Perfect Strangers (ft. JP Cooper)
Jonas Blue
1:31 ────|──── 3:16
|◁ II ▷|
ELY
The moment that he sang on stage, it felt like my heart was skipping a beat. I really love the way he sings. He almost captured my heart with his voice—he was singing if he was serenading me.
And take note, it was a Taylor Swift song! I didn't see that coming and they gave justice to the song. It was a 10/10 for me!
Tsaka ewan ko rin, kasi panay tingin siya sa akin o siguro nga sa katabi ko. Feel ko talaga, kilala ko siya. Ewan.
Natapos nila ang huling kanta kaya naman todo ang palapak ko sa kanila. Syempre naman, kinanta nila yung isa sa mga fave kong songs.
"And now, we will announce the 3 winners of the Battle of the Bands! Sino kaya ang uuwi ng 25 thousand pesos ngayong gabi?" sabi ng emcee at nagsigawan ang audience.
In-announce na nila ang winners at nakauwi naman ng 2nd place yung banda galing sa university namin. At syempre, 1st place naman yung The Masquerade. Deserve naman nila kasi grabe yung hype ng audience pagtungtong pa lang nila sa stage.
"Bes, papicture tayo sa kanila-- Claire?" aya ko sana kaso nawala na sa tabi ko si Claire at dinumog na ang front row ng mga babaeng gusto ring magpapicture sa The Masquerade.
"Labas na tayo, Ely," sabi naman ni Vince na halos 'di ko na marinig sa ingay ng mga tao.
Hindi na ako nakatiis pa sa kinatatayuan namin kaya nagdesisyon na rin akong lumabas kasama si Vince. Next time na lang siguro ang magpapicture sa kanila.
Nakahinga naman ako ng maluwag paglabas namin ng gymnasium. Tsaka ko lang din na-realize na nakahawak-- I mean, magkahawak ang kamay namin ni Vince.
"Ahh Vince--" sabi ko sabay turo sa kamay namin, saka naman siya bumitaw.
"Sorry," sabi niya. "May gusto ka pa bang puntahan ngayon?"
"De, okay na ako. Uwi na tayo," sabi ko.
"Ihahatid na kita sa inyo," sabi pa niya.
Magsasalita na sana ako kaso pinigilan niya ako. "Hep! Dinala kita rito kaya ibabalik rin kita do'n. Wala ng pero-pero!"
Wala akong magawa kaya naglakad na lang kami patungo sa parking lot kung saan nakaparada yung kotse niya.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Oo naman! Grabe, may kakanta pala ng kanta ni Taylor Swift ngayong gabi! Nabuhayan nga ako bigla dahil do'n!" sabi ko.
"Hanggang ngayon, Swiftie ka pa rin no?"
"Aba syempre! Idol ko yun no!"
Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ay nagring ang phone niya. "Oops, sandali lang ha," paalam niya saka sinagot ang tawag.
"Ha? Psh, oh sige, sige. Papunta na ako," rinig kong sabi niya saka siya lumingon sa akin. "Hinintayin mo na lang ako sa kotse. May kukunin lang ako saglit sa room. Wag kang tatakas! Ihahatid pa kita!"
"Oo na. Hihintayin kita do'n. Sige na, punta ka na!" taboy ko sa kanya saka siya umalis.
Nagpatuloy akong naglakad hanggang sa narating ko ang parking lot. Alam ko kung saan siya pumarada kaya nakita ko agad ang kotse niya.
Bigla ko namang naisip yung nangyari kagabi. Napatakip na lang ako ng bibig dahil natrauma na ako dahil do'n. Shuta, ano kaya trip ng mga tao ngayon at nanghahalik na lang ng bigla ng tao?! Kainis talaga—
Nagulat namana ko nang may nagsalita sa likuran ko. "Hey."
Nagdadalawang-isip pa akong humarap sa kanya. Gusto na sanang tumakbo paalis eh, pero hinarap ko na lang muna. Paglingon ko ay nalaman kong siya yung isa sa members ng banda kanina. Yung kumanta ng Enchanted, at hawak pa nga nya yung trophy.
"Ay hello po," bati ko sa kanya.
Bigla naman niyang tinanggal ang maskara niya, at saka ko lang siya nakilala. I gasped in surprise, dahil hindi ko aakalain na magkikita kami ulit. Siya yung lalaking nakatabi ko sa jeep noong nakaraang gabi. Yung hinawalayan ng girlfriend.
"The last thing you said, maybe music will make a way for us to meet again. Now, it really happened," sabi niya.
"Yeah, I remember. I was just kidding at that time. Hindi ko rin aakalain na dito pa tayo magkikita ulit," sabi ko.
Nilahad niya yung kamay niya."By the way, I'm John Paul Abellana. Call me Paul for short."
"Ely. Ely Sanchez," sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
Naalala ko naman yung unang tagpo namin sa jeep. "Uhm, kamusta ka na po? Okay ka na po ba?"
"Are you referring to my girlfriend?" tanong niya at tumango na lang ako bilang sagot.
"Nah, nagbreak-up na talaga kami, but thanks dahil pinatahan mo 'ko dun sa jeep. Siguro depressed pa rin ako hanggang ngayon, kung 'di mo ako tinulungan that time," he giggled.
"No biggie. Tsaka congrats po pala! 'Di ko rin inexpect na maganda po yung boses nyo!"
"Nah. I sang very well tonight because of--"
"Ely!"
Naagaw ang atensyon ko nang biglang may sumigaw na papalapit sa amin. It was just Vince.
"Vince!" sabi ko sabay lapit niya sa akin, saka niya tinignan si Paul.
"Ely, kilala mo siya?" tanong niya.
"Oo baki--"
Kita ko kung paano nag-iba ang tingin niya kay Paul. "Let's go home. Pasok ka na sa kotse," biglang sabi ni Vince saka niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Wait-- Paul!"
For the second time, naiwan ko na naman siya. Huli naming kita sa mall, ganito rin ang nangyari.
"Vince, anong problema mo? Nag-uusap lang naman kami ni Paul--"
"Wag ka nang lalapit pa sa kaniya, Ely. Stay away from him," sabi niya at kita ko kung paano umasim ang mukha niya. Nagtaka kaagad ako sa kinikilos niya.
"What do you mean? May history kayo?" tanong ko.
"It's not like that. He's Ate Ches' ex-boyfriend. He's a playboy, Ely. Better stay away from him," sabi pa niya.
"Nakikipagkaibigan lang naman siya sa akin, ah!"
"Ely, ngayong bestfriend na ulit tayo, poprotektahan na kita sa taong kagaya niya. He's not like what you think. Ayokong may mangyari sa'yo kung lalapit ka sa lalaking iyon," dagdag pa niya.
Napabitaw na lang ako ng isang malalim na hinga saka sumang-ayon sa kanya. Kung gano'n, siya pala yung ex ng Ate Chesca niya. Sobrang liit lang pala talaga ng mundo.
Nakarating na kami kaya nagpasalamat ako sa kanya sa paghatid sa akin. "Salamat pala. Ingat ka sa pag-uwi!" sabi ko.
"Kiss muna!" bigla niyang sabi na ikinagulat ko.
He saw my reaction kaya napatawa siya. "Just kidding. Sige, good night," sabi niya saka ako bumaba sa kotse.
Pagpasok ko sa apartment ay sumagi naman sa isip ko ang sinabi ni Vince kanina.
"Stay away from him."
Kung alam lang siguro ni Vince kung gaano ka vulnerable si Paul no'ng una naming kita, siguro magbabago yung tingin niya sa kanya. Mukhang hindi naman siya playboy.
Saka kung playboy siya, ba't niya iiyakan yung nakipaghiwalay sa kanya?
May sasabihin pa sana si Paul kanina, wrong timing lang talaga si Vince. Hayst.
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomanceTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...