Oh Mickey, you're so fine
You're so fine you blow my mind, hey Mickey,
Hey Mickey 🎶Isang pitik ng bewang ang ginawa ko mula sa saliw ng kanta. Hinayaan kong sumabay sa musika ang pag giling ng aking balikingkinitang katawan. Ramdam na ramdam ako ang pagiging kampante at malaya ng bawat galaw ko dahil sa malaking kamiseta na suot na tumatama ang haba sa aking mapuputing hita.
You've been around all night and that's a little long. You think you've got the right but I think you've got it wrong. Why can't you say goodnight so you can take me home,
Mickey 🎶May landi ang pag kembot ko at tila nang aakit ang pag ikot ko paharap sa malaking salamin. Mas lalo akong ginanahan sa pag giling ng makita ko ang aking sarili na dinadama ang aking pag sayaw.
Cause when you say you will, it always means you won't. You're givin' me the chills, baby, please baby don't. Every night you still leave me all alone, Mickey 🎶
Inartehan ko pa ang pag bibigay ng ekspresyon sa aking mukha na tila ba ibinabagay ko sa mga linya ng kanta, pinagapang ko ang aking kamay sa aking katawan pataas sa aking makinis na leeg. Hinaplos ko na parang isang babae ang bagsak at maikli kong buhok, napangiti pa nga ko na tila ba nakasira sa pag bibigay ko ng interpretasyon sa aking ginagawa dahil napansin ko ang kulay pink na pang-ipit sa aking buhok, tila hindi ito bumabagay sa aking ginagawa kaya naman marahan ko itong tinanggal.
Oh Mickey, what a pity you don't understand
You take me by the heart when you take me by the hand 🎶Mabilis kong itinaas ang aking dalawang kamay sa ere at punong puno nang senswal kong pinaalon ang aking katawan, mas nilambutan ko pa ang pag giling ng aking mga balakang at pinakatitigan ang aking mukha na kabisadong kabisado ko na.
Oh Mickey, you're so pretty, can't you understand. It's guys like you Mickey. Oh, what you do Mickey, do Mickey. Don't break my heart, Mickey. Hey Mickey! 🎶
Isang multong ngiti ang bumakas sa nang aakit ngunit maamo kong mukha, marahan kong kinagat ang manipis at mapupula kong labi. Inangat ko ng bahagya ang aking mukha para mas madepina at umangat ang maliit at may katangusan kong ilong, may arte at pang aakit naman ang pag kurap na ginawa ko mula sa bilugan kong mga mata na talagang kapansin pansin dahil sa mahahaba at makapal kong pilik mata. Dala ng maputi kong kutis at payat na katawan, para akong isang makasalanan na batang angel dahil sa mapag laro kong sayaw.
Now when you take me by the hooves everyone's gonna know—🎶
"Sexy mo ah..."
Isang mapangasar na tinig ang pumutol at gumising sa kalandian kong ginagawa.
"Kuya!!!"
WARNING:
THIS IS R-18 FICTIONAL WORK THAT CONTAINS BOY TO BOY THEMED STORY WITH STRONG LANGUAGES AND MATURE CONTENT.
ANY PART OF THIS STORY ONLY BELONGS TO THE WRITER: NEPTUNE.
IMPORTANT NOTE:
THIS STORY IS UNDER MAJOR REVISION ‼️
xx
- Neptune 💋
BINABASA MO ANG
HEY MICKEY
General FictionThis is a fictional work that contains homosexuality content with mature theme & strong languages that not suitable for very young audience. All places, names, events and other details that included in this story is far from reality. Read at your o...