Si Ace na lamang ang hinihintay para maging perfect ang lahat. Okey na rin kung medyo ma-late siya para makapagpahinga at mas makapag-ready pa kami. Kaso, umabot na ang isang oras... Dalawang oras... Hanggang magta-tatlong oras na kaming naghihintay pero wala pa rin siya.
"Ano, girl? Tunganga lang ang peg?" animo'y tina-tantrums na si Hye-jin sa pagpapadyak. "7:30 pm na, oh. Sure ka bang sisiputin ka no'n?"
Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan sa tagpong ito.
"Uy Zanabelle, okey ka lang?" tanong naman ni Aneesa habang pasimple nitong inaabot sa 'kin ang kulay puting panyo.
"No, thanks. I'm fine," pagtanggi ko. Sinubukan kong ngumiti kahit napipilitan.
"Alizanabelle, 'wag mo sabihing iiyak ka na. 'Wag na 'wag ka magkakamaling patuluin ang luha mo dahil maggigiyera ko talaga ang Justine Ace na 'yan! Umayos ka! Baka pati ikaw ma-warshock ko!" Hye-jin protested.
"Zanabelle, chill lang. Don't worry, darating din si Ace," sabi pa ni Aneesa.
Naglakad-lakad ako. Nagpaikot-ikot. Pauli-ulit pa rin mine-memorize ang speech kanina. Hindi ako halos mapakali. Sa halip na panghinaan ng loob ay itiningala ko na lamang ang tingin sa kisame.
"Okey lang kung hindi," giit ko, saka muling nagpakawala ng mga pilit na ngiti. "Hindi naman ako nag-expect. Sabi ko nga sa inyo, it was just a test. And h-honestly, wala pa talaga ako planong sagutin siya ngayon. The word 'Yes!' is just a means of saying, 'yes may pag-asa siya'."
"So, what those tears are for?" Aneesa noticed.
Late ko na rin napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Girl, bakit ka na-in love? 'Di ba, wala na 'yan sa vocabulary mo?"
"'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh!" sabat muli ni Hye-jin. "Fucking bitch iyang Justine Ace Castillo na 'yan! Huwag lang talaga s'ya magpapakita sa 'kin, naku!"
Tumunog ang wall clock. Eight o'clock na.
"Cut it out girls," pasalampak akong naupo sa tiles saka marahang hinaplos ang lapida ni Mommy. "It's sad to think that nobody is afraid of losing me. I still remember the day I chased Jackson. Hinabol ko siya... Nagmakaawa. I'm more than willing to break all the rules just to win him back, pero bakit ako pa rin 'yong talo in the end? Then now, I met Ace. Ang akala ko mananalo na 'ko kung sisimulan ko sa good image, pero bakit in-indian niya pa rin ako? Hindi ba nila alam, hirap na hirap na ako mag-adjust para lang ma-meet ang standards nila."
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Genç KurguWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...