Chapter 7

6 1 0
                                    

AFTER that incident, kinabukasan dumiretso agad ako sa presinto kung nasaan ang lalaking iyon. Kagaya ng ipinangako ko kay tita. Sinampahan namin ng kaso ang lalaki at siniguradong hindi siya masisintensyahan nino man.

Nagulat pa ako nang makita ang braso niya sa kaliwang kamay kung saan nakasulat sa pamamagitan ng laslas ang pangalan ni sinteza.

The fuck.

Napahilamos ako sa mukha ko. Malakas siyang tumawa kahit pa hawak siya ng dalawang pulis. Sa sobrang galit ko, sinuntok ko ng malakas ang sikmura niya.

"You crazy motherfucker!"

"Sinteza, sinteza, ang asawa kong si sinteza.." Pakantang aniya. Kapagkuwan ay lumalim ang pagtingin niya sa akin.

Nairita ako. Malakas kong tinapik ang likod ng ulo niya. Muntik na siyang masubsob sa sahig dahil doon. Sinenyasan ko ang dalawang pulis na ipasok sa selda ang gago bago ako lumabas ng station.

Simula ng araw na 'yon, sinteza and i became pretty much close. Hatid-sundo ko siya sa pagpasok kaya ang mga kaklase niyang nambubully sa kanya noon ay hindi na siya muling ginulo pa ulit. Lagi na kaming magkasama. Hanggang sa loob ng village maski sa labas. Araw-araw kaming naglalaro sa playground. Nakakalabas pasok na rin ako sa bahay nila dahil binigyan ako ng pirmiso ni tita. She's starting to get comfortable with me. She's even joking around which is i find it really adorable every time she laughs with her own jokes. Mas nagmukha pa nga siyang clingy sa'kin kaysa sa kapatid niyang habang lumalaki ay nagiging masungit.

She also knew that i like her. At inamin niyang gusto niya rin ako. Kinilig ako ng sabihin niya iyon syempre. Hindi nga mawaglit ang ngiti ko eh. Starting that day, we often go on a date. Kahit na nagiging busy na siya lately dahil sa paghahabol niya ng mga requirements dahil magiging college na siya next year, gumagawa pa rin siya ng paraan para magkita kami. That makes me fall for her so damn hard. She's very sweet and soft hearted girl.

As the years passed by, mas lalo lang siyang gumaganda. At mas marami akong nagiging kalaban. Palagi siyang nagkekwento sa'kin na marami ang gustong manligaw sa kanya sa school nila pero agad din niya naman daw iyong tinatanggihan. Nababasa ko pa nga ang mga love letters na binibigay ng mga admirers niya. At some point, nakakaselos pero ayoko naman maging possessive kaya hinahayaan ko na lang din.

Sakin din naman siya babagsak.

Ngumisi ako sa isiping iyon. Ngayon nandito kami sa parlor at nakaupo ako isa sa mga waiting chair. Nagpasama kasi siya sa'kin na gusto niya raw magparebond. Hindi lang ako mapakali sa kinauupuan ko dahil kanina pa pasulyap sulyap 'yung dalawang bading sa'kin. Tumitindig ang balahibo ko sa batok sa lagkit ng mga titig nila. Naknampucha.

Sumulyap ako kay sinteza. Deretso siyang nakatitig sa akin mula sa salamin at nagpipigil ng tawa. Napansin niya din ata iyon. Nginisihan ko na lang siya. Sumandal ako sa dingding. Kanina pa kami nandito sa parlor. Hindi ko alam na ang tagal pala ng proseso ne'to. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone kong nasa bulsa kaya kinuha ko iyon.

Tumingin ako kay sin nang makitang siya ang nagtext. Nakangiti niyang kinaway ang cellphone niya sa akin mula sa salamin.

Ate peppa : You bored?

Me : Nah.

Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong nagtatype siya ulit kaya binaba ko ang tingin sa cellphone ko.

Ate peppa : Liar.

Natawa ako.

Me : Nagugutom ka na? Bibili ako ng pagkain kung gusto mo.

ALMOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon