14

339 25 0
                                    

14

Ngayong gabi ang inaatasang pagdalo sa kasiyahan ng pamilyang Lee. Inexplain sa akin ni Denver ang lahat kanina lang din. Isiniwalat nito na tumawag raw ang mom nya—stepmom. At iniimbitahan raw ito sa bahay mansyunan nila. Wari ko ay hindi pa alam ng stepmom ni Denver na alam na nito ang nangyari sa company. Kasalukuyang kausap ni Denver ngayon si Manang. Ako naman ay nasa kwarto at nagaayos na, sabi ni Denver ay dapat raw pormal pero elegante ang itsura ng magiging porma namin. So I wear silver metallic backless bodycon. Spaghetti ang straps nito, same as the neckline, naka v-neck ito. It really shows my collar bone. I also wear heels with 3 inch high colored also of silver.



Lumabas ako ng kwarto at roon ay nakita ko si Denver. Nakasuot ito ng Black long sleeve polo na pinatungan chameleon coat. His pants colored as black and his shoes. He really looks stunning and gorgeous. His hair style as quiffs cut which make him more handsome. Natigil ang tingin nito sa akin. It looks like, he's scanning my whole body.




Tumikim ako upang maalis ang mata nito sa akin, akmang pababa na ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.



"Wow naman, Cia! Napakaganda mo—" nilingon ko iyon at nagulat sa aking nakita. Lumapad ito ng malaki at naglakad papalapit sa akin, inalalayan niya ako hanggang sa makababa.



"I called him for back up. And hindi lang siya ang kasama natin." saad ni Denver. Itinuro nito ang pinto at doon ay iniluwa ng kanyang pinto ang lalaking nakasuot rin ng formal suit. Dali dali akong tumakbo sa kanya ang yinakap ito ng mahigpit.




"T-teka lang, Cia. H-hindi ako makahinga." reklamo niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ang mukha nito. "Kelan ka pa nandito ha, Kier? At talaga isinama niyo si Kris, alam ba ng asawa niya?—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang takpan ni Kier ang bunganga ko. "Hindi, hindi kami nakapagpaalam kay Jennie." marahas kong inialis ang kamay ni Kier sa bibig ko at sinimangutan ito. "Oo, miss din kita, Cia. Sobra pa sa sobra." dugtong pa niya.



"Bakit hindi kayo nagpaalam? baka mag away sila?" tanong ko at iniayos ang buhok ko. "Relax, Cia." sambit naman si Kris at lumapit sa akin. "Relax ka lang kase—"



Hindi natapos ni Kris ang sasabihin nito nang makarinig kami ng malakas na putok ng baril sa labas ng bahay ni Denver. Napakapit ako sa likod ni Kier at iniharang naman niya ang kanyang kamay sa kanang gilid ko. Akmang papalit na si Denver sa pinto nang bigla itong nagbukas magisa dulot ng malakas na sipa ng tao sa labas, inihanda at ikinasa nila Kris ang kani-kanilang mga baril at itinutok sa pintuan.



Kahit kinakabahan ay hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Para bang nasa loob ako ng isang action movie.


"Hi guys—" natigilan ang babae sa pagpasok nang makitang nakatutok ang mga baril nila. Sinimangutan ng babae si Kris at nagkasa rin ng baril. "Kris Byun, how dare you na tutukan ako ng baril ha!" singhal ng babae at lumapit kay Kris, pinihit nito ang tainga ng Kris. Pakiramdam ko ay kahit na anong oras ay mapililas o matatanggal na ito sa pagkakakabit.



"L-love, s-sorry na. K-kase naman—"



"Kase ano ha, Kris?"



nagpatuloy sa pagpingot ang babae habang ako kay pilit inaalala kung sino nga ba 'to. Natigil ang dalawa sa pagtatalo nang tumingin sa akin yung babae at ngumiti. "Hi, remember me?" bati nito. Pinatitigan ko lang ito ng mabuti. Tumawa siya ng malakas at inilabas ang magazine sa baril. "Ako 'to si Jennie. I know lalo akong gumanda kaya ganyan ang reaction mo." sambit nito habang nakahiklat parin sa kanyang kamay ang namumulang tainga ni Kris.




Back to me (AIWTG book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon