ang doorbell.
"S-sandaleehhhh!!" Tinatamad kong tugon, dahil noong minsan ay maling room ang napuntahan ng isang bisita sa condo.
"Hi, Kyle busy ka ba?" Bungad na bati ni Tomy.
"Ikaw pala! Halika pasok ka" paanyaya ko.
"May dala akong copy ng bagong movies baka gusto mong manood?" Tanong ni Tomy.
Agad na akong nag handa ng pop corn at nag labas ng softdrinks.
"2 days na lang back to school na tayo" paalala ko.
"Oo nga, tambak na naman ang aralin haysss" sagot ni Tomy na tila tinatamad pang pumasok.
"Ok ka lang ba? I mean pag dating ng pasukan?" Mahinahon kong tanong.
Napanguso si Tomy habang nakatutok sa pinapanood naming movie.
"Siguro, isa pa magkikita naman kami one way or another" sagot niya.
"Magiging ok din ang lahat, isa pa kung kelangan mo ng kausap andito ako, wag lang pag may exams hahhaha" paliwanag ko.
Nagtawanan kaming pareho sa idea.
At dumating na nga ang araw ng pasukan.
Buhay na buhay na naman ang University akala mo ay may reunion dahil barkadahan na naman ang magkaklase.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
RomanceSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...