MABILIS akong tumakbo papasok sa hospital. Umaagos ang luha sa mga mata ko pero hindi ko alintana iyon. Akmang magtatanong ako sa nurse nang makita ko sa hallway si arostin na nakatulalang nakatingin sa kawalan kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Where's your ate?"
Walang emosyon ang matang lumingon siya sa'kin. "I hate you, kuya."
Bumagsak ang luha ko. Mabilis akong nagbaba ng tingin. Nilunok ko ang hikbing gustong lumabas sa bibig ko at huminga ng malalim.
"I'm asking you, where's your ate?"
"If you're talking about the body. She's in there." Turo niya sa morgue. "But if you're talking about her soul. She's now in heaven." Puno ng sarkastikong aniya at iniwan ako.
Pinilit kong tumayo at nanghihinang nagtungo sa morgue. Madiin kong kinagat ang labi ko. Naabutan ko si titang malungkot na nakatingin sa akin at sobra ang pamamaga ng mata.
Minuwestra niya ang katawang may nakatuping tela. Pinagmasdan ko 'yon. Bumaba ang mata ko sa kamay niyang nakalaylay. Tuluyan akong napaluhod nang makita ko ang singsing na pamilyar na pamilyar sa'kin.
Mabilis kong binuksan ang telang nakaharang sa mukha niya at nakita ang napakaganda niyang mukhang animo'y natutulog lamang. Hinaplos ko ang pisngi niya habang bumabagsak ang mga luha sa mata ko. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa hindi ko napigilang humagulgol.
"B-baby.. wake up.. Oh God, please wake up..." Nanginginig kong bulong. Hinawakan ko ang kamay niyang kasing lamig ng yelo at diniin iyon sa mukha ko. "M..m-magpapakasal pa tayo h-hindi ba? Nagkekwentuhan lang tayo kanina. Nag-uusap lang tayo, sin. Tangina... 'wag ka namang talkshit. Parang awa mo na.. Hi..h-hindi ko kaya pleasee.. Sinteza.." Sinubsob ko ang mukha niya sa leeg ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Someone called me. Nagtanong sa'kin kung anak ko ba si sin, i said yes. Tinanong ko kung bakit. Ang sabi sa akin sinugod daw ang anak ko sa hospital dahil nasaksak ng ice pick ng mga lalaking basag-ulo. I was horrified, ijo. Halos mahimatay ako sa sobrang takot para sa anak ko. Pagdating ko, naabutan ko na lang na nililipat siya sa m-morgue. The nurses said she was dead on arrival." Umiiyak na kwento ni tita.
"If i just know.. s-sana hindi na lang kami pumunta.. Damn it! I'm so stupid. I'm so stupid. God. Fuck it. Fuck."
Rinig ko ang hagulgol ni tita sa likod ko. Lumingon ako sa kanya. Nasasaktan siyang tumingin sa'kin at niyakap ako.
"Tita, i'm so sorry... I'm sorry.. Sana hindi na lang kami umalis.. Sana hindi na lang kami tumuloy..."
"Ijo, please.. don't blame yourself. Be strong for my daughter. I know you love her as much as i do but i needed you to be strong. Masakit din para sakin ito. N-nawalan ako ng anak..."
Yumuko ako at madiin kinagat ang labi ko. Pinagmasdan ko ang mukha ni sinteza. Bumaba ang tingin ko sa singsing na nasa daliri niya. Umiyak ako ro'n at humagulgol na parang bata. Ang sakit. Para akong pinapatay sa sakit.
"Baby, please tell me what should i do? Sabihin mo sakin kung anong gagawin ko ngayong wala ka na? Tangina. Kaya kong maghintay ng higit pa sa tatlong taon basta nasisilayan ko lang 'yang mga ngiti mo. Pero 'yung ganito.. sin, maawa ka sakin.. h-hindi ko kaya. Ang bigat bigat na ng dibdib ko. Ang sakit sakit na, sinteza..."
BINABASA MO ANG
ALMOST
Ficção AdolescenteI once believed in a fairy tales. I thought every love story always has a happy ending. But I guess I was wrong. Because mine, ended up in tragic. We are almost there. To the happy ending. But fate is really unpredictable. Fucking unpredictable.