Chapter 6

5 1 0
                                    

UMUPO ako sa tabi ni sin nang makalabas ako sa game zone. Tahimik siyang nanood sa kapatid na naglalaro kasama ang mga bata sa loob.

"Hey, gusto mo kumain?" Tanong ko. Wala akong nakuhang sagot. Tumikhim ako. "Sin, galit ka pa rin ba?"

"Shut up."

Binasa ko ang labi ko. "Sorry na.. ano.. wala naman akong nakita eh."

"I. said. shut. up."

"Sungit mo. Pasalamat ka.." Bulong ko. Taas kilay niya akong nilingon. Nag-iwas ako ng mata.

Pasimple kong kinagat ang labi ko. Naalala ko na naman 'yung nangyari kung bakit siya nagagalit sa'kin ngayon. Noong nakaraang araw kasi inilabas ko si luca para sana dumumi. Nadaanan ko 'yung bahay nilang nakaawang ang gate kaya nagtaka ako. Eh alam kong walang tao sa kanila kaya lumapit ako roon para sana isarado ang gate nang makarinig ako ng kalabog sa loob.

Dahil sa gulat, mabilis akong pumasok. Pero mas lalo akong nagulat nang makitaan ko si sinteza na nakatapis lang ng tuwalya habang nasa sahig. Mukhang sa kanya ata nanggaling ang ingay. Pero wala naman akong nakita bukod sa hita niyang kasing puti ng labanos kaya hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa'kin. Pumikit kaya ako no'n.

"Pervert."

Nanlalaki ang matang nag-angat ako ng tingin sa kanya. "What?"

Pinanlisikan niya ako ng mata. "You were looking at my legs."

Naubo ako. "Oh sorry.."

"Mga kaibigan mo 'yung kanina, hindi ba?" Bigla niyang tanong.

"Oo."

"Eh bakit nandito ka?"

"Gusto ko lang."

"Gusto mo lang?"

"Oo."

Natahimik siya. Bigla siyang tumayo at pumasok sa loob ng game zone kaya sumunod ako. Nakita kong sumuot siya sa ilalim ng net kung saan nandoon ang kapatid niyang naglalaro ng lego. Nagpamulsa akong tumayo malapit sa kanila at pinagmasdan silang dalawa.

Hindi ko pa naitatanong kay sin pero sa tingin ko talaga ay may lahi silang magkapatid. May maipagmamalaki din kasi itong si arostin. Tabain man pero ang gwapong bata. Englishero pa. Minsan sumasakit na lang ang ulo ko sa mga itinatanong niya sa akin. Napakadaldal.

"Kuya, come here! Let's play!" Sigaw niya habang nakadapa. Umiling ako.

"Hey," Nalipat ang tingin ko kay sin. Nagpipigil siya ng ngiti. "Tara dito."

"Baket?"

"Basta."

Ngumiwi ako. "Ayoko."

"Calliban.." Nagbabantang boses niya. Nagulat ako.

Did she just called me by my name?

"W-what did you say?"

"Tara dito sabi ko."

"No. You called my name."

"Calliban?"

Kinagat ko ang labi ko.

Ang sarap namang pakinggan. Parang baby lang.

Pumasok ako sa net. Tumabi ako kay sin.

"Bakit nakangiti ka?" Takang aniya.

ALMOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon