Chapter 26

111 6 0
                                    



The Weekend (ft. Luísa Sonza)
PRETTYMUCH
1:40 ────|──── 3:34
|◁          II          ▷|



ELY



I was playing random songs while laying on my bed when a bell rang from my phone. Galing yun sa messenger ko at nakita ko ang isang unread message from Paul.

Nga pala, he sent some requests sa IG at FB account ko kagabi. Guess he found my accounts online. And, hindi na ako nag-hesitate na i-accept ang requests niya. Why not? Mabait naman siya kaya okay lang.

Paul waved at you.

Paul sent a message.


Agad kong binuksan ang convo namin at tanging nakita ko lang ay wave niya at isang maikling message.


Hey Ely ;)


He sent the message just a minute ago, pero napansin ko rin kaka-offline lang niya. Magre-reply ba ako? Wala namang masama kung gagawin ko yun di ba?


Hello Paul 😊


Agad kong sinend ang message sa kanya. I just realized na sobrang ikli lang no'n. Siguro mag-aapologize na rin ako sa nangyari kagabi.


Pasensya ka na sa nangyari kagabi.
Btw, congrats for winning the battle last night! ✊


After I sent the message, I went to his profile. Hindi kasi ako medyo naka-stalk sa timeline niya kagabi.

He's a bit famous based on the likes that he gets on his posts. Gwapo nga talaga siya. Hindi ko lang nakita nang maayos yung mukha niya kagabi dahil sa dilim.

I scrolled down on his timeline and there I saw a photo of him and a girl. She looks familiar until naalala ko na siya pala yung Chesca na aksidente kong nakita sa phone ni Paul.



"He's Ate Ches' ex-boyfriend. He's a playboy, Ely. Better stay away from him."



I suddenly remembered what Vince said last night. So totoo ngang magpinsan sila ni Chesca. Is that the reason why kilala ni Vince si Paul?

Hayst, napakagulo naman nito.

I continued to scroll down and I saw photos of Paul with his three friends. There I saw a familiar person again. Then, I suddenly ask myself. Ganito ba talaga kaliit ang mundo? Pati pa 'tong lalaki na 'to kilala niya?

Naka-tag naman siya sa picture kaya binuksan ko yung profile niya. Bumungad naman sa akin ang full name niya.


Nathaniel Pineda


Magse-send ba ako ng friend request? Hayst, 'wag na lang. Mukha pa lang niya, parang makulit na talaga. Kaya, bumalik ako sa convo namin ni Paul pero hanggang ngayon, offline pa rin siya. Wait, ba't parang nag-aantay ako sa reply niya?

Bigla namang sumulpot sa screen ang pangalan ni Vince sa screen. Ang aga-aga, tumatawag na. "Good morning Elmo!" sabi niya sa kabilang linya.

"Ha? Pakiulit nga sa sinabi mo? Hindi ko talaga marinig," mariin kong sabi.

"Good morning Ely!" sabi niya.

"Hindi 'yan yung sinabi mo kanina. Iba yo--"

"Psh, wala bang good morning jan?" sabi pa niya.

"Ewan ko sa'yo. Ba't ka napatawag?"

"Gusto ko lang magsorry about sa nangyari kagabi. I was acting very rude last night," he calmly said.

"Vince, its fine. I totally understand. Hindi ko naman talaga ang alam kung anong nangyari," sabi ko habang naglalakad papunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Pero Ely, can you promise me na hinding-hindi ka na lalapit sa kanya?" sabi niya kaya napatigil ako sa pag-inom sa baso.

"Vince, alam ko namang kakabreak lang niya kay Paul at sa Ate Chesca mo. Pero wala naman sigurong issue kung magiging friends lang kami," I said.

"Tsaka isa pa, as long as he's nice to me, there's no problem. If something goes wrong, tsaka ko susundin ang sinabi mo. Is that okay?" dagdag ko pa, saka binaba ang hawak kong baso sa mesa.

"Fine, fine. I understood your point, pero kapag nalaman kong iba pala ang intensyon niya sa'yo, hinding-hindi ko talaga hahayaang lalapit pa siya sa'yo," sabi niya. Now he's acting like my guardian.

"O sige po. 'Yun na lang ba ang pag-uusapan natin?"

"Meron pa."

"Ano na naman po?"

"I'm actually on my way to your apartment. Gala tayo?" sabi niya kaya nataranta agad ako.

"Ha? Hala teka! Ba't hindi mo sinabi agad?! Vince? Hello!" sabi ko pero huli na nang pinutol na niya ang tawag.

Hayst, ano ba 'to! Pabigla-bigla na lang yung aya niya! Hindi pa naman ako naligo kaya agad akong nagbanyo. Halos limang minuto lang ang ligo ko at kumaripas pa talaga akong pumunta sa kwarto para pumili ng susuotin ngayon.

Gala lang naman 'di ba? So casual lang na outfit ang susuotin ko. Saktong pagbihis ko ay may kumatok sa pintuan. "Sandali lang!" sigaw ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay sumalubong sa akin ang magaling na kausap ko kanina. "Ready ka na?" sabi pa niya.

"Okay lang ba 'tong suot ko--"

Hindi na niya ako pinatapos magsalita nang bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinatak palabas ng apartment. Buti na lang ay nasara ko kaagad ang pintuan.

Saktong paglabas namin ay nakasalubong naman namin si Aling Rea at Dexter. Mukhang nagulat pa nga sila.

"Good morning po Aling Rea at Dexter!" agad kong sabi nang madaan namin sila.

"Naku, hindi mo pala sinabi na may boypren ka na pala Ely!" rinig kong sabi ni Aling Rea.

"Naku po! Hindi ko po siya boypren!" sabi ko pero hindi ako sigurado kong narinig nila dahil nakababa na kami sa hagdan.

Narinig ko namang tumawa si Vince na ikinataka ko. Huminto naman kami sa pagtakbo nang nakarating na kami sa kotse niya. "Oh, anong tawa-tawa mo jan?" sabi ko sa kanya.

"Wala. Pasok ka na sa kotse," sabi niya saka siya pumasok sa loob at sumunod naman ako.

"Saan ba kase tayo gagala?"

"Secret. Malalaman mo mamaya."

Kinulit ko pa siya kung saan nga pero simula no'n ay tinatawanan lang niya ako at nagfocus lang sa pagddrive. Sinabihan ko pa siya na tatawag ako sa police station at sasabihing kinidnap niya ako pero hindi pa rin tumalab.

Nang napagod ako, hinanap ko na lang yung phone ko sa bulsa ko pero tsaka ko lang na-realize na naiwan ko pala sa kwarto. Kaya ayun, wala akong magawa kundi dumungaw na lang sa bintana.

Napansin ko namang hindi medyo pamilyar sa akin ang daan, hanggang sa nakarating kami sa isang beach resort.

"O, akala ko gagala tayo? Ba't tayo andito?" tanong ko pero hindi pa rin niya ako sinagot.

Nakapasok na kami sa main gate hanggang sa huminto siya sa parking lot. "Oy, ba't mo ba ako dinala rito?"

"Birthday ni Ate Ches at syempre invited ako, pero boring naman kung wala akong kasama. Kaya ikaw ang dinala ko rito," sabi pa niya.

"Vince naman oh! Sana sinabi mo agad! Tignan mo yung suot ko! Nakakahiya!" sabi ko sabay tingin sa suot kong casual attire lang.

"Psh, kung makaarte ka jan parang royal party yung iaattend natin. Halika, excited na si Ate Ches na makilala ka," sabi niya at naunang lumabas sa kotse.

Huminga ako nang malalim. Akala ko talaga gagala kami ngayon kaya napaka-casual lang ng suot ko. Hindi ko alam na magbbeach pala kami.

Lalabas na sana ako kaso inunahan ako ni Vince sa pagbukas ng pinto. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Tara, puntahan na natin sila," sabi pa niya at sumunod naman ako sa kanya.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon