Kabanata 1

342 22 32
                                    

Sherine Mea Montes

"A happy family for my ex!" Sigaw ni jen na lasing na lasing na. Kasalukuyan kaming nasa kanilang likod bahay at nag-iinuman kasama si Elias.

Kaming tatlo lang naman lagi ang nag-iinuman, and jen's family is fine with that. May tiwala naman sa amin ni Elias at isa pa, nasa place kami ni jen. Nakakahiya naman tumanggi noonh nag-aya si Jen, dahil pagkami ang nag-aaya dito ay sumi-sige siya agad.

"He's a son of a bitch, madapaker!" Sigaw ulit nito.

Tinungga ko ang baso at pa bagsak na ibinalik ito sa mesa. Elias startled a bit. Dali-dali niyang pinuno ulit ang baso ko. Siya kasi ang taga tagay. Nagka tinginan kami at sinenyasan siya na kaunti lang ang ilagay sa akin. 

"Ano ba kasi ang nangyari? Simula ng bumalik ka dito galing maynila nagkagan'yan kana" I ask and handed her shot.

Imbis na sumagot siya ay hinarap nya si Elias. "Ikaw—" turo niya kay elais. "Seryoso ka kay baby girl diba?"

Elias' forehead creased. "Bakit ba ganon din tawag n'yo sa kaniya? I told you she's my baby girl-"

"Pake ko?" Sigaw nito. I chuckled and shook my head thrice. "Huwag na huwag kang mag kakamali na saktan si Jade, wag kang tutulad kay hugh..." napaikot ang mata ko. Here we go again, I warned her before that committing a serious relationship to a guy way older than her was a mistake. And now here she is, crying because of him.

"Gagong 'yon,  a! " sabi ni Elias at nag shot. "Hayaan mo,' di natin siya bati."

"Jenelyn, ano ba kasi ang nangyari?" Asik ko.

Nang sa wakas ay tumingin siya saakin. "He is 5 years older than me, maaga akong lumandi kaya ayan nasakatan. Tangina, pumunta ako sa manila para makita ang pinsan ko..." nag shot siya.

Mas na curious ako "Tapos....?" bwiset pa bitin.  

"Tapos, mahigit ilang linggo lang s'ya doon malalaman ko nalang magkaka anak na s'ya? Peste! Mahigit isang buwan ng buntis si ate girl! Sabi n'ya iintayin n'ya ako, sabi n'ya mag iipon lang s'ya?"  Akma niyang itatapon ang bote ng agad na mapigilan siya ni Elias." So habang kami pa ay niloloko na niya ako!"

Naka hinga naman ako ng maluwag duon.

I tried to comfort her. " You need to move on—"

" How?! " her emotions explode. " Tell me how to can I move forward without him, Sherine. I trusted him. I believe to all of his promises kasi alam ko na mahal na mahal niya ako. Ibinigay ko nang buong-buo ang puso at sarili ko—pero ano? " muling namuo ang Luha sa kaniyang mga mata. "Nagawa niya pa rin akong lokohin. Akala ko iba siya, Sherine. Akala ko iba siya."

Labis ang sakin na naramdaman ko sa mga salitan binitawan ng kaibigan ko. She doesn't deserve to be hurt like this.  I'm her friend and I can't stand seeing her like this. That bastard motherfucker. Binalaan ko siya noon na wag sasaktan ang kaibigan ko pero ginawa niya parin.

"Ano ba gusto mong gawin? Resbakan na natin gusto mo?" Itinaas ni Elias ang kaniyang manggas at maangas na tumayo. "Saatin ang San Vicente, ano pag pumunta 'yun dito haharangin ko—"

"G-gago." Tumawa ako ng malakas. "Akala mo naman ang laki-laki ng katawan mo" asar ko sa kaniya.

Marahil ay ramdam na ni Elias ang tension kaya' t siya na mismo ang bumasag nito.

"May muscle ako, araw-araw ako ng bubuhat ng sako-sakong bigas, mga gallon, at marami pa kaya may muscle ako"

"May muscle ka nga. Sing laki ng itlog ng pugo na tinda mo"

Noong naramdaman ko na may tama na ako ay tumigil na ako sa pag-inom, ganon din si Elias. Pero si jen ay nag patuloy parin, dahilan namin ni Elias ay tapos na kami at siya na ang next. Gosh, hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na iiyak para sa lalaki.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon