Impormasyon para kay Juan de la Cruz

9 0 0
                                    

Ating bansa ngayo’y patuloy ngang nilulupig
Kalaba’y patuloy tayong niyayanig
Isang mabisang sandata sana ang kaalaman
Ngunit ano ang dunong kung ‘di maintindihan?

Sa kalabang ating mata’y hindi nakikita
Impormasyon sana ay mabisa
Ngunit salitang banyaga sa pandinig
Wala ring silbi kahit sa taong nais makinig

Wika ang solusyon upang lahat ay magkamalay
Ang pagsugpo sa virus ‘di lamang sa bakuna nakasalalay
Prebensyon sa nakamamatay na sakit nararapat na bigyang diin
Ipaintindi kay Juan de la Cruz mga hakbang na pwede niyang gawin

Bayanihan ng bawat Pilipino ay kailangan
Sa gitna ng pandemya kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan
Pagkakaintindihan iyan ang nararapat
Wikang Filipino gamitin sa mga impormasyong pinakakalat

-Daae

LikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon