Your past is always your past. Even if you forget it, it remembers you.
Angelous POV
2020
Kasalukuyan akong Nakatingala sa mga tala na nag bibigay liwanag sa kadiliman ng kalangitan. Madalas akong nag lalagi dito pag kabilugan ng buwan, madalas pinapakinggan ko lang ang mga alon na humahampas sa dalampasigan papunta sa aking mga binti. Dahil dito lang ako nakakaramdam ng kalayaan, kalayaang makapag isip-isip habang pinag mamasdan ang kalangitan.
Dito malaya ako, Malaya akong ilabas ang totoo kong nararamdaman. Dito sa lugar Lang nato kaya kong ilabas kung Sino ba talaga ako at Bakit sa Tagal ng panahon Andito ulit ako para umiyak.
Matagal Tagal na ding panahon bago ulit ako makapunta ulit dito.
Kamusta na kaya sya?
Naging masaya Kaya sya, simula nG nawala ako?
Siguro Oo, dahil ayun din naman ang gusto nya. Ang mawala ako sa buhay nya.
Pero kahit ganon ang nang yari, masaya padin ako dahil kahit papaano naging masaya ako sa pamamalagi sa probinsyang ito kahit sa Huli puro pag hihirap Ang dinanas ko.
Wala eh nag Mahal Lang ako, nag Mahal Lang ako ng Isang taong diko akalain na madaming hahadlang. Diko maisip na nagawa ko ang mga bagay na diko manlang Napag isipan at Napag handaan.
Masyado pakong bata nung mga panahon na Yon. Masyado akong naging Mapusok at walang inisip kundi ang kaligayahan ko lang. Maipaglaban ko ang karapatan Kong Mag Mahal, karapatan Kong pumili nG taong Mamahalin at iibigin. Masyado akong nabulag sa pag mamahal nung panahon na yon, dahil don linamon ako ng pag mamahal na nagbigay sakin ng sakit.
Madalas kong Tinatanong sa sarili ko Kung bakit sa dinami raming mga tao sa mundo Bakit sya pa? Bakit?
Pero habang Tinatanong ko ang mga yun sa sarili ko, magigising na Lang ako sa katotohanan na Wala na sya, na Wala na talaga sya. Na isa na Lang syang bahagi nG pag katao ko ng kasaysayan ko na kahit Anong gawin ko Hindi na mabubura dahil nakatala na sya sa pahina ng aking buhay.
Isa na Lang syang bahagi nG nakaraan, na kahit paglipasan nG panahon Hindi na mawawala.
Napatigil ako sa pag iisip at napabuntong hiningi sa mga iniisip ko, kumuha na Lang ako ng dalawang bear sa bag na dala dala ko sa pag Punta dito, binuksan ko ang isa. Dito ay linagok ko ng dahan dahan at dinama ang pait na gumuhit sa aking lalamunan Kaya napapikit ako at nag Balik tanaw ako sa nakaraan.
Kung Saan nag simula at nag tapos Ang lahat.
BINABASA MO ANG
AKO MUNA
Любовные романыEverything is temporary; emotion, thoughts, people and scenery. Do not become attached, just flow with it.