Chapter 6: Secret Place

11 1 1
                                    

Kirsten's P.O.V

"Rei.." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Agad akong napangiti ng makita ko ang maganda niyang mukha.

"Mama! Ang ganda ganda mo po."

Sabi ko sabay takbo papalapit sa kanya.

"I remember everything now, Ma. But I still cant remember you. Ang naaalala ko lang ay sila Mommy. Pero alam ko na ikaw ang mama ko. Magkamukha tayo e!"

Mainit na yakap ang sagot niya sa mga sinabi ko. I felt at ease when she hugged me. Her warmth gave me serenity.

"I am glad you're with him now." Sabi niya habang tila hinehele ako at hinahaplos ang mahaba at itim kong buhok.

"So Aeser po ba Mama? Thank you po pala dahil sa kanya mo ako binilin. Don't worry about me mama. As long as I am with him, di ako mapapahamak. Napatunayan ko na po yun noong panahon na hindi pa ako nagigising sa paghimbing bilang bampira."

Ikinulong ni Mama ang mukha ko sa malambot at mainit niyang palad.

Tila kinakabisa ang bawat detalye at hulma nito. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. I memorized her face. Gusto ko syang makita kahit gising ako o nakapikit.

"Baby, marami kayong pagdadaanang dalawa. It will be a really bumpy ride."

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

"The two of you holds a big responsibility not only for vampires but to every creature living. Hold his hands tightly. Don't let him go. Buhay niyo na ang isa't isa ngayon, anak. At buhay nio na din ang buong kaharian.Win your battles against her in your dimension together. I'll make sure I'll win my battle here in our dimension."

"Mama, it's a bit confusing." She smiled at me and hugged me once more.

"You are my Princess and you are his Queen. Gaano man kagulo ang lahat. Wag mo kalilimutan iyan. Diyan mo makukuha ang mga kasagutan."

"Bibisitahin mo ba ulit ako, Mama?"

"Silly, ikaw ang bumisita sakin dito, Baby."

"Po?"

"I told you. You are my princess. Go. It's time to wake up."

She planted a soft kiss on my forehead and with that I opened my eyes.

I was welcomed by the handsome face of Aeser. Nakatitig ito sa akin.

"Matagal ba akong nakatulog?" Isang ngiti ang itinugon niya sa akit at magaang hinalikan ang aking noo.

"Sakto lang. Mas mahaba parin ang naging tulog ko" Sabay kaming napatawa sa kalokohan niya.

Parang hindi na daw niyang maatim na muling matulog dahil sa nangyari sa kanya.

"Were you cursed by her because you were keeping me from her?"

Napatigil siya sa paglalaro ng aking buhok. Isinandal niya ang sarili sa headboard ng kanyang kama at hinila ako upang mapaunan sa kanyang dibdib. I can hear the fast beating of his heart.

After Eclipse (Moon Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon