Chapter 8

4 0 0
                                    

LINGGO ngayon at araw ng fiesta ng bayan kaya umaga pa lang ay nandito na ako sa bahay nila sinteza. Idinipa ko ang mga kamay ko sa backrest ng sofa habang naghihintay sa kanyang bumaba. Nakita ko si arostin na pikit matang naglalakad sa hagdan at humihikab pa.

"Morning." Bati ko. "Saan ate mo?"

"In her room." Tamad niyang aniya. "Nagpapaganda."

"Sabihin mo hindi na kailangan. Maganda na siya sa paningin ko."

"Yak,"

Humalakhak ako. Siraulong bata.

"What did you say, arostin?" Sulpot ni sin sa itaas. Nakasuot siya ng simpleng bistida but it looks elegant on her. Lumapit siya sa'kin.

"Nothing." Sagot ni arostin mula sa kusina.

"You used to be so sweet to me back then. What happened now, huh? Don't you love ate anymore, baby?"

"Oh, come on."

Natawa ako. "Hey, little munchkin. Gusto mo bang pasalubungan kita ng hotdog?"

"I have my own hotdog."

Humagalpak ako ng tawa. Nanlaki ang mata ni sin sa sinabi ng nakababatang kapatid.

"Arostin! Isusumbong kita kay mommy."

"Go ahead."

Mas natawa ako. "I like the new version of your brother now."

Sinamaan ako ng tingin ni sinteza. "And i don't. He's being sarcastic. I don't like that."

"He's still a kid. Magbabago pa ang ugali niyan."

"I hope so."

Ngumiti lang ako. "Ready to go?" Tumango siya. Lumapit muna siya sa kapatid at hinalikan ang pisngi nito.

"If mom wakes up, just tell her, okay? We gotta go."

"Sure. Love you."

Napangiti ako. Sweet din naman eh. Sinteza is just being paranoid.

Pinaikot ko ang susi ng sasakyan sa daliri ko habang naglalakad siya pabalik sa pwesto ko. "Let's go, peppa."

"Stop calling me that."

Hindi ko siya pinakinggan. Kumaway ako kay arostin na tamad na nakatingin samin habang sumusubo ng pagkain.

"Bye george!"

"Yeah, whatever."

Ngumisi lang ako. Sumunod ako kay sin sa labas kung saan nakatayo na sa tabi ng kotse ko. Pinatunog ko iyon. Sumakay kami sa loob. Nakita kong alas diyes na ng umaga sa orasan. Binuksan ko ang engine. Lumingon ako sa kanya.

"Where to?"

"Church."

"Woah. I do na agad."

"Baliw." Rinig kong bulong niya.

Natawa ako. Ngingiti kong pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe, tahimik lang kaming dalawa. Paminsan minsan naman ay nagtatanong siya sa akin kaya palingon-lingon ako sa kanya mula sa daan para sumagot.

Sakto alas onse nang makarating kami sa COG. Ang susunod na service nila ay eleven thirty pa kaya naghintay pa kami ng tatlumpung minuto sa baba ng gym. Nang pumatak ang oras na iyon, hinintay naming umunti ang mga naglalabasang tao sa entrance bago kami pumasok sa loob. Napili naming umupo sa may itaas. Mula dito, kitang-kita namin ang baba at ang malaking stage sa harap.

ALMOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon