Angelou's POV
2015
"TANG INA! ANO! TATAYO KA LANG DYAN! MAG AAYA KA NG SUNTUKAN TAS TITITIGAN MO LANG AKO! " gagong to! Mag hahamon ng suntukan tas tititigan Lang ako.
Dahil sa maikli lang Pasensya ko at sinayang nya yung oras ko, Ako na mismo ang lumapit at sinapak yung pag mumuka ng 4th year high school na kaharap ko.
Nakailag sya sa una kong pag sugod pero di nya inaasahan ang paparating na sipa na parating sa likudan nya Kaya napatumba sya.
"Tama nga yung Sabi nila, Mayabang ka" Sabi ni boy gangis habang tumatayo sa pag kakadapa.
Tinignan ko Lang sya habang ginagalaw galaw nya yung balikat nya. Tsk! Mayabang daw ako? Napangisi ako at Pinag mamasdan ko ang bawat mga kinikilos nya. Na bigla ako nung bigla syang sumugod nG Mabilis at natamaan yung muka ko at sinabayan pa ng sipa sa sikmura ko, napaluhod ako at napahawak sa bandang tyan.
"Shit! " diko inaasahan na Malakas din pala sya sumuntok Tsk! Masakit pero binalewala ko Lang. Tumayo ako at nag pagpag ng Damit sa bandang tinamaan nG sipa.
"Hindi nadin masama, Medyo Malakas din naman kahit papaano " sabay ngisi sa Kanya, habang pinapagpagan padin yung nadumihan Kong damit. "pero kakayanin mo Kaya? " Sabi ko sa Kanya at Ang dating ngisi ay napilitan nG malawak ngiti.
Nakita ko sa mga Mata nya ang kalituhan sa mga sinabi ko Kaya Wala pa sa alaskwatro sumugod ako sa Kanya ng napaka bilis at pinaulanan sya ng suntok at tadyak sya naman ay puro ilag at iwas ang Ginagawa at Kapag may pag Kakataon bumabawi sya at ako naman ang puro salag.
May mga suntok na tumatama sa bawat parte nG katawan nya at Ganun din ako. Lumayo muna ako sa Kanya dahil Medyo hiningal na din ako at Alam ko sya din nakakaramdam na din ng Pagod.
"magaling kadin naman pala bata, mayabang Lang pero pwede na" Sabi nya sakin habang hinahabol nya yung paghinga nya.
"ikaw din naman gangis, Ayoko man aminin pero magaling Ka " totoo naman dahil nasasabayan nya yung mga galaw at kilos ko."pero Tapusin na natin tong kalokohan na to, sinayang mo oras ko. Tsk! "
Sabay takbo ulit sa Kanya pero bago ako makalapit ay umikot ako sa likudan nya at doon sinipa sya ng pag kalakas Lakas Kaya Napa subsob sya sa sahig. Diko na sya Pinag Bigyang makatayo Kaya Pinag sisipa ko ng Paulit ulit yung likudan nya at nung nakontento nako umalis nako at iniwan syang namimilipit sa sakit.
Buti na Lang walang katao katao yung Pinag dalhan nya sakin, Ayoko pa naman sa lahat yung madaming tao. Masyado akong dumidistansya sa maraming tao. Bakit? Diko Alam, Basta Di ako komportable Kaya rin siguro ako Napag bibintangan na mayabang o Di Kaya pasiga siga dahil din sa mga kilos ko pag nasa school ako. Madalas kase akong mag isa Kaya Kapag nag lalakad ako Taas noo ako at nakasalubong palagi yung dalawa kong Kilay, wala din akong pakeelam sa paligid ko Kapag nag lalakad ako wala akong pake kung may nababangga akong tao Basta pag nakasalubong nyoko sa daan Napapansin nyo sakin na deretcho Lang ako tumingin at Parang Di kayo nakikita pero lahat ng kinikilos at pag uugali ko may dahilan.
Dati na din kase akong na bully noong elementary Palang ako dahil sa kilos Kong Hindi angkop sa mga Mata nG mga taong mapang husga. May pagkamalambot ako nung mga panahon na yun kaya madalas tampulan ako ng mga tukso at mas tumindi pa yung pang aasar nila nung nakikita nilang mas Malapit ako sa mga babae.
Kaya noong graduation namin Pinangako ko sa sarili ko na magiging Malakas ako. itinatak ko sa utak ko na Hindi ako mag papaapi kahit kanino. Kaya nung bakasyon Pinag sikapan Kong Mag kalaman dahil sa may kapayatan ako pag Katapos ay nag patulong ako at nag pasama sa pinsan Kong si Kuya Anton na Mag jogging tuwing umaga at pag ka tanghali tinuturuan nyako kung Pano Mag self defense mga basic na Dapat gawin para maprotektahan ko yung sarili ko sa mga taong gustong manakit sakin.
Kaya noong pasukan Wala ng bakas ng taong inaapi nila noon. Wala na yung dating ako na lampa, malambot at pa bakla bakla. Di na ako yung dating ako na nakakaya kayanan nila dahil ibinaon ko na yun salimot. Dahil sa pag babago ng pisikal Kong katawan ay pag babago din ng ugali ko.
BINABASA MO ANG
AKO MUNA
RomanceEverything is temporary; emotion, thoughts, people and scenery. Do not become attached, just flow with it.