PROLOGUE

22.5K 364 4
                                    

I don't know where to start...i don't know where to go...pano na ko ngayon? I have nothing...and no one in me now.

I cried and cried...

"Kawawang bata...pagkatapos masunog ng bahay nila, namatayan pa siya ng mga magulang.",

"Balita ko wala na siyang ibang pamilya."

"Siya na lang mag-isa ngayon."

"Pano pag-aaral niya?. Sayang naman at balita ko matalino ang batang yan."

"Naku...sumisikip ang dibdib ko ngayong umiiyak siya."

"Graduate na sana siya sa kolehiyo next year di ba?"

"Sayang talaga..."

Mas lalo akong nasasaktan sa mga naririnig ko. Burol ng mga magulang ko pero puro awa lang ang mga nakikita ko sa mga tao. Anong magagawa ko sa awa nila?? Di ko yun makakain! Bakit di na lang sila tumahimik?? Walang magagawa ang mga salita!

"Condolence ija.",

Di ako umimik at patuloy lang sa mahinang pag-iyak. They can say condolence to me kahit ilang beses pa pero di nun mabubuhay ang mga magulang ko. Pinikit ko ang mga mata ko at mas yinakap ang mga tuhod ko.

"Nakikilala mo pa ba kami?"

Dahan-dahan kong tiningala ang dalawang tao na nasa harapan ko. Nakita ko ang mag-asawang Ledezma. Si Mr. Ledezma ang head chief ng police station na pinagtatrabahuan ni papa. Police din kasi ang papa ko at madalas ko siyang makita noon pa man.

Umupo sa harap ko si Mrs. Ledezma kaya magkaharap na kami ngayon. May malungkot siyang ngiti sakin which i find comforting.

"Alam namin ang pinagdadaanan mo ngayon...kaya nandito kami para tulungan ka.", sabi ni Mrs. Ldezma sakin.

"Po?",

Di ko maintindihan kung bakit nila ako tutulungan. Di ko maalala nananging malapit ang pamilya namin sa kanya. I mean, nandun na yung head siya ng papa ko pero bukod dun, may iba pa bang rason para tulungan nila ako?

"Gusto mo bang tumira sa bahay namin?"

"Po?!"

"Or would you rather be our daughter?", sabi ni Mr. Ledezma.

#BOOM! ahahaha..another story for me..medyo matatagalan update nito kasi uunahin kong tapusin ang I don't care ko na story..kaso..hinihintay ko ngayon na maayos ang phone ko dahil nandun yung story ko. Since wala akong ginagawa eh naisipan kong gawan muna to ng prologue..hehehe..

hope ivote niyo din to at magustuhan niyo..thanks!

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon