Katulad ng karamihan, pangarap ko ring ikasal sa taong mahal ko. Pangarap kong bumuo ng masayang pamilya katulad nina Mommy at Daddy; tumanda kasama ng magiging asawa at mga anak ko; Maging maligaya habang buhay.
Ngayon, mangyayare na 'yun pero hindi sa paraang hinangad ko.
This is the day. The day That I'll be rotting to hell.
Goodluck nalang saakin."Hey, don't frown. " sinaway ko ang kapatid kong si Shan na nakasimangot na nakatingin saakin ngayon. He's 15, young and arrogant.
"Why do we have to do this? " kanina pa sya nagrereklamo sa bahay habang nagiimpake kami ng mga gamit. I know this is really hard for him. Mahirap rin saakin ito. Syempre ayoko rin naman na magkahiwa-hiwalay kami pero ito ang pinakamagandang gawin sa ngayon.
"For Mom. " I answered. We both turn our eyes to her. Nakakapit sya ngayon sa braso ni Shan, tulala at hindi parin makapagsalita. She's still in shock. Hindi nya kinayang ihandle ang mga nangyayare sa pamilya namin.
Shan doesn't know anything.
Ang alam nya lang nabankrupt kami at nabaon sa utang kaya nawala sa sarili si Mommy at kailangan naming magstay muna kina Grandma sa Finland dahil wala na kaming matitirahan, but there is more to that story. Pero hindi nya na kailangang malaman pa ang totoo. Hindi ko 'yun hahayaan.
They are leaving for good at susunod sa kanila si Daddy. All was settled.
Nakatingin lang saakin si Mommy. Nanginginig ang kanyang mga labi. Halatang may gusto syang sabihin saakin. Pinipilit nyang makapagbigkas ng salita pero hindi nya magawa.
Niyakap ko nalang sya upang itago kay Shan ang mga luha ko.
I know my brother. Mas matigas pa ang ulo nya kaysa saakin. Kapag nalaman nya ang totoo, hinding hindi sya papayag. Hinding hindi nya kami iiwan dito ni Daddy at hindi ko matutupad ang pangako ko kay Mommy na protektahan sila. Oo, poprotektahan ko sila sa abot ng makakaya ko.
"I promise I'll save dad. " bulong ko kay Mommy at saka ito hinalikan sa pisngi. I am determined to save him. I will save him no matter what.
She started crying without a sound.
"All passengers on flight C745 to Finland, please proceed to Gate B1.
All passenger on flight C745 to Finland, please proceed to Gate B1."Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkaalarma sa anunsyo. Hindi pa ako handang maiwan dito. I don't want them to leave yet. I'm scared. Niyakap ko agad si Shan." Take care of Mom and yourself. I love you both. "
"Just be sure na susunod kayo ni Daddy."
Only Dad.
"Go. " binitawan ko na sya at binigay sa kanya ang maleta nya bago pa man magbago ang isip ko. Tumango naman sya at naglakad na papasok sa departure area, nakaalalay ang isang kamay kay Mommy at hila hila ang maleta sa isang kamay.
Naghahalo ang emosyon sa loob- loob ko habang tinatanaw ko sila papalayo; Takot, galit, sakit, at agam-agam. Bakit kailangang mangyare 'to? Bakit kailangan naming maghiwa-hiwalay?
Kinuyom ko ang mga palad ko to remain steady. Walang magagawa kung iiyak ako. Walang magbabago. Kailangan kong maging matatag at harapin lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
MARRYING A PSYCHOPATH
Mystère / ThrillerThis is the disturbing story of Kira Buenavista, who was forced to marry a murderous Psychopath and her determination of staying alive.