Ilang araw na rin ang nakalipas nang makalabas ako sa hospital.sabi ng doctor ay wala naman daw problema at normal lang daw iyon na maalala ko.
inaayos na rin ang kaso ni ate at iniimbistigahan pa ng mga pulis ito at ang daddy ni liam.hindi sapat na nakita ko lang o namin,kailangan ng mas matibay na ebidensya.planado talaga kasi ang nangyari at maging ang cctv sa lugar na 'yon ay sira o kaya sinira talaga.
kaya mas mahirap maghanap ng ebidensya dahil makapangyarihan ang carson at kayang kaya lang nilang bayaran lahat 'to..pero hinding-hindi niya mababayaran ang buhay ng ate ko.
sabado ngayon at inaya ko ang mga kaibigan ko dito sa bahay.sinabi ko tumambay lang sila dito at free naman sila.
pero may iba pa rin akong pakay,gusto kong magsama sa iisa sila abi at vince.titignan ko ang bawat kilos nila kung may iba ba o may something.
tignan natin kung hanggang saan ang pagtatago ninyong dalawa.ayaw ko man maging plastik sakanila pero pinipilit ko nalang din,hindi ko na nga alam kung ituturing ko pa silang kaibigan sa ginagawa nila sa'kin.
hindi na rin muna kami nagkikita ni liam ng madalas.sinabi ko na gusto ko munang makapag-isip at pumayag naman siya pero tutulong pa rin daw siya sa kaso.
unang dumating si jane at sunod-sunod na sila.nagpunta kami sa pool para doon tumambay at uminom konti pero mukhang andami nilang dala.
naka maong shorts ako at white tank top,nasa loob ko ang swim suit dahil magsiswimming nga kami mamaya.
nakapaikot kami ng upuan at katabi ko si vince,nasa tapat naman namin sila jane at abi,nasa gilid ko naman si crist at nasa gilid naman ni vince si cahlil.inumpisahan na nilang buksan ang mga alak.maggagabi na rin naman,dito ko nalang sila papatulugin.
ayos lang rin naman kila mommy dahil kilala na nila sila at alam naman nilang mababait at responsable sa inuman.
hindi ko alam kung napapansin ba nila vince na cold ang pakikitungo ko sakanila pero alam kong nahahalata nila 'yon.
"are you okay babe?"tanong ni vince na nakaakbay sa akin.para naman akong nandiri do'n.
"hmm"tumango lang ako habang nakatingin kay abi.kanina pa siya pa sulyap sulyap saamin at hindi maipinta ang mukha.
napangisi naman ako na tumingin kay jane at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.
"sana ol may lovelife!"natatawang sambit ni cahlil at nakatingin samin.
natawa naman ako."ikaw nga maraming chix d'yan eh"biro ko nagsitawanan naman sila.
"hindi kaya marami,mga sampu lang" binatukan naman siya ng mahina ni vince dahil sa sinabi.kung makabatok kala mo walang babae huh.
"bugok,edi marami nga!kawawa naman yung mga babaeng pinagsasabay mo"natatawang sambit ni vince.wow huh as in wow.
"sa'yo pa talaga nanggaling yang salitang 'yan ha"tumatango tango kong ani at napatahimik naman silang lahat.
"bakit?"tanong niya.hindi ako nagsalita at uminom nalang.
"sino ba kasing nagsabing babae ang mga pinagsasabay ko?"pambabasag ni cahlil sa katahimikan."mga papi kaya!"pabaklang patuloy niya at nagsitawanan naman kami.
nawala na ang tensyon na bumabalot kanina sa'min.
"ikaw abi,ano ng balita sa lovelife mo?hindi ka na nagkekwento sa'min oh"pilit akong ngumiti at kunwari nagtatampo.sabay naman silang nasamid ni vince.ang galing niyo magtago,huli sa akto.
"oo nga naman abi"sulsol ni jane at sumabay na rin yung iba.
