-----------
Si Alvina ay isang negosyante , may pera, bahay, at lupa . Mayroon sya lahat ng gusto at kakailanganin ng isang tao , ngunit mayroon pa ring kulang sa kanya . Wala siyang kasama sa buhay .Sa edad na 15 anyos si Alvina ay natutunan ng magbanat ng buto, siya ay lumaking wala ang kaniyang mga magulang, pinalaki lamang siya ng kaniyang lola na noong kaarawan niya ay pumanaw na . Si Alvina ay isang masipag na bata siya ay nagta-trabaho habang nag-aaral hanggang sa makatapos ito ng highschool .
Dahil sa Boss ng kaniyang pinagtrabahuhan noong high School , ipinalipat siya sa ibang branch nito sa maynila nang sa ganoon ay makapagkolehiyo siya at makapag tapos ng pagaaral. Subsob sa pagaaral si Alvina sa eskuwela,trabaho, at bahay lang ang kaniyang gawain araw araw. Tanging bahay ng Lola lang niya ang kaniyang nakuhang pamana sapagkat sila ay di naman ganoon kayaman.
Nang makapagtapos si Alvina ng kolehiyo ay agad itong naghanap ng trabaho ,at umayos naman ito, dahil sa sipag at tiyaga, Naipaayos niya ang bahay ng kanyang lola at tumigil na siya sa pagttrabaho sa resto, bagamat malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang boss dumadalaw dalaw parin siya doon at tumutulong pag kailangan, hanggang sa siya ay na promote sa kaniyang trabaho at gumanda ang takbo ng buhay niya. Ngayon ay mayroon na siyang sariling resto na sa ngayon ay maayos naman ang lagay.
Habang nagiisip si Alvina ng panibagong recipe para sa kaniyang resto bigla na lamang sumulpot ang kaniyang isang kahera bagamat siya ay lumaking mahirap hindi naging mahirap sa kaniya ang pakisamahan ang kaniyang mga trabahador.
"Mam Vina Mukang malalim iniisip natin ah ?"
ani ng kaniyang kahera at humalumbaba sa harap niya.Alas singko trenta palang ng Maagang pumasok silang lahat upang masiguradong malinis ang resto pagpasok ng mga customer yun ang kaniyang laging habilin sa kaniyang trabahador.
"Iniisip ko lang kung ano ang maaari pa nating gawing bagong recipe, glenda"
Sagot naman nito sa kanyang kahera na agad namang tumawa at nagsalita ."Akala koy iniisip mo kung kelan darating ang iyong the one Mam eh hahahaha"
Ani ni glenda na bahagya niya ring ikinatawa ."Hay nako glenda, masyado na akong matanda para diyan"
Gagad niyang ani dito .
Malungkot naman siyang napatungo at napaisip dahil sa kaniyang naturan."Mam Ano ba kayo 35 palang naman kayo mam , atsaka ika nga ni Mang Fredo Age doesn't Matter hahahah" gagad na ani ni glenda kasabay ng halakhak neto na siyang ikinabungisngis niya .
Si Mang Fredo ay ang Sekyu nila sa Resto na nasa edad kuwarentay kwatro ay may kasintahang bente otso na ngayon ay kasal na .
"Hay nako glenda, magtrabaho ka nga at puntahan mo na si Mang Fredo pa buksan mo na sa harap ang resto"utos niya kay glenda
" sige mam vina wag po kayo magalala mahahanap niyo rin siya hindi man kayo magtagpo sa panahong to nasisiguro kong sa ibang panahon magtatagpo kayo dahil kayo ang itinakda ng tadhana " gagad na sagot nito sa kniya at sabay umalis na sa lagay niyay tumungo na ito kay mang fredo ayon sa utos niya .
Napabuntong hininga na lamang siya at napaisip bigla sa hangin ..
'Siguro kung hindi ako nagpakasubsob sa pagaaral noon may anak at asawa na siguro ako ngayon , Sana.., Kung maibabalik ko lang ang panahon 'Nagbalik lamang ang isip ni alvina ng nagsidatingan na ang kanilang customer.
'Haaayss.. Work na naman..' Ani sa isip niya.
Lumipas ang ilang oras at natapos na ang trabaho niya para sa araw na iyon , nagsipaalam na sa kaniya ang kaniyang mga trabahador at siya na lamang at si mang fredo na inaantay siyang matapos sa pagkakandado ng resto ang naroon ."Sige Mang Fredo uwi na ho kayo at akoy uuwi na rin pasensya na medyo ginabi ang uwi mo" ani niya kay mang fredo pagkatapos niyang maikandado ang resto
BINABASA MO ANG
Your Wish Is My Command (Slow-Update/On-Going)
FantasySi Alvina ay isang matandang dalaga na nabigyan ng pagkakataon upang makabalik sa kanyang nakaraan. At mabigyan ng pagkakataon na baguhin ang kasalukuyan pero ..Ang Nakaraan ba Ay puwedeng gawing Kasalukuyan ?.. Hindi ako magaling na manunulat, sumu...