"uhm,wala pa naman sa ngayon nagfo focus muna ako sa studies ko"sagot niya.
sinungaling.
hindi naman sila kumbinsido sa sagot niya pero hinayaan nalang nila.
nagkwentuhan pa kami habang umiinom.napapansin ko din na madalas nagtatama ang tingin nila ni abi..noong una ay nasasaktan ako pero namanhid na ata ang puso ko dahil wala na akong maramdaman na sakit,nakakapagod.nangingibabaw pa rin sa'kin ang galit ko..at ayaw ko no'n dahil hindi naman ako ganitong klase ng tao.mas nagagalit ako dahil kaibigan ko silang dalawa.
"tara na magswimming,baka malasing tayo agad niyan eh"aya ni jane at pumayag naman kami.
napa 'o' kaming lahat nang alisin ni abi ang damit niya kaya naka swim suit nalang siya ngayon at tumambad sa'min ang maganda niyang katawan.ngayon ko lang napansin iyon dahil hindi na kami ganoon nagkakausap.
pasimple ko namang tinignan ang reaksyon ni vince.nakatitig lang siya kay abi,sa katawan ni abi.mas lalo lang akong nagagalit.kahit nasasaktan hindi ko na magawang umiyak,wala na atang luhang lumalabas sa mga mata ko dahil halos gabi-gabi akong umiiyak.
pabiro namang pumaswit sila crist at cahlil at natawa sila pero nanatili lang akong seryoso at hindi nakisali.
nahiya tuloy akong magtanggal ng damit.aaminin kong mas sexy siya pero atleast hindi ako kabet..oopsss nadulas,sorry sinadya.
"baka malusaw 'yan"bulong ko kay vince at nagulat na tumingin sa'kin.hindi niya siguro namalayan na kanina pa siya nakatitig kay abi.
"ha?"taka niyang tanong.sus,kunwari pang hindi niya alam ang sinasabi ko.
hindi na ako sumagot at naglakad na papunta sa pool.hinubad ko na ang pang itaas ko at hinayaan kong naka maong nalang.saka lumusong sa tubig.
napangisi naman ako sa tingin ni vince sa'kin.
babaero,tch.
lumangoy ako pagkatapos naglaro kami nila abi at jane na nagwiwisikan kami ng tubig.
"ouch!"napatigil kami nang napahawak si abi mata niya.natamaan ko siya sa ng tubig do'n.
"sorry"lalapit na sana ako pero nagulat ako nang lumapit bigla si vince sakanya.
WOW.
"are you okay?"tumango si abi at may binulong siya kay vince dahilan para mapalayo ito ng kaunti at tumingin sa'kin.
tumawa ako ng sarkastiko at nagbabadya na ang mga luha ko kaya umahon ako at kumuha ng bote ng beer at tinungga ko iyon.
tumahimik naman sila at naglipat-lipat ang tingin saming tatlo.pasimple ko namang pinunasan ang luha ko ng lumapit si vince sa'kin.
"marisse look,it's not what you think okay?"ani niya at umupo sa tabi ko
"ano naman ang gusto mong isipin ko do'n ha?"kahit alam ko naman na ang lahat ay nagkunwari pa rin akong walang alam.
"a-akala ko lang kung ano ng nangyari..kaibigan din naman natin siya"bumuntong hiningang ani niya.bakit parang kasalanan ko pa ngayon?
"okay"maikling sagot ko at tinungga ulit ang boteng hawak ko.
"marisse,ilang araw ka ng ganito ah?"nag-aalalang tanong niya.napailing ako,tinatanong niya ako kung bakit ako ganito?
"ano bang problema?"tanong niya ulit.
"wala,ano bang dapat kong Problemahin?"tanong ko pabalik.
"ayaw mo na ba?kasi bumalik na siya?"natigilan naman ako sa tanong niya.paano niyang nalaman iyon?tsaka bakit siya nasali sa problema namin?
"baka ikaw yata ang dapat kong tanungin.ayaw mo na ba?dahil nagsawa ka o may iba ka na?"malamig kong tanong pabalik.
"ano bang sinasabi mo?"nakakunot ang noo niyang tanong.talaga lang huh.
natatawa naman akong umiling at pinagpatuloy na ang pag inom.
hindi mo na ako maloloko vince,hindi na..
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Novela Juvenilsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